19TH SACRIFICE

523 25 0
                                    

NAKAHINGA ng maluwag si Misoo nang malaman niyang hindi magkakaro'n ng peklat ang mga kalmot at kagat na nakuha niya mula sa pag-atake ng mga Binge Feeder kanina.

"There you go," nakangiting sabi ni Miss Bella, ang instructor nila na nagsisilbing nurse sa Infirmary sa Academy. Sa 'totoong mundo' kasi ay nurse talaga ang profession ng babae. "Mawawala rin agad ang mga marka ng pinsala mo kaya huwag ka nang mag-alala. You're still flawless, McCollins."

Ngumiti lang si Misoo kahit alam niyang hindi totoo 'yon. Meron na siyang lapnos sa palad at souvenir na peklat sa balikat. Gayunman, simula nang pumasok siya sa Academy, natutunan niya na maraming bagay ang mas mahalaga kaysa sa pagpapanitiling makinis ang balat niya. "Thank you, Miss Bella."

Bumakas ang guilt sa mukha ni Miss Bella. "Pasensiya ka na kung wala kaming nagawa ni Gino para protektahan kayo. Wala naman kasi kaming magagawa para suwayin ang utos ng isang Council Member. Hindi ko gustong masaktan ka, o ang kahit sino sa inyo."

' Iyon ang pangalan at posisyon ng may-edad na lalaking 'umatake' sa kanilang mga estudyante kanina gamit ang mga 'alaga' nitong demonyo bilang 'surprise quiz' daw. Sa totoo lang, malabo pa ang mga detalye dahil umalis agad ang Council matapos magbigay-pugay ang mga Student Guardian sa mga ito.

"Okay lang talaga, Miss Bella," sabi naman ni Misoo. "Hindi na magiging surprise quiz 'yong kanina kung binalaan niyo kami sa pagdating ng Council at ng mga minions ng isa sa kanila."

Binigyan siya ni Miss Bella ng kakaibang tingin, pagkatapos ay natawa ito ng mahina. Mukhang may sasabihin pa sana ito, pero natigilan ito nang may pumasok sa kuwarto. Ngumiti ito at magalang na tumango. "Sir Rathbone."

Nalingunan ni Misoo si Syndrome na kapapasok lang. He looked very handsome and very tough in his black trenchcoat. Hunter na Hunter talaga ang aura nito. "Sir Rathbone."

Sinenyasan ni Syndrome si Miss Bella na nagpaalam sa kanila bago lumabas ng kuwarto.

Nang mapag-isa sila, tumayo si Misoo para ipakita kay Syndrome na maayos na siya. Base kasi sa pagsimangot nito, alam na niya kung ano ang iniisip nito. Umikot siya sa harapan nito. "I'm fine, Syndrome. Kaunting galos at kalmot lang, pero mabubuhay naman ako. Plus, hindi raw magpepeklat ang injuries ko ngayon."

Nanatili pa ring nakasimangot si Syndrome. "Miss McCollins."

Napaderetso ng tayo si Misoo. Kung ganito kapormal si Syndrome ngayon, siguradong may problema. "Yes, Sir Rathbone?"

"The Council wants to meet you."

Nanlaki ang mga mata ni Misoo sa pinaghalong takot at gulat. "Bakit? May nagawa ba kong mali? Sisipain na naman ba ko sa Academy dahil sa nangyari kanina?"

Bahagyang nag-relax ang mga balikat ni Syndrome, pero hindi nawala ang simangot nito. Mas mahina rin ang boses nito nang nagsalita ito. "Hindi ko rin alam kung bakit ka nila pinapatawag, Misoo. Pero sa palagay ko, may kinalaman ito sa nangyari kanina."

Nalaglag ang mga balikat ni Misoo. Sinubukan naman niyang umiwas sa mga problema, pero hindi niya alam kung bakit parang hinahabol siya ng mga 'yon. Nasa tamang lugar nga ba siya?

"Misoo."

"Bakit?"

"I'll be with you, so don't worry."

Nanatiling nakasimangot si Misoo nang bigyan niya ng naninigurong tingin si Syndrome. "Paano kung sabihin nilang gusto nila kong umalis?"

"I won't let that happen," determinadong sagot naman ni Syndrome, kita sa mga mata ang sinseredad. "Let's go. Hindi puwedeng pinaghihintay ang Council."

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now