Chapter Five

10.3K 124 1
                                    

Nagising ako sa sobrang lamig at tinabunan ko ang buong katawan ko ng makapal na comforter. Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon.

Ang sakit din ng ulo ko. Fuck!

Dinamdam ko ang buong katawan ko. Para akong napapaso sa sobrang init. Pero nilalamig ako kahit na mainit ako.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay nakatulog ulit ako.

"I'm sorry Saf," rinig kong sabi ng asawa ko.

Ewan ko kung panaginip lang o guni guni ko lang. Nanlambot ang puso ko sa narinig ko. May naramdaman akong mainit na dumampi sa noo.

"Fuck Safiah! May lagnat ka"

Napamulat ako ng mata. At halos mawasak ang puso ko dahil sa pag atras niya. Mukha bang nakakahawa ang sakit ko para umatras pa siya?

Tinitigan ko lang siya. Nanatili lamang siyang nakatayo doon na nakakunot noo.

Hinawakan ko ang aking noo. At halos mapaso ako sa sobrang init nito. Kaya pala nilalamig ako dahil may lagnat ako.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "I'm sorry I can't cooked for your breakfast."

Tumango lang siya. Tinalikuran niya ako tsaka na siya lumabas sa kwarto ko.

Nakakalungkot isipin na sa pag-atras niya sakin kanina ay parang ayaw niya sa akin.

Mahal pa ba niya ako? Iyan ang paulit ulit na pumapasok sa isipan ko.

Hindi alam ni Gwen na nagseselos sa kaniya ang asawa ko. Ayaw kong sabihin sa kaniya kasi alam kong walang malisya. Pero ngayong umamin si Gwen sa totoo niyang pagkatao, ay halos gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat lahat!

Kaya ba ayaw maniwala ng asawa ko na bakla si Gwen, kasi maging ang asawa ko mismo alam niya?

Does he knows everything?

Kung alam nga niya. Bakit hindi niya sinasabi sakin? Wala ba akong karapatang malaman ang katotohanan?

Ilang minuto pa ang pagmuni muni ko bago pumasok muli ang asawa ko na may dalang basin at towel.

Nilapag niya iyon sa table ko. Pinanood ko lamang ang bawat galaw niya.

Pagkatapos niyang basain ang towel sa mainit na tubig ay nilagay niya iyon sa noo ko.

Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam.

Kasabay noon ang paglambot ng puso ko. Madali lang naman lumambot ang puso ko sa simpleng bagay lang.

Tulad ng ginagawa niya ngayon. Wala akong balak na pansinin siya pero lumalambot ang puso ko.

"I'm so sorry Saf"

Nakita ko ang pagsisisi niya. Nagsisisi ba siya sa ginawa niya dahil may sakit ako? Ginagawa niya ba ito dahil lang may sakit ako?

"Kung sinasabi mo lang yan dahil may sakit ako, please umalis ka nalang sa harapan ko. Okay lang ako. Huwag mo akong kaawaan."

"Saf..."

Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon. Mainit ang kamay niya habang ako ay sobrang lamig.

"I'm sorry Saf, I mean it. I'm sorry for being jerk. Fuck. Ang gago kong asawa." He said in a serious voice.

"We're married in the paper, so it's okay."

Hindi ko alam pero imbes na maging masaya ako dahil nagsosorry siya ay mas lalo lamang akong nasaktan.

"Yeah..." malamig niyang sabi.

Binitawan niya ang kamay ko. Siguro narealize niya na hindi dapat siya magso-sorry kasi okay lang naman? Okay lang naman sa kaniya diba?

"I will cooked some chicken soup for you, magpahinga ka na muna."

"Hindi na kailangan."

"Saf, hindi ka kumain kagabi kaya please kumain ka ngayon."

Lumabas na siya ng kwarto ko. Ewan ko pero naiiyak ako. Naiiyak ako kasi finally, inaalagaan niya ako. Finally, I feel his care for me. It's because I was sick.

He cares for me, because I was sick. That's all.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Where stories live. Discover now