"Za? Asan ka? Bakit saan mo inilagay 'yung panty kong purple na may bulakla-" Natigilan siya nang tuluyan niya akong makita. My eyes widened while looking at her. Maski siya ang nanlalaki ang mga mata pero ang tingin niya ay nasa lalaking katabi ko.

"Savi!" Galit kong sikmat sa kanya dahil hindi pa niya tinatakpan ang itaas niyang natatakpan lang ng bra.

"Shit!" Natatarantang mura niya at mabilis tumalikod tsaka tumakbo sa kung saan siya galing.

I mentally face palmed. I am sure Luke saw her.

Why is she on her bra and shorts only e ang lamig naman dito sa kuwarto?! She already placed the air con on high yet she's still on those clothes?!

Mariin akong napapikit. Pero nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang pag-ikot ng mga kamay ni Luke sa baywang ko. Lalo na nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

He rested his face on my shoulder. "I'm sorry, nakita ko..." Paghingi niya ng tawad sa akin na ikinagulat ko.

He's saying sorry to me because he saw Savi only on her bra and short shorts? But he did not expect that! Hindi naman niya inaasahan iyon, even me. But still, he said sorry.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil tinamaan na naman ang sistema ko ng kakaibang pakiramdam.

Napatingin ako sa kung saan tumakbo si Savi. Nakonsensya ako. May kasalanan ako sa kanya. I did not inform her that I'm bringing someone.


Savi

Mabilis na isinuot ko ang t-shirt ko na nakalapag sa kama ni Za. Shit! Shit! Shit! Triple shit!

Hinubad ko ang t-shirt ko kanina kasi naiinitan talaga ako. Pinalakas ko naman na ang air con pero hindi pa kasi ako nakuntento. At palagi rin akong nagsusuot ng shorts gaya ngayon.

Ang hindi ko inaasahan, may kasama pala si Za!

Napapikit ako ng mariin.

Nakakahiya!

Nakangiwi akong lumapit sa mga dala kong damit at nagkalkal ng mahabang pantalon pero puro jeans ang meron tapos puro shorts. Ngumuso ako at kumuha na lang ng pajama ni Zarena at isinuot iyon since pareho kami ng size. Mas maliit lang ang waist line niya sa akin. Pero keri naman.

Ilang sandali ko pang pinakalma ang sarili ko mula sa pagkapahiya nang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Za.

"Bruha ka!" Hindi ko napigilang pagbusangot sa kanya.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko.

She grimaced. "I'm sorry. Hindi ko kasi inexpect na sasama siya. That guy has his own way of getting what he wants. He wanted to have dinner with me pero umayaw ako kasi babawi nga ako sa'yo diba? So he decided to come with me. Pasensya na Savi" The sincerity in her voice is so visible.

Napalabi ako. "Forgiven" Mabilis kong sabi. Kilala ko si Za. Kung may plano siyang magdala ng tao rito sa dorm niya, sasabihin niya agad sa akin. So that makes this situation unplanned.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now