Chapter 18

4.2K 194 3
                                    


Pervert

Isang linggo na din ang lumipas at mas naging busy ang lahat sa papadating na second quarterly exam. Masyadong abala si Jayniah sa pagrereview kaya't madalas si Jose ang nakakasama at nakakausap ko. Tumawag na din sa'kin si mama at sinabi nitong pwede na daw akong lumuwas ng Batangas ngayong dadating na sabado.

"6 out of 15. It's just a simple problem, Astrid! Bakit ba hindi mo magets agad?" inis na ibinalik sa'kin ni Kenrylle yung papel ko matapos n'ya itong check- kan. Two days na lang kasi at exam na. Mas lalo tuloy itong na-frustrate sa akin dahil hindi ko daw magawang ma-perfect yung mga basic problems na ibinibigay n'ya.

"Anong magagawa ko? Ito lang ang nakayanan ng utak ko, e! Tsaka pwede ba, sa halip na bigyan mo ako ng bigyan ng mga problems na sasagutan, bakit hindi mo kaya ako turuan? Pareho tayong babagsak nito alam mo 'yon?" reklamo ko. Nasisita na tuloy kami ng ibang estudyanteng nandito sa library dahil kanina pa daw kaming sigawan ng sigawan.

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko dahil kanina pa ako sobrang naiinis sa kanya.

"Fine. Let me teach you, then."  tumayo siya bago hinila ang upuan papalapit sa akin. Umusod ako ng kaunti dahil masyado s'yang malapit.

"Let x be the first integer. To solve this basic problem, kailangan mo munang gumawa ng representation. Then after this, you can now formulate your equation," sa sobrang bilis n'yang magturo, wala man lang akong naintindihan. He quickly solved those problems without even thinking.

Paano n'ya ba kasi nagagawa 'yon?

"Gets?" umiling ako. I told him na bagalan yung pagtuturo bago ko pa naintindihan. Inabot na din kami ng halos 2 oras na pagpapaliwanag bago naging madali sa akin yung sunod n'yang binigay na mga problems.

Matapos ko itong sagutan lahat ay nag unat unat ako. Nakita kong seryoso itong nakatingin sa libro n'ya pagkatapos ay nagsusulat. Gumagawa ata ng reviewer sa biology.

"Bakit daw nga pala absent si Andrew?" salubong ang kilay n'ya ng mag angat ng tingin sa akin.

It was really a wrong move. Maski sarili ko ay hindi ko rin maintindihan kung bakit ko natanong 'yon. After that scene during Sir de Ocampo's recitation, hindi ko maiwasang bigla na lang maisip si Andrew.

"Maybe that's the reason why you can't focus on our review. Clear your minds, Astrid! How will you learn the basic algebra if you keep on thinking someone?" masungit na sagot nito. Dapat talaga ay hindi na lang ako nagsalita dahil wala naman akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya.

After a few moments, nagsimula na itong magligpit ng mga gamit n'ya.

"Just wait for me, here. Don't go anywhere. Babalik din ako," tumango ako sa kanya at hindi na nag abalang lumingon pa ng pangalawang beses. I just continue solving and analyzing the harder sets of problems he gave me.

Natigil lang ako sa pagsusulat nang may maramdaman akong umupo sa harapan ko.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Jose bago tumingin sa screen ng cellphone n'ya.

"5 pm na, teh."

"Patapos na siguro kami. Hinihintay ko lang si Kenrylle." sagot ko sa kanya. Kanina kasi ay nabanggit n'ya rin sa akin na may ipinapabigay si Mrs. Quizon na kailangan kong hintayin. It's maybe the sets of quizzes in where I failed that I need to retake. Mabuti na lang at kahit strikto ay may consideration pa rin s'ya sa aming mga slow learners.

"Ikaw ba? Tapos ka na magreview?"

"Yes teh! Ang sakit sa bangs magturo ni Hannah. Nai-stress ang feslak ko," reklamo n'ya habang chini-check ang sarili hawak ang isang maliit na salamin.

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon