Chapter Six

10.3K 129 2
                                    

Buong araw ata akong binantayan ni Fred. Sa tuwing gigising ako ay nakikita ko siyang nakaupo sa couch malapit sa kama ko.

I wonder, kung hindi ba siya bumababa o lumabas man lang para magtrabaho sa office niya.

Dinalhan niya din ako ng tanghalian sa kwarto ko maging ang dinner ko. Hindi ko maiwasang ngumiti nung sabay kaming kumain.

Nga lang, tahimik lang kami. Hindi man lang kami nag uusap. Baka nga panis na laway namin eh.

Pero kahit hindi man kami nag uusap nararamdaman ko pa rin ang pag aalala niya.

Sana pala lagi akong may sakit ano? Para aalagaan niya ako parati.

The next morning, magaling na ako. Wala na din siya sa kwarto ko. Siguro doon siya sa kwarto niya natulog.

Mag asawa kami sa papel, pero hindi kami nagsasama sa iisang kwarto dahil ayaw niya ako sa kwarto niya.

Naligo pa muna ako bago bumaba. Una kong pinuntahan ang kusina para sana magluto ng breakfast namin pero nakita ko na agad siyang nakatalikod sakin at nagluluto.

He's wearing a boxer and apron only! He's topless!

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa pawisan niyang katawan. Umagang umaga pinag papawisan siya?!

Baka nag-gym pa to eh, bago nagluto ng breakfast.

Tumikhim ako para ipaalam ang presensya ko. Napalingon naman siya sakin.

"Good morning Saf!" Ngiting ngiti niyang bati.

"Morning... ako na sana ang magluluto ng breakfast kaso naunahan mo ako."

"It's okay, kagagaling mo pa lang. Kapag okay ka na talaga ikaw na ang magluluto."

Hindi ko maiwasang tumingin sa braso niyang may butil ng pawis. Shet! Bakit ba kasi hindi pa muna siya nagpatuyo ng pawis bago magluto?

Pinagnanasaan ko tuloy! Alright. Ako na naattract.

Nakita kong nilagay na niya ang fried rice sa lamesa at halos maduwal ako sa itsura.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong lumapit sa sink para magsuka.

"Saf are you okay?" Tanong agad niya at hinagod ang likod ko.

Naduwal pa ulit ako. Anong nangyayari sakin?

Nakita kong kumuha ng tubig ang asawa ko kaya agad kong kinuha iyon sa kamay niya at uminom.

"Ayoko ng fried rice please, ilayo mo sakin yan! Ayoko ng itsura niya!" Pagalit kong sinabi sa kaniya.

"Safiah what the fuck is happening to you? Hindi ba favorite mo ang fried rice?" Nagtataka niyang tanong.

"Itapon mo yan!"

Ewan ko rin pero parang ngayon ayoko na ng fried rice. Sa tuwing titignan ko ang fried rice sa lamesa para akong nasusuka ulit.

"Fred!!!" sigaw ko nang hindi man lang siya kumilos para ilayo o itapon iyon.

"Alright. Ito na! Itatapon na."

Nakita kong kinuha niya yung fried rice at tinapon iyon sa basurahan sa labas ng kusina.

Pagbalik niya ay nakakunot na ang noo niya.

"You're weird, Safiah. Sayang yung fried rice. Now, kakain tayo ng walang kanin. Bacon and scrambled egg lang."

Napasimangot ako tsaka umupo na para kumain.

"Kain ka na din"

Inirapan ko siya. Weird na ba kapag ayaw ko sa fried rice? Hindi ba pwedeng napapalitan ang favorite? Eh sa ayoko na ng fried rice eh! Itsura palang.

Tahimik nalang akong kumain. Habang siya naman ay pinapanuod lang akong kumain.

"Oh? Hindi ka pa kakain?" nagtatakang tanong ko.

Pagkasabi ko nun ay kumain na siya at lagi ko talaga siyang nahuhuling nakatitig sakin. May dumi ba sa mukha ko?

"Anong gusto mong kainin mamayang tanghalian?" tanong niya.

"Wala ka bang trabaho? Ako na ang magluluto."

"Meron. Dito sa office lang ako magtratrabaho at ako ang magluluto. Just rest for today."

"Rambutan sisig."

Nagkibit balikat ako. Nacricrave ako sa rambutan sa totoo lang.

Tinignan ko ang reaction niya. Nanlaki ang mata niya at halos hindi makapani paniwala sa sinabi ko.

"Anong klaseng pagkain yun Safiah?!" Sigaw niya.

"Bakit? Kung ayaw mong lutuin edi huwag mo akong tanungin."

Nakakainis!

Magtatanong tapos ganoon magiging reaction niya.

"Saan naman ako kukuha ng rambutan?" Iritado niyang tanong.

"Malamang sa palengke."

Napairap ulit ako sa tanong niya. Nagtatanong pa eh obvious naman yung sagot.

"Fine."

Napangiti ako nung sabihin niya yung "fine" Omg! Makakatikim na ako ng rambutan sisig!

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Where stories live. Discover now