Chapter 41

3.4K 152 18
                                    

Future

I told my mother na may pupuntahan ako ngayon kaya hindi ako makakasunod sa kanila sa resto. I don't want to lie. My curiousity is just killing me dahil kagabi pa ako nito hindi pinapatulog. Sabado ngayon kaya nagdecide ako na puntahan si Aling Nenita sa hospital. Naabutan kong nagbabantay doon si ate Elle na mugto na ang mata at halatang wala pang tulog. Medyo nagulat pa nga siya ng makita ako ngayon.

"Aya, ikaw pala." mahinang wika niya. I know she's just trying to be strong right now pero ang totoo, nahihirapan na s'yang itago yung totoo n'yang nararamdaman. Mabilis ko s'yang niyakap upang daluhan habang nakatingin ngayon sa kanyang ina na mapayapang nakaratay ngayon sa hospital bed.

"She will be fine, ate." wika ko. She smiled a bit. I saw a tear escaped from her eyes pero mabilis niya iyong pinahid.

"S-sana nga. Naaawa na rin ako kay mama e." dugtong niya pa. I asked her kung anong nangyari. She told me na bigla na lang daw nanikip ang dibdib ng kanyang ina. Medyo napapadalas na rin daw ang pagpapabalik balik nito sa hospital dahil na rin sa sakit sa puso.

Gusto ko silang tulungan. I offered her my money dahil alam kong may ipon pa naman ako pero mabilis niya 'yong tinanggihan. Her family doesn't deserve to experience this kind of thing. Alam kong nahihirapan na sila lalo na si Hyacinth na bata pa lamang ay namulat na sa hirap na pinagdadaanan ng mama niya.

"Ate, magpahinga ka muna kaya. Ako po muna ang magbabantay dito." offer ko na mabilis niya ulit na hindi sinag ayunan.

"Ayokong maabala ka pa, Aya. Okay lang naman ako. Kenrylle will be here later para makauwi ako ng bahay." dahil sa sagot na 'yon ni ate Elle ay ramdam na ramdam ko na kung gaano kahalaga ang pamilya niya kay Kenrylle. I still have no idea on what's going on with them.

"Ate Elle, m-may gusto lang po sana akong itanong. Sana wag nyo pong masamain." hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"I know what's running on your mind. Parang nakababata ko ng kapatid si Kenrylle. My mother used to work as their maid when I was still a kid. He's always there to help us. Sobrang nagpapasalamat ako sa tulong niya. Kundi dahil sa kanya, hindi ko na alam kung saan kami pupulutin ngayon. That's why I want to apologize to you."

Nangunot naman ang noo ko dahil sa huli n'yang sinabi. She want to apologize? For what?

"I know that Kenrylle was your partner during the pageant kaso hindi siya nakadating. I have no choice but to call him, Aya. Sinugod kasi namin si mama sa hospital kaso hindi kami asikasuhin kasi wala kaming pambayad. I was afraid that time then Kenrylle came. But I want you to know that he tried his best para makaabot but he failed. I'm sorry." hinawakan ko ang kamay niya pagkatapos. I was angry to our class president that time. Akala ko pinagtripan niya lang ako pero may malalim pala na rason kung bakit hindi siya nakadating. I judged him without knowing his reasons. Na-realize ko na parang wala na rin pala akong pinagkaiba sa mga taong nanghuhusga sa akin noon.

"Okay lang ate. Wala namang may gusto n'ong nangyari." sagot ko. No matter how big or how painful this struggle she's facing right now, I know she can surpass all of this. Ate Elle is a brave girl. Alam kong kahit anong bagay ay hindi niya susukuan basta para sa pamilya niya.

"Aya, can I request for something? Kung wala kang gagawin ngayon. " tumango ako sa sinabi niya. Gustong gusto ko talagang makatulong kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin pa iyong paperbag na ibinigay niya.

"Pakibigay kay Hyacinth. Paborito n'yang pagkain 'to. Sabihin mo wag na s'yang mag alala. Magiging maayos din si mama." ngumiti ako ng malapad sa kanya. Tiningnan ko yung laman ng paperbag at nakita kong isang box ito ng doughnut. Bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinawakan niya yung kamay ko.

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon