First Promise

9.2K 220 88
                                    

ISINUSUMPA ni Syndrome ang kapatid na si Blake sa isipan kung bakit nakaupo siya ngayon sa backseat ng van na iyon katabi ang pinakamadaldal na lalaki na nakilala niya sa buong buhay niya—si Aries. Kung hindi dahil sa magaling niyang kapatid, nasa Europe sana siya ngayon para dumalo sa Summit kung saan inaasahan ang tulad niyang mataas ang posisyon sa mundo nila.

Bigla tuloy siyang nagsisi kung bakit hindi pa niya binalian ng buto si Blake bago siya bumaba ng bundok. Hindi naman ikamamatay ng kapatid niya ang isang baling braso. Gumaan pa sana kahit paano ang loob niya kung nakaganti siya.

Annoying brothers can really tempt you to become a murderer.

"You know, Syndrome, it's really an honor to work with you—the Hunter Clan Head," masiglang sabi ni Aries na walang tigil sa pag-aayos ng buhok habang titig na titig sa repleksiyon nito sa hawak na maliit na salamin. "Sana ito na ang maging simula ng mas maayos na relasyon ng mga Hunter na gaya mo at ng mga Questor na tulad ko naman. Aware ka naman siguro na iniisip ng marami na magkaribal ang mga clan natin sa ranking kaya akala nila ay magkaaway na rin tayo. Gusto ko nang matapos ang issue na 'yon sa 'tin kaya mabuti na rin na nagkasama tayo sa misyo—"

"Aries."

"Yes?"

"Malapit na kitang masakal sa kadaldalan mo."

Kung may utak ang taong kaharap ni Syndrome, mararamdaman nito ang matindi niyang iritasyon at tatahimik na. Ibig sabihin, hindi iyon mapapansin ni Aries. Kaya hindi na siya nagulat nang hindi nito pinansin ang pagbabanta niya. Natawa pa nga ang loko.

"Syndrome, Syndrome, Syndrome," iiling-iiling at tatawa-tawa pa ring sabi ni Aries. "Hindi ka pa rin nagbabago. Ang boring mo pa ring kasama."

Imbes na sumagot, tinitigan lang niya ang maliit na salamin na hawak ni Aries. Ibinuhos niya roon ang enerhiya at binasag iyon gamit ang isipan. "If you don't shut up, I will really kill you. Kung makukulong ako, gugustuhin ko nang makulong nang napapatahimik ka."

Pinaikot lang ni Aries ang mga mata. Sa isang kumpas ng daliri ay lumutang sa ere ang mga basag na piraso ng salamin. Umikot-ikot pa ang mga iyon sa ere na parang mga ballerina na nagsasayaw bago nagsipagdikit sa isa't isa hanggang sa muling mabuo. Pero puno na iyon ng lamat. Sumimangot ito at inihagis na lang ang salamin sa pinaka-backseat ng van. "If you're going to kill me, at least let me kiss you first. Isang halik lang, Syndrome. Babaguhin ko ang pananaw mo sa buhay."

Napasimangot siya. Wala siyang problema sa pagiging bakla ni Aries. Hindi lang niya gusto kapag sa kanya nito itinutuon ang interes. "You really have a death wish, don't you?"

Ngumisi ito, saka kumindat sa kanya. "I'm going to die one day for some reason anyway, baby. At least, I want my death to be worth it. Gusto kong mamatay nang masaya."

Bumuga na lang ng hangin si Syndrome. Kung ibang tao siguro, masisindak na sa isang simangot pa lang niya. Pero walang epekto ang pananakot niya sa mga tulad niyang Clan Head ng Fourth Order—tawag sa secret society na pinagmulan nila ni Aries. Bukod sa halos magkakalapit lang ang mga kapangyarihan nilang mga pinuno ng kanilang mundo, matagal na rin silang magkakasama. Higit sa lahat, konektado sila ng isang espesyal na samahang hindi basta-basta masisira.

Kaya kahit gaano pa nakakairita si Aries, hindi sapat iyon para seryosuhin niya ang mga pagbabanta rito. Well, I hope so.

Tumikhim si Geoffrey, ang driver nila para sa misyon na iyon. Isa itong Medium na ang tungkulin ay samahan silang mga Clan Head sa mga misyon nila. "Boys, we're here."

"Finally!" masiglang sabi ni Aries. "I can't wait to meet my fans!"

Muli, pinaikot lang ni Syndrome ang mga mata. Pakiramdam niya ay bumaligtad ang kanyang sikmura nang pagtingin sa labas ng bintana ay sumalubong sa kanya ang napakaraming estudyante—partikular na ang mga babae—na nagtitilian nang malakas.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon