Chapter Twenty-Six

8.1K 82 2
                                    

"Ano?!" Gulat na tanong ni Chy.

Kwinento ko sa kaniya ang kagustuhan ng anak ko na makilala ang tunay niyang daddy. Hindi siya nakapunta kahapon kaya ngayon lang niya nalaman.

"Paano ko sasabihin sa kaniya Chy?"

"Sasama ako sa inyo,"

"Are you sure with that? Paano ang trabaho mo dito?"

"Pwede naman ako mag-leave muna sa company. Maiintindihan naman siguro iyon ni Dad,"

Napatango na lang ako. Nasa Dineen Coffee Co kami. Isa sa pinakapaborito kong coffee shop dito sa Toronto, Ontario, Canada.

This is my favorite ever since the first time I went here to meet my first client which is Chynna's daddy.

This coffee shop has a bright airy room. It's a perfect place to get away from the madness outside and sip one of their delicious drinks.

"Ang tagal naman ng client mo Saf! Kanina pa tayo naghihintay dito ha," reklamo niya.

"Be patience Chy, kung gusto mo mauna ka na sa condo,"

"Just kidding." natawa pa siya.

Nilibot ko ang paningin ko at may isang babae na nagmamadali papunta sa amin. Baka siya na yung client ko.

"I'm so sorry, am I late?"

"Well, kanina pa," rinig kong bulong ng kaibigan ko Agad ko naman siyang siniko. Mabuti nalang abala siya sa pag-upo sa harapan namin.

"No, you're on the time. Medyo maaga lang kami ng konti,"

Napatango siya. She's from Philippines too. Mukha siyang pinay. Well, because she's a morena? And her features of her face is look like Filipina too.

"By the way, I'm Elisha Fuentes, I am the representative here. My boss sent me here to have deal with you. And also to see your works."

Binigay ko sa kaniya yung portfolio ko na naglalaman ng lahat ng workpiece ko. Hindi ko pa nalalagay yung bago pero sapat na yan para pumili siya ng kahit ilan.

"Ohh, she's good. I am confident with her works." sabat ng kaibigan ko.

Ngumiti ito sa amin. "I guess hindi nagkamali ang boss ko sa pagpili sayo. You have a breathtaking works. I'm impressed!"

"Thank you, by the way, how many painting do you need?"

"We need forty paintings for our company,"

"Wow," Napatingin ako sa reaction ni Chy.

Maging ako ay napawow. Ang dami naman pala.

"I guess you need more time to work this out? But my boss want to see your works after three weeks,"

"Three weeks?!"

Napailing agad ako. Three weeks is not enough!

"Yes,"

Kung hindi ko lang kailangan ng pera tatanggihan ko na ito. But I guess you won't be in the success if you're going to refuse it without trying.

"Were going in the Philippines next week. Hindi ko alam kung matatapos ko iyon."

"That's good, pero okay lang naman sa boss ko kung yung mga natapos mo muna yung ipapakita mo sa kaniya. We'll set a meeting again if my boss want to check your works,"

"Okay, thank you,"

"I need to go," Tumayo na ito at napatayo na rin ako.

Nakipagkamayan siya sakin then she smiled again.

"Goodluck," she said.

Pinanood ko siyang makaalis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi man lang tumayo si Chy. But that's okay. Minsan wala talaga sa mood ang kaibigan ko.

"I must say, mamamatay ako sa dami ng ipapaint ko, napakarami nun Saf! Pero buti nalang hindi ako ang magpapaint,"

Inayos ko na ang mga gamit ko. Kailangan ko na umuwi. Isa lang ang makakatulong sakin para ganahan sa pagpaint. Iyon ay ang anak ko. This is for him and this is my passion. Hindi dapat ako nagrereklamo kasi passion ko ito diba? This is a challenge for me.

"Let's go," sabi ko sa kaniya.

Inirapan niya pa muna ako bago tumayo.

"I guess makakaya mo naman yun. I'm going to support you nalang!"

Napangiti ako. "You should because I have no time to refuse,"

"Syempre kaibigan kita eh, kayang kaya mo yan! Go Safiah! Go Safiah!"

Natawa ako sa ginawa niya. She's cheering me while doing something on her hands. Habang naglalakad kami napapatingin tuloy yung mga costumer dito.

"Can't wait to go home na! My baby Azahel!"

"Ayan ka na naman, Chy"

"Wala kang pake,"

Sinamaan ko ng tingin ang tumatawa kong kaibigan. Minsan gusto ko na siyang palayasin sa condo ko dahil sa mga kalokohan niya.

Kahit ganyan yang babaeng yan, mahal na mahal ko yan.

Pagkarating namin sa condo mas nauna pang yumakap si Chy sa anak ko. Napailing nalang ako dahil doon.

"Mommy!" Nakangiting salubong ng anak ko sa akin.

Agad akong napatingin kay Chy na umiirap na.

"Hay naku! Ako ang unang yumakap pero ikaw pa rin talaga unang babatiin," maktol niya.

Ngiting-ngiti ang anak ko sakin. Para bang hindi niya napapansin ang tita niya. Yumuko ako para mapantayan ko siya. I kissed his cheeks.

"Baby say hi to your tita,"

Umiling lamang siya. Agad itong tumakbo papunta sa kusina. Nakasimangot na ang kaibigan ko. Natawa na lang ako dahil dun.

"Bakit ka tumatawa Saf! Ayaw na ba sa akin ng anak mo?"

Nagkibit balikat na lang ako. "That's okay Chy,"

"Makaalis na nga lang," Tinalikuran na niya ako pero agad naman akong nilingon.

"Syempre joke lang," bawi niya agad.

Binatukan ko nga. Mga kalokohan talaga nito.

Pumunta na rin ako sa kusina para sundan ang anak ko. Pagkarating ko ay agad akong napatigil.

"Surprise!" Nakangiting sabi ni Gwen.

Abala siya sa pagluluto ng kung ano habang ang anak ko naman ay nakaupo habang hinihintay matapos ang niluluto ni Gwen.

"Wow! Nandito ka pala epal," sabi ni Chy tsaka lumapit ito sa kaniya.

"Obviously,"

Lumapit sakin ang bestfriend ko tsaka ako hinalikan sa pisngi. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Nasanay na ako na hinahalikan niya ang pisngi ko.

Ngayon na lang kasi ulit siya nakabisita rito. Lagi siyang busy. Siya na kasi ang namamahala ng company nila kaya ayan, bumabawi at pinagluto pa ang anak ko.

"Ay si Saf may kiss, ako mismo na unang lumapit walang kiss! Alam mo epal, pareho kayo ni Azahel! Bakit kayo ganyan!"

Mas lalo akong natawa. Ang cute lang ni Chynna eh.

"I told Azahel not to kiss and greet you that's why,"

Binatukan ko agad ang bestfriend ko. "Don't do that again,"

"Hindi ko na kasalanan kung susundin ako ng anak mo, Saf"

Umiling nalang ako. Umupo na ako sa tabi ng anak ko. Narinig ko pa silang dalawa na nagtalo.

Kapag talaga magkasama yang dalawang yan lagi silang nagbabangayan. Hindi ko nga gets kung bakit ang dami nilang pinag aawayan. Kahit pa maliit na bagay lang pinagtatalunan pa nila.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum