Chapter Thirty-Five

9.5K 111 0
                                    

This will be the last chapter of Possessive Wife. Hope you enjoy reading and see you to my next story, Desperate Love.

***

Pagkarating namin sa bahay ni Fred ay hindi ako mapakali. Sabik na sabik ako sa kaniya. Kaya nabitin ako kanina. I want him!

Nakatingin ng seryoso sakin si Fred bago niya binaling ang tingin niya sa anak namin na mahimbing na natutulog sa backseat.

Gigisingin ko na sana si Azahel pero nakamulat na ang mga mata nito.

"Mommy, nasaan po tayo?"

"Nasa bahay ng daddy mo," I said.

Agad siyang napabangon. "Really?!" excited niyang sabi at tinignan ang napakalaking bahay ni Fred.

"This is your house daddy?"

"Our house," nakangiting sabi niya.

Bumaba na siya at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Ganoon rin ang ginawa niya sa anak namin. Tinulungan niya rin itong makababa. Tumawag siya ng isang driver at may pinag usapan sila. Agad naman itong tumango at kinuha ang mga gamit namin.

Sa tanggapan pa lang ay kita ko na kung sino ang mga naroon. I guess, we will make love later.

"You didn't tell me na narito sila," nakasimangot kong bulong.

"Crush!"

Nanlaki ang mata ko nang salubungin ako ng yakap ni Luke. Nakita ko rin ang pagsunod ng tatlo pang lalaki at nakangisi na sakin. Pinsan siguro ni Fred? Si Kael lang ang pamilyar sakin.

"Get out, Purisima!" galit na sabi ni Fred.

"Kami rin payakap!" Sabay na sabi nung tatlo.

"Fuck you all!" sabi ni Fred then he wrapped his arm on my waist.

Tinignan ko ng masama si Fred. "Your word." bulong ko sabay tingin kay Azahel na seryoso lang na nakatingin sa apat na lalaking nasa harapan niya.

"Hello big boy! I'm your tito Luke!"

"You have crush on my mommy, po?" seryoso at ramdam mo ang lamig sa boses niya. Uh-huh, manang mana sa daddy niya.

Natawa ang mga magpipinsan. "Lagot Purisima!" Asar ni Kael.

"I was just kidding, big boy!" napakamot pa si Luke sa batok niya.

"My name is Azahel not big boy. And also, don't do that again. I don't want my daddy get pissed."

Napangisi si Fred sa inasta ni Azahel.

"Tinuro mo ba iyon sa kaniya?" bulong ko.

He raised his two hands. "No, of course not."

"Azahel, they are your tito's. This is your tito Aian," Pagpapakilala ni Fred sa pinsan niyang kulay blue ang mata then may pagka moreno.

"This is your tito Rhuzzel," Turo niya sa nakablondeng buhok.

"This is your tito Kael," turo niya sa pinsan niyang laging nakangisi at kita lahat ng ngipin. He's attractive when he smile.

"Say hello to them,"

"Hello po," seryoso pa rin ang mukha niya.

"Hindi mo ako ipapakilala?" Napahawak pa si Luke sa kaniyang dibdib na para bang nasasaktan siya.

Natawa na lang kaming lahat. Habang si Fred naman ay seryoso lang din gaya ng expression ng anak namin.

"You already introduce yourself to my son. No need,"

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin