20TH SACRIFICE

492 27 3
                                    

NATAGPUAN ni Misoo ang sarili niya sa lighthouse kung saan siya dinala ni Syndrome no'ng unang gabi niya sa Academy. Ipinatong niya ang mga braso niya sa balustre habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harapan niya. Gaya no'ng una, naroon pa rin ang naggagandahang patak ng mga asul na liwanag na para bang mga ulan.

Napunta siya ro'n dahil sumama siya sa pamamasyal nina Zooey at Blake. Mahilig kasi sa late night dates ang dalawang 'yon. Dahil tapos naman na siya mag-practice gumamit ng espada, sumama na siya sa mga ito nang ayain siyang lumabas.

Sa ngayon, nasa ibaba ng lighthouse sina Zooey at Blake at nagkukuwentuhan. Ayaw naman niyang makaistorbo sa lovebirds kaya nagpaalam siyang aakyat siya sa taas. Sa sobrang sweet ng dalawa, hindi niya sigurado kung narinig siya ng mga ito. Nang umalis kasi siya kanina, nakayakap si Blake kay Zooey mula sa likuran habang may ibinubulong sa tainga ng dalaga.

Nakakainggit sila.

Lalo tuloy na-miss ni Misoo si Syndrome.

Buong araw niyang hindi nakita si Syndrome. Naiintindihan naman niya dahil busy ito sa pag-aasikaso ng Third Trial. Isa pa, dumating na ang Council kaya wala na siguro itong libreng oras.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ba ang eksaktong relationship status nila ni Syndrome dahil hindi naman nila napag-uusapan 'yon. Pero siguro, hindi pa ito ang tamang oras para intindihin nila kung ano man ang meron sila ngayon.

Ang mahalaga sa kanya, alam niyang mahalaga si Syndrome sa kanya. Iyon din naman ang ipinaparamdam ng binata sa kanya. Sana lang, gano'n din ang verbal equivalent niyon. Mahirap kasing mag-assume lang sa mga ikinikilos ng mga lalaki.

Hihintayin na lang niya ang panahon na handa na sila ni Syndrome pangalanan ang relasyong meron sila ngayon.

"You really love lights, don't you?"

Napasinghap si Misoo nang marinig ang pamilyar na metallic voice na 'yon. Nang lumingon siya sa tabi niya, nagulat pa siya nang makita si Lord Wren na nakaupo sa balustre habang nakatanaw sa view sa harapan nila. Nasa kanang balikat nito ang robot na ibon nito. "Lord Wren, bakit naman nanggugulat ka?"

Gaya ng inaasahan niya, hindi sumagot si Lord Wren.

Sa totoo lang, kinilabutan si Misoo. "Hindi ko man lang namalayan ang pagdating mo, Lord Wren. Kung nagkataon palang kalaban ka, napatay mo na ko nang hindi ko alam." Napabuga siya ng hangin. "Ako nga talaga ang pinakamahinang Guardian dito."

"If it's any consolation, only the Council Members can feel my presence. Not even the Clan Heads can tell where I am unless I want them to know."

Ewan ba ni Misoo, pero napangiti siya sa mga sinabi ni Lord Wren. "Kanina ka pa ba nandito sa lighthouse, Lord Wren?"

Tumango si Lord Wren. "This is my territory."

Kumunot ang noo ni Misoo. "Itong lighthouse?"

"Yes. This is the best spot for light gazing."

"I'm sorry, Lord Wren. Hindi ko alam na teritoryo mo pala itong lighthouse. Aalis na ko–"

"Don't," pigil naman ni Lord Wren sa kanya na nilingon siya sa unang pagkakataon simula nang nagpakita ito sa kanya do'n. "Stay."

Nabigla si Misoo. Kahit na hindi bumuka ang bibig ni Lord Wren nang nagsalita ito, nakakagulat naman ang intensidad na nakita niya sa mga mata nito. Bahagya tuloy siyang napaatras palayo rito.

"Are you afraid of me, Misoo?"

Umiling si Misoo.

"Narinig mo na ba kung paano ako naging Crown of Clan Heads?"

Tumango si Misoo. "Hindi 'yon eksaktong detalye ang narinig ko. Pero alam ko kung ano ang ginawa mo, Lord Wren."

"You know that I've killed a person. Then, why aren't you afraid of me?"

"Syndrome respects you, Lord Wren," matapat na sagot ni Misoo. May pakiramdam siyang hindi siya makakapagsinungaling sa harap ng Crown. "I trust his judgment. Saka hindi ko naman alam kung ano ang nangyari o nagtulak sa'yo para gawin 'yon, kaya wala akong karapatang husgahan ka."

"What if I killed the previous Crown just because I thought it was fun to do so?"

"Then, Syndrome would have stopped you," kampanteng sagot naman ni Misoo. "Syndrome is an upright person. Hindi siya papayag na may inosenteng masaktan o mamatay dahil lang sa kasamaan ng iba. Kung talagang masamang tao ka, dapat eh galit siya sa'yo. But that's not the case."

"Akala ko, sa ordinaryong mundo ka namulat. Pero kung pag-usapan natin ang pagpatay ngayon, parang sanay na sanay ka na sa bagay na 'yon."

Napabuntong-hininga si Misoo at malungkot na tumingin sa tanawin sa harapan niya. "Mahirap nang bumalik sa dati pagkatapos ng mga nangyari sa'kin, Lord Wren. Namatay 'yong dalawa kong best friend dahil sa mga Undertaker. It's when it occurred to me: it's either to kill or be killed. Aaminin ko. Dati black and white lang ang tingin ko sa mundo. Pero ngayon, nagbago na 'yon. Hindi lahat ng pumapatay ay binibigyan ng ibang pamimilian dahil sino ba ang hindi lalaban kapag nasa panganib na ang buhay? Maliban siguro sa mga psychopath, walang tao na gugustuhing pumatay, demonyo man o buhay na tao." Tumingin siya sa naka-glove niyang kamay. "Sa bawat nilalang na patayin mo, may isang bahagi rin ng pagkatao mo ang namamatay."

"You don't have to kill to not be killed, Misoo."

Kumunot ang noo ni Misoo. "How will I survive then?"

"Find someone who will protect you."

Kung hindi lang nag-aalala si Misoo na baka mainsulto si Lord Wren ay baka natawa na siya sa ideyang 'yon. Sa halip, ngumiti na lang siya. "I can't monopolize Syndrome like that. Isa pa, sigurado akong hindi niya kayang i-compromise ang tungkulin niya para lang masigurong safe ako sa lahat ng oras. Plus, I want to learn how to fight para makabawas ako sa mga iniintindi niya."

"I never mentioned Syndrome."

Nag-init ang mga pisngi ni Misoo sa pagkapahiya. She couldn't help it though. Syndrome was synonymous to protector in her dictionary. Dinaan na lang niya sa tawa ang pagkapahiya niya, sabay change topic. "It's a beautiful night, isn't it?"

"It is," sagot ni Lord Wren, pero kay Misoo naman ito titig na titig.

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now