Twenty-fourth Promise

1.2K 54 0
                                    

"YOU BARELY passed the Assessment, Misoo McCollins. Alam mo bang ang ginawa mong spirit energy ball ang pinakamahina at pinakamaliit sa buong kasaysayan ng lahat ng mga Guardian na kumuha ng Assessment iyon mula nang itatag ang Academy?"

Kung kanina ay nanlulumo si Misoo dahil sa pagkapahiya nang matawa sina Aries at Serene sa nagawa niyang kapiraspong spirit energy ball, ngayon ay nag-iimbita na siya para sa munti niyang pity party. Everybody could join and throw insults at her right now and she would gladly wallow on them. Ganoon siya ka-depress sa kinalabasan ng kanyang Assessment.

Idagdag pa na magkasama na naman sila ni Syndrome. Well, wala naman siyang choice dahil ito ang maghahatid sa kanya sa dorm na tutuluyan niya sa Guardians Village. Hindi pa raw kasi puwedeng manatili sa Academy ang mga hindi pa official students.

Iyon ang dahilan kung bakit nakaupo siya ngayon sa passenger seat ng kotse ni Syndrome at ninanamnam ang bawat pang-iinsulto nito sa kanya. Kung marunong lang siyang mag-drive, kanina pa niya sinakal ang lalaki at itinapon ang bangkay nito sa bangin.

"Hindi mo na kailangang ipamukha sa 'kin ang bagay na na-confirm ko na nang tumawa ang mga kaibigan mo kanina. So much for being Clan Heads. Nakaka-encourage sila sa mga new student," sarkastikong sabi niya. "Promise."

Biglang sumeryoso si Syndrome. "Hindi sila tumawa para insultuhin o maliitin ang nagawa mong energy ball. They were just relieved that you didn't go berserk. Sa loob ng ilang segundo ay nagpakawala ka ng malakas na spirit force. But you were like a firecracker. Loud and frisky at first, then dim and useless in the end."

Lalo siyang nairita. It was annoying how Syndrome was quick to defend his friends and colleagues, yet he was always the first person to criticize her for everything. Dinaan na lang niya sa eksaheradong pagtawa ang panlulumo na nararamdaman.

Kumunot ang noo nito. Sinulyapan siya nito bago muling ibinalik ang atensiyon sa malubak na kalsada. "Ano'ng nakakatawa?"

Huminto siya sa pagtawa at pinukol ito ng eksaheradong gulat na tingin. "Ay, sorry. Akala ko kasi nagdyo-joke ka. Nagiging jerk ka lang pala uli, as usual. It's so natural for you to be an asshole, isn't it?"

Nagtagis ang mga bagang nito. "Shut it, royal pain in the ass."

"You should shut it, asshole." Tiningnan niya nang masama si Syndrome na hindi siya nililingon dahil nagmamaneho ito. Tutal ginalit na siya nito, lulubos-lubusin na niya para mabawasan na rin ang bigat sa dibdib niya—nakikita man o hindi ng katabi ang hinanakit sa kanyang mga mata. "I'm tired, okay? Nandito ako sa lugar na malayo sa mommy at daddy ko, bawal ang anumang klase ng komunikasyon, wala ako ni isang kilala at 'yong nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko, sobrang sama ng trato sa 'kin." Itinuro niya ang sarili. "Bago ang lahat ng ito, hindi ko alam kung ano ako at kung pa'no gamitin ang lintik na kapangyarihan sa loob ko. Ni hindi mo nga ako binigyan ng warning o clue man lang kanina kung ano ang eksaktong ginagawa sa Assessment. Ano sa tingin mo ang naramdaman ko no'ng nasa loob ako ng buwisit na tube na 'yon? No'ng sinabi ni Serene na gumawa ako ng spirit energy ball, ni hindi man lang niya inisip na wala akong kaide-ideya sa sinasabi niya. Kung magsalita pa nga siya, para bang natural lang na dapat alam ko na agad ang inuutos niya. Pero nakagawa pa rin ako ng spirit energy ball. Maliit nga lang pero enough naman 'yon para pumasa ako, 'di ba? You should have been proud of me. 'Tapos ngayon, minamaliit mo pa ako. FYI, I made that freaking spirit energy ball from scratch! Manghila ka nga ng Guardian sa labas na walang kaalam-alam tungkol sa Spirit Guild at tingnan natin kung magagawa nila ang nagawa ko?" Nangilid na ang mga luha niya at tumaas-baba ang dibdib sa hingal dahil sa mabilis at galit na pagsasalita pero hindi siya tumigil. "Hindi ko naman in-e-expect na maging mabait ka sa 'kin dahil matagal ko nang alam na jerk ka. Kaunting konsiderasyon lang sana. Nag-a-adjust pa ako sa bago kong environment. Saka mo na ako asarin. Kapag naka-eight hours sleep na ako, nakapag-beauty rest at nakakain ng hearty meal. Kasi ngayon, super drained pa ang energy ko."

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now