Chapter Four

10.2K 127 2
                                    

Nakailang tunog pa ang cellphone ko dahil sa tawag ni Gwen pero hindi ko sinagot iyon. Ang sakit pala kasi ang taong pinagkatawilaan ko ng buo ay matagal na pa lang nagsisinungaling sakin.

Malas ko ba sa buhay?

Pati best friend ko ay magsisinungaling sakin?

Bakit kailangan pa niyang magpanggap para matanggap ko siya?

Bakit hindi na lang niya hinayaan na ilabas ang totoong siya?

Magdamag akong nagkulong sa kwarto ko. Para akong nawawalan ng gana sa lahat ng bagay.

Nakatulog ako dahil sa kakaiyak. Nagising lamang ako sa malakas na katok sa pintuan. I'm still sleepy kaya hinayaan ko na lang iyon at pinikit muli ang aking mga mata.

"Safiah!" Rinig kong sigaw ng asawa ko galing sa labas.

Hinayaan ko lang din iyon. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko na siya sa gilid ko. Kunot noo niya akong tinitignan.

"Gabi na! Hindi ka pa nakakaluto ng dinner natin!"

Tinignan ko lamang siya saglit at pinikit ang mga mata ko.

"I don't want to eat. Kung gusto mo kumain, magluto ka nalang. Marunong ka naman magluto. I'm tired." Tinabunan ko ang mukha ko ng unan pagkatapos kong sabihin iyon.

Hindi ko narinig ang sagot niya kaya sinilip ko siya at halos mawalan ako ng balanse nang hilahin niya ako. Padabog niya akong hinila palabas ng kwarto ko.

Ewan pero hinayaan ko na lang siyang hilain ako. Wala akong lakas para umangal.

Pinasok niya ako sa kwarto niya. Umupo siya sa kama niya at ako naman ay nanatiling nakatayo sa harapan niya. Namamanhid na ako sa totoo lang.

"Strip!" Sigaw niya.

Nang makita niyang hindi ako gumalaw ay mas lalo lamang siyang nagalit.

"Strip in front of me! Now!"

Napatalon ako sa lakas ng sigaw niya. Nanginig ang mga kamay ko. Damn. Ngayon lang ako natakot sa sigaw niya.

Hindi pa rin ako gumalaw kahit na galit na galit na siya. I'm tired. Pagod ako para sundin pa siya.

Umigting ang panga niya. Tumayo siya tsaka marahas niya akong hinalikan sa labi.

Kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.

Nalasahan ko ang alat sa labi ko. Gustuhin ko man siyang itulak pero hindi ko magawa dahil maging ang kamay ko ay nanghihina.

Mabilis ang hininga niya habang hinahalikan niya ako ng mariin. Sa paraan ng paghalik niya sa akin ay para bang binubuhos niya lahat ang galit niya dito.

"Fred..." nanginginig kong sabi.

Tinulak niya ako pahiga sa kama. Ang katawan ko ay nasa kama habang ang mga paa ko ay nasa sahig.

Pinatuwad niya ako.

Mas lalo akong napaiyak. Itong Fred na kasama ko ngayon ay ibang iba noon.

Hinubad niya ang suot kong short at panty. At naramdaman ko nalang ang pagpasok niya sakin.

"Fred! Tumigil ka na please..." hikbi ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga tsaka ko naramdaman ang paglayo niya sakin.

"Leave!" malakas niyang sigaw.

Nanginig kong inayos ang aking suot na short. Hindi ko siya matignan sa mga mata.

He's like a monster in front me. Para bang anytime kakainin na niya ako.

"Kung hindi mo ako kayang irespeto bilang asawa mo sa papel, sana naman irespeto mo ako bilang babae."

Pumiyok pa ang boses ko pagkasabi ko nun. Tumakbo na ako palabas ng kwarto niya. Iniwan ko siyang tulala doon. 

Pinunasan ko ang pisngi ko na punong puno na ng luha. Nanlalabo na din ang paningin ko.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong pumasok at sinarado ang pinto.

Ang bigat ng nararamdaman ko.

Para bang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)On viuen les histories. Descobreix ara