Chapter Eight

10K 127 0
                                    

Hindi ko alam kung paano nakaalis ang babae niya. Lumabas ako na wala na siya.

Nasa sala na ngayon si Fred. Nakaupo sa couch at malalim ang iniisip.

Napatakbo ako dahil naduduwal na naman ako. Dumeretso ako sa kusina at sa sink ako nagsuka.

"Are you okay Saf? Nasusuka ka na naman?" 

Sumunod siya sakin. Siguro narinig niya ang pagtakbo ko.

Hindi ko siya pinansin. Hinugasan ko ang bibig ko. Binuksan ang ref tsaka nagsalin sa baso ng malamig na tubig. Ininom ko iyon lahat bago binalingan ng tingin si Fred.

Nagseselos pa rin ako hanggang ngayon. Imagine? Pinaalis niya ako kanina, para makapag-usap silang dalawa.

Hindi ko ba pwedeng marinig iyon? Kahit tungkol sa trabaho o kung ano man iyon, wala ba akong karapatan para mapakinggan ang pag uusapan nila?

Don't tell me it is their privacy? Damn.

Ah, oo nga pala, asawa lang sa papel. Asawa sa papel, Safiah.

"Damn it Saf! Anong nangyayari sayo?"

Ilalagay na sana niya ang kaniyang kamay sa noo ko pero umatras ako. Naiwan ang kamay niya sa ere.

That's it. You care for me if I was sick or I'm feeling subtle. You don't care for me, if I'm okay. I want to say that to him but no.

Tinalikuran ko na siya. Napatingin ako sa pintuan dahil bumukas na naman ito.

"Hello Mrs. Collins!" Nakangiting bati ng pinsan ni Fred.

Luke C. Purisima is my husband's cousin. Siya lang ang nag iisang pinsan niya na kilala ko the rest, I don't know them. Syempre hindi pinapakilala sakin ni Fred.

Niyakap ako ni Luke. Niyakap ko naman siya pabalik.

"You're here!" tuwang tuwa kong sabi.

"Luke, don't hug her." Matigas na boses ang narinig ko sa likuran.

"Oh? Sorry dude. Ganda kasi ng asawa mo eh. Kaya crush na crush ko!" Kumindat pa siya sakin.

Feeling ko namutla ako sa ginawa niya. Napaka-playboy talaga nito!

"What the hell are you doing here, Purisima?!"

Galit na ang lolo niyo hehe.

"Visiting your wife, pare? Isn't it obvious?"

Napakunot noo ako at tinignan ng masama si Luke. Ano naman kailangan sakin ng lalaking 'to? Nagbibiro na naman ata 'to at gustong inisin ang pinsan niya.

"Joke. I'm here for the files. Chill."

Napakamot siya sa ulo niya. Nakita niyang masama na ang tingin ko sa kaniya, pero nginitian niya lamang ako.

"Not funny, Purisima!" inis na sabi ni Fred.

"I know,"

"Tumigil na nga kayong dalawa diyan. Para kayong bata. Ipagtitimpla kita ng orange juice, Luke." singit ko.

"Okay crush!" Natatawang sabi niya.

Pero bago pa ako makaalis ay hinawakan na ni Fred ang braso ko. Galit na siya.

"No." sabi niya.

"Anong no? Fred, ipagtitimpla ko lang ng juice ang pinsan mo? Saglit lang."

"Hindi pwede!" Sigaw niya.

Malamig ko siyang tinignan. Bawal bang ipagtimpla ang pinsan niya?

"Sa babae mo lang ba pwede?"

"Oo nga, dude! Ipagtitimpla lang naman ako ni crush ng juice eh."

"Damn it." Mura niya bago siya dumeretso sa office niya.

"Dalian mo crush ah? Uhaw na ako eh."

Napatango nalang ako. Feeling ko tuloy para akong secretary. Not secretary. Katulong pala haha.

Nakita kong sumunod na si Luke sa office ng asawa ko.

"Hoy, hintayin mo ako! Ang bilis mo naman!" reklamo niya.

Umiling na lang ako.

Hinatid ko na sa office ang juice. Pagkatapos, naabutan ko silang seryosong nag uusap.

Nilapag ko iyon sa lamesa ni Fred malapit sa pinsan niya. Tinignan iyon ni Fred tsaka niya iyon ininom.

"Shit?" Mura ni Luke. "Sakin yan!"

Napailing ako dahil sa ginawa ni Fred. He's still mad. Mariin ang pagkakahawak niya sa baso.

"Leave Purisima! Nakuha mo na yung files kaya lumayas ka na sa pamamahay ko."

"Alright jealous husband. Bye crush!"

Hinawakan pa muna niya ang pisngi ko bago siya tumakbo palabas. Napatayo si Fred dahil sa ginawa ni Luke.

"Fuck you Purisima!"

Nilapitan niya ako. Napasinghap nalang ako dahil sa eksena ng dalawa. Para silang aso't pusa.

"No one dares touch you even my cousin! Fuck!"

"Tapos ikaw pwedeng hawakan ng mga babae mo? That's unfair, Fred."

Natahimik siya. Sa tuwing sasabat ako ay natatahimik siya. Para bang tinatanong niya ang sarili niya ng "what I've done"

"Kung nagseselos ka. Pwes ako din nagseselos sa babae mo! Sino na ulit yung kausap mo? Pia? Girlfriend mo? Kaya ayaw niyong marinig ko ang pag uusapan niyo?! Fuck—"

He kissed my lips thoroughly. Hinawakan niya ang batok ko para diinan ang halik. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Naramdaman niya iyon kaya pinalupot niya ang kanyang braso sa baywang ko.

"This is the way to shut you up. Damn it! Oo, nagseselos ako!"

Parang may sumabog sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

I kissed him because of happiness. He kissed me back.

"Ayokong may nakikita kang iba. Gusto ko ako lang. Gusto ko, akin ka lang." Nakangisi kong sabi bago ko siya hinalikan muli sa labi.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora