21ST SACRIFICE

530 27 0
                                    

PARANG sinusuntok ang dibdib ni Syndrome habang nakatingin sa Plane State ni Rochster. Hanggang ngayong, 'natutulog' pa rin ito sa loob ng'transparent coffin' nito. Hindi ito puwedeng magtagal sa gano'ng estado dahil tiyak na babawian ito ng buhay kapag matagal napahiwalay ang kaluluwa nito sa katawan nito.

Sa kasalukuyan, nakatago ang kaibigan niya sa isa sa mga kuwarto sa Underground Chamber ng Academy kung saan binabantayan ito ng magagaling na Professional Hunters.

Huwag kang mag-alala, Rochster. Habang inaasikaso ko ang Third Trial, hinahanap na nina Colette, Serene, at Aries kung sino ang umatake sa'min ng araw na 'yon at kung bakit kinailangan mo pa kaming protektahan. Alam mo naman kung paano magtrabaho ang tatlong 'yon, 'di ba? Hindi sila titigil hangga't wala silang nahahanap na clue. Lumabas na sila ng Academy para mahuli kung sino man ang may gawa nito.

"Syndrome."

Nalingunan ni Syndrome sina Lord Veron (ang Medium Clan Representative) at Lord Clarkson (ang Hunters' Clan Representative na ama rin niya). Magalang na yumukod siya sa dalawang Council Members. "Lord Clarkson. Lord Veron."

Si Lord Veron ay isang matangkad at payat na lalaki na may mahabang blonde na buhok na naka-man bun. Balbas-sarado ito, pero para sa edad nito, bata pa rin itong tingnan. He was already in his mid forties, yet he looked like he was only in his early thirties. Ito rin ang mukhang pinakamaamo sa Council. 'Yon ay kapag hindi ito nakikipaglaban sa mga demonyo.

Si Lord Clarkson naman ay ang eksaktong replika ni Syndrome, maliban na lang siguro sa balbas at bigote nito. Kapag tumanda siya at mas lumaki ang katawan, gano'ng-gano'n ang magiging hitsura niya. Dahil bata ring tingnan ang ama niya, papasa pa ito bilang nakatatandang kapatid niya lang.

"We have read your full report," pormal na sabi ni Lord Clarkson. "Kailangan ba talagang silang tatlo na mga Clan Head pa ang mismong lumabas ng Academy para hanapin kung sino man ang umatake sa inyo? Alam niyo namang malapit na ang Third Trial. Isa pa, gumawa kayo ng desisyon at aksyon nang hindi kinukunsulta ang Council kahit nandito na kami."

"Pasensiya na, Lord Clarkson. May dahilan kami kung bakit namin ginawa 'to. Nakikita ni Serene ang malapit na nakaraan at kasalukuyan. Kaya namang pakiramdaman ni Aries ang mga spirit force na naramdaman naming ng araw na 'yon at ma-trace 'yon. Pero hindi sila puwedeng umalis ng walang kasamang kayang lumaban sa mga demonyo habang ginagamit nila sa ibang paraan ang mga spirit force nila," sagot ni Syndrome. "Kaya sumama si Colette sa kanila. Kung hindi lang ako kailangan sa Third Trial, ako na lang sana ang sasama kina Aries at Serene dahil ako ang Hunter sa'ming apat."

"Pero hindi ba puwede kung nagsama na lang sina Aries at Serene ng mga Professional Hunter at HIT?" tanong naman ni Lord Veron. "Ngayong nakabalik na ang Council, nagbalik na rin ang mga de calibre nating Hunters na nagbantay sa'min habang nasa Summit kami."

Naikuyom ni Syndrome ang mga kamay. "I'm sorry, Lord Veron. But this is personal. Alam naming mali ang desisyong ginawa namin. Sa oras na malutas na namin ang kasong ito, handa kaming tanggapin ang parusang ibibigay ng Council sa'ming mga Clan Head."

"Personal dahil si Rochster Dylan Lualhati ang kasangkot?" tanong ni Lord Clarkson.

Marahang tumango si Syndrome. "Rochster is still a Clan Head, my lord. No one messes with us and gets away with it easily."

Natawa ng mahina si Lord Veron, saka tumingin kay Lord Clarkson. "He is definitely your son, Clark. Ganyang-ganyan ka rin no'ng kabataan natin."

Sumimangot si Lord Clarkson. "Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko kung naging duwag na lang sana ang mga anak ko. At least, I don't have to worry every minute if they're doing something stupid that might get them killed."

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now