Chapter 35

3.6K 170 10
                                    

Hatred

Hanggang makarating ako sa bahay ay hindi pa rin mawala wala ang inis na nararamdaman ko para sa class president namin. Mas lalo pa yata itong nadagdagan nang maabutan ko kung sino ang nasa bahay namin. Prenteng nakaupo sa sofa namin si Andrew na para bang may hinihintay. Oo nandito siya. Dalawang bagay tuloy ang nararamdaman ko ngayon. Una ay inis dahil normal na naman siguro na maramdaman ko ito sa tuwing nakikita ko ang tatlong itlog na ito. Pangalawa ay kaunting tuwa. Medyo naging maluwag ang pakiramdam ko ngayong nakumpirma ko na maayos ang kalagayan niya.

Andrew and I are not friends and I don't understand why I care for him. Siguro ay dahil kaklase ko pa rin naman siya kahit na papaano at ayokong may masamang mangyari sa kanya.

"Hi milady. How was your day?" he asked. Hindi ko sinagot ang tanong nito sa halip umupo ako sa sofa na katapat niya at umupo. Masyado akong pagod para i-entertain siya ngayon.

"Hey, didn't you miss me? Hindi ka man lang ba nag alala kahit konti?" dagdag niya pa sabay lipat ng pwesto. Katabi ko na ito ngayon.

"Saan ka ba kasi nanggaling Andrew? Bakit hindi ka na naman pumasok?" tanong ko na mas nagpalawak sa ngiti niya. Sabi ko na nga ba! Dapat talaga hindi na lang ako nagtanong.

Maybe, he was grinning because he gave malice to that simple question. Nagtanong lang naman ako at wala 'yong ibig sabihin.

"I can see in your eyes that you're concerned, milady. Don't worry. I'm just busy about something." sagot nito. Kahit kailan talaga ay wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya.

"I'm not concerned. Wag ka ngang assuming itlog ka." I rolled my eyes at him. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa ginawa at sinabi ko. Baliw lang talaga siguro ang isang 'to.

"I am not, okay? Gutom ka na ba? Nagluto ako ng pagkain."

"What the? Hoy! Anong karapatan mong mangealam sa kusina namin? Trespassing ka na ah?" sigaw ko at pinaghahampas ito ng bag ko. Natigil lang ako ng hawakan niya ang dalawang braso ko.

"I have your mother's permission, milady." dahilan niya. Dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko para matawagan si mama nang makatanggap ako ng isang mensahe mula sa kanya.

Mama:
Sweetheart, baka gabihin kami ng tita Ven mo dito. Marami kasing customers. Mag ingat ka dyan. Nandyan naman si Andrew para samahan ka muna. I love you.

Napapikit ako dahil sa text ni mama. No choice tuloy ako kung hindi tiisin ang presenya ng itlog na 'to.

"So, let's eat?" itinulak ko siya dahil masyado s'yang malapit sa akin. Bakit ba ganito ang epekto sa'kin ng itlog na 'yon? Ewan. Hindi ko maipaliwanag.

Pumunta na ako sa may mesa namin ay nakita kong may nakahanda ng pagkain doon. Nagluto siya ng adobo kaya't agad na kumalam ang sikmura ko.

"Ako na," nahihiyang sabi ko nang akmang sasandukan na niya ako ng pagkain pero hindi pa rin ito nagpaawat. I don't understand why he's wasting his time for me.

Many girls in the campus are drooling over him. Sa tingin ko naman ay mas sasaya pa siya kung sa iba niya pa ito gagawin kumpara sa akin.

"Eat that. Sabihin mo sa akin kung masarap," utos nito. I was torn between holding the spoon or not. But since nakunsensya ako bigla dahil nag effort pa siyang nagluto, tinikman ko na rin yung niluto niya.

I hate to admit it but yes, he's a good cook.

"Masyadong maalat." pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay tamang tama lang naman ang timpla.

"Tikman ko nga." kinuha niya yung kutsarang ginamit ko at tumikim din. Kahit kailan talaga ay uto uto ang isang 'to. "Hindi naman ah?"

"Okay na. Mapagtitiisan pa naman." sagot ko at kumuha ulit ng panibagong kutsara. Gusto kong matawa dahil sa naging reaksyon niya. Buti na lang napigilan ko.

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon