11TH SACRIFICE

497 27 1
                                    

NAGTAGUMPAY si Misoo na ma-trace kung nasaan ang spirit force ni Lord Wren. Gaya ng inaasahan na niya, nasa kuwarto nito ang Crown of Clan Heads.

Ang ikinagulat niya lang nang dumating siya do'n ay ang makita si Syndrome na nakatayo malapit sa tabi ng bintana. Nakasandal sa pader ang lalaki habang nakahalukipkip at magka-krus ang mga binti. Napaka-relaxed nitong tingnan, pero sigurado siyang alerto ito at nakahandang umatake. How could someone lethal look so incredibly sexy?

And that hunk actually tried to kiss me.

Bago pa mapansin ni Syndrome na namumula na naman ang mga pisngi ni Misoo dahil sa huling engkuwentro nila, mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa lalaki. Sa halip, pinako niya ang atensiyon niya kay Lord Wren na naka-indian seat sa sahig sa harap ng malaking laruang tren. "Hello, Lord Wren."

Muli, hindi na naman siya pinansin ni Lord Wren na hindi man lang inalis ang tingin sa laruang tren na umiikot-ikot sa pabilog na riles.

Napatitig naman siya sa magkakatabing replica ng nagtataasang skyscraper sa gitna ng pabilog na riles. Dahil madilim ang kuwarto, nangibabaw ang nagkikislapang ilaw sa mga palapag ng bawat pekeng gusali. Nakakaaliw dahil nagmukhang city lights talaga ang mga 'yon.

"They're beautiful," halos pabulong na sabi ni Misoo, puno ng paghanga ang boses.

Sa pagkagulat niya, sumagot si Lord Wren. Well, ang ibon nito ang talagang bumukas at sumara ang tuka at mas lalong hindi nag-angat ng tingin ang Crown of Clan Heads sa kanya, pero parang gano'n na rin 'yon. "City lights are, indeed."

Napangiti si Misoo sa hindi inaasahang bagay na may pagkakatulad sila ni Lord Wren.

Tumikhim naman si Syndrome. "Hindi ka naman siguro nagpunta rito para lang panuorin ang mga laruang gusali ni Lord Wren? Kasi kung 'yon ang balak mo, i-sa-suggest ko sana sa'yo na sa lighthouse ka na lang tumambay para sa mas natural ang 'city lights gazing' mo, Miss McCollins."

Ipinaikot lang ni Misoo ang mga mata sa sarkasmo ni Syndrome. Pero may punto ito kaya hindi na siya sumagot.

Sa halip, tinitigan niya ang nakalutang na silver flag sa loob ng crystal ball. Ramdam niya ang nag-uumapaw na lakas na spirit force ni Lord Wren. In fact, sa sobrang lakas niyon, para bang hindi na kakayanin ng bola ang kapangyarihan na hinahawakan niyon.

Bilang patunay sa hinala niya, napansin niya ang manipis at maikling lamat sa gilid ng crystal ball.

Lumutang si Misoo at hinawakan ang crystal ball ni Lord Wren. Napapiksi siya nang maramdamang napakalamig niyon. Para ngang ginawa 'yon sa yelo at hindi sa kapangyarihan ng isang Guardian. After all, their spirit forces were suppsoed to be warm, not icy cold.

Nag-concentrate siya at pilit na itinuon ang spirit force niya sa kanang kamay niya. Sa tuwing nasa panganib siya, naglalabas 'yon ng mainit na enerhiya na tumutunaw sa mga demonyong nagtatangkang manakit sa kanya. Sa pagkakatong 'yon, wala siyang ibang naiisip kundi tunawin din ang crystal ball na hawak niya sa kamay niya.

Umusok ang kamay niya nang naglabas 'yon ng mainit na enerhiya. Akala niya ay matutunaw na ang crystal ball. Pero sa pagkagulat niya, literal na nagyelo na ang bola.

Misoo yelped in surprise. Mabuti na lang at nabitawan agad niya ang crystal ball dahil may pakiramdam siya na kung hindi niya nagawa 'yon, maging ang kamay niya ay magiging yelo. Ang totoo nga niyan, kahit nasa spirit form siya, nasaktan pa rin siya. "I'm starting to hate you, Lord Wren."

Tumikhim si Syndrome na parang nabigla sa sinabi niya. "Misoo, you're aware that you're talking to the Crown of Clan Heads, right?"

Lumabi lang si Misoo. Pagkatapos ay tiningnan niya ng masama ang crystal ball. Nagamit na niya ang pinaka-alas niya sa pagsubok na 'yon. Ang mas masama pa, ramdam niyang ilang minuto na lang ang natitira sa kanya bago bumalik ng kusa ang kaluluwa niya sa katawan niya. Malaking enerhiya ang nawala sa kanya nang ginamit niya ang spirit force niya sa tangkang pagtunaw sa bola.

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now