Chapter Thirty-Five

Start from the beginning
                                    

Napailing na lang ako tsaka nilapitan si Azahel. Tumingin naman agad siya sakin.

"You're tired, baby?" tanong ko.

"No mommy! I want to play with them." napanguso na siya tsaka isa isang tinignan ang mga tito niya.

"Sure big boy!" sabi ni Luke pero agad na umiling ang anak ko.

"Except you po."

"Ouch," nagdrama na naman si Luke. Narinig ko ang halakhak ng magpipinsan.

"Baby, that's bad. He's also your tito, play with him too. Okay?"

"Okay mommy,"

Nilapitan ko si Fred na hindi mawala ang ngisi sa labi niya.

"Talaga bang hindi mo tinuruan ng ganiyan ang anak natin?"

"No wife," he gave me smack kiss in front of them. At napa "ohhhh" na lang sila.

"Omyghad! Apo ko!"

Agad kaming napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Wearing a black dress and stellitos. Para siyang rarampa sa sobrang ayos ng damit niya. Ang mama ni Fred ay palapit na samin.

"Hello tita!" bati nilang apat.

Yumakap agad siya kay Azahel pagkalapit niya. Azahel look at me and then to his daddy.

"Aren't you going to greet me apo?"

"Hello lola," and for the first time nag smile ang anak ko.

Kanina lang ay seryoso siya ngayon naman nakangiti na siya habang nakatingin sa lola niya.

"What a cute boy!" Niyakap pa siya muli ni tita.

Pagkatapos niyang yakapin si Azahel ay yumakap din siya sakin. "It's nice to see you again, hija."

"Mama," sabi ni Fred.

Bumitaw sa pagkakayakap sakin si tita at bumaling sa anak niya. "Yes, Fred?"

"Hindi mo sinabing pupunta ka rito, so why are you here?"

"Hindi mo rin naman sinabi na nandito kayo. Tsaka pupunta si manang dito bukas kasi pinabakasyon ko siya nung wala ka. Kung hindi pa niya sinabi na nandito kayo ay hindi ko na malalaman!" Nakasimangot na sabi niya.

"Pumasok na nga kayo sa loob at ipagluluto ko kayo. Apo, what do you want to eat?" baling niya kay Azahel.

Pumasok na nga kami sa loob para makapagpahinga na.

"Carbonara po," tugon niya.

"Kami din po tita carbonara!" sabi ng magpipinsan tsaka umupo sa sofa.

"What about you, hija?" nakangiting tanong niya sakin.

"Samahan ko na lang po kayo,"

Tinignan ko si Fred na nakakunot noo na. I smiled to him. "Dito muna kayo, okay? I just want to help your mom," bulong ko sa kaniya.

Tumango siya. Nakita kong ginalaw ni Kael yung flat screen tv at kinuha yung limang game controller. Tahimik lang na nanunood si Azahel sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako tsaka sumunod na kay tita. I just want to know something. I'm curious and I want to ask her about it.

"I know there's bothering you. What is it?" tanong niya agad nang kaming dalawa na lang ang nandito sa kusina.

Pinisil ko ang kamay ko dahil sa sinabi niya. This is it, Safiah. Ask her now.

"Gusto ko lang po malaman kung anong meron sa mommy ko at ganoon na lang ang naging reaction niyo sa akin nung una."

"I'm really sorry that time, hija. I know I hurt you at nawalan pa ako ng isa pang apo dahil sa kagagawan ko. I didn't mean it. Nagpadala ako sa galit ko. At ito na ang hinihintay kong pagkakataon para sabihin sayo ang past namin ng mama mo."

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Magkakilala na kami ng mama mo noon pa man, noong nalaman ko na naaksidente ang asawa ko, I blame your mom. Siya ang dahilan kung bakit naaksidente ang asawa ko. But after a weeks, naaksidente din ang mga magulang mo. I was hurt that time. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Galit ako sa mama mo pero nakaramdam pa rin ako ng sakit nung nalaman kong naaksidente siya."

"Bakit mo po sisisihin ang mama ko? Bakit siya ang naging dahilan ng pagkawala ng asawa niyo?"

"Mahal ng asawa ko ang mama mo," malungkot niyang sabi.

"Po?!"

"And my dad, ginawa niya ang lahat para maging masaya ako. Lahat gagawin niya para sakin. Nung pina-imbistega ko ang aksidenteng yun, tsaka ko lang nalaman na si dad ang may pakana nun. Nung sinabi kong mahal ng asawa ko ang mama mo. Doon na siya gumawa ng kilos pero palpak siya. Yung plano niyang yun ay ang pagkawala ng asawa ko! Damn it."

Nakakunot noo lang ako habang nakikinig sa kaniya.

"I know, my dad is a manipulative man. He can control everything. Sa sobrang sakit ng naramdaman ko, wala akong ibang maisip kundi sisihin ang daddy ko at ang mama mo. But then, I realized that kahit sisihin ko pa ang mama mo o ang dad ko, hindi ko na maibabalik pa ang buhay ng asawa ko."

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para lapitan siya at yakapin. She's not bad, afterall. She's pure.

"Thank you for telling me this, mama"

Kumalas siya sa pagkakayakap. Nanlaki ang mga mata niya. I just smiled at her. I think, we can start to build a new memories. Not just staying to the past.

"Pakasalan mo na ang anak ko this week! I want you to get married with him as soon as possible."

Natawa na lang ako sa reaction niya at tumango. Nagkatuwaan pa kami sa paghahanda ng carbonara at nagkwentuhan. Maybe this time, I will enjoy my life together with my new family. Lumaki man akong walang parents but still I'm thankful kasi "kapag may umaalis, aasahan na nating may darating."

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Where stories live. Discover now