Fourth Promise

1.7K 91 1
                                    

NANGHIHINA si Misoo.

Kahit na kausap niya sa phone ang mommy niya na nagsisilbing happy pill niya, wala siyang sapat na lakas para pasiglahin ang boses kahit masayang-masaya siyang makinig sa kanyang ina. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman. Wala naman siyang sakit.

"Baby girl, are you okay?" malambing na tanong ng mommy niya, may halong pag-aalala ang boses.

"Yes, Mom," sagot niya sa pilit na pinasiglang boses. "I'm just a little groggy since I slept really late last night. Anyway, ano nga pala 'yong sinasabi mo, 'My?"

"Gusto ko sanang malaman kung may plano kayo ng mga kaibigan mo for your sixteenth birthday this weekend. Your dad and I will send you the amount you need for whatever you plan to do on your birthday. Plus, sigurado kami ng dad mo na magugustuhan mo ang inihanda naming sorpresa para sa 'yo ngayong taon."

Nalungkot si Misoo. Alam niya kung gaano ka-busy ang mga magulang sa pag-aasikaso ng business nila overseas kaya kahit gusto niyang hilingin na makasama ang mga ito sa birthday niya, pinigilan niya ang sarili. Para din naman sa kanya ang ginagawang pagtatrabaho ng mommy at daddy niya. "That's so nice of you, 'My. Thank you as always."

"You're always welcome, baby girl," sabi ng mommy niya sa sweet at gentle nitong boses. "Alam kong malapit ka na sa school mo sa I'm hanging up. Talk to you later, okay?"

"All right. I miss you, 'My. Pakisabi rin kay Daddy na miss na miss ko na rin siya."

"Will do, sweetie. And we miss you, too."

Isinandal ni Misoo ang ulo sa salaming bintana pagkatapos makipag-usap sa mommy niya. Nasa New York ang kanyang mga magulang, dumalo sa isang business conference kaya hindi makakauwi para sa birthday niya. Sanay naman na siya pero nakakalungkot pa rin talaga.

Bumalik lang ang sigla niya nang pagpasok ng kotseng sinasakyan sa school premises ay hindi na niya naramdaman ang kakaibang kapangyarihan na nakapalibot sa Bluebell mula nang dumating ang mga Questor kahapon.

Nigel is free!

Pagka-park pa lang ng kotse ay mabilis nang nagpaalam si Misoo sa driver at agad na bumaba ng sasakyan. Saka siya tumakbo papunta sa gymnasium.

Pero hindi nakasabay ang estado ng kanyang katawan sa excitement na nararamdaman dahil nasa pintuan pa lang ay nakaramdam na siya ng panghihina. Nanginig ang mga tuhod niya at nawalan siya ng balanse. Sigurado siyang babagsak siya sa kalsada na una ang mukha kaya inihanda na niya ang sarili sa paglagapak.

Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang may maramdamang matigas na brasong pumulupot sa kanyang baywang kasabay ng pagdaloy ng malakas na boltahe ng kuryente sa kanyang katawan. Sa tooo lang, masakit iyon sa balat. Para siyang tinutusta.

Nilingon niya ang taong nagligtas sa kanya. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang sumalubong sa kanya ang mukha ng guwapo pero aroganteng lalaki na nakaaway kahapon. Pero habang nakatitig sa mukha nito, parang huminto sa pag-function ang kanyang utak at hindi na niya maalala kung bakit siya nagalit sa lalaking ito na parang hindi na tao sa sobrang kaguwapuhan.

Paano ito naging ganoon kaguwapo kahit simpleng gray V-necked shirt, skinny jeans at sneakers lang ang suot? Ah, siguro dahil bumakat ang magandang bulto ng katawan nito na bagay na bagay naman sa halos perpekto nitong mukha.

Tousled light brown hair, perfect thick eyebrows, long lashes, grayish eyes, pointed nose, red lips, high cheekbones, square jaw. He looked like a Young Adult book hero—handsome yet brooding. Have she read too much YA novels or was this young man just really oozing with a dangerous aura?

Sa mga nababasa niyang contemporary fantasy books, kadalasan na hindi ordinaryong tao ang mga guwapong lalaking may nakakatakot na vibes. Ang isang ito, mortal ba talaga?

"Kuryente ba ang dumadaloy sa mga ugat mo?" nakasimangot na tanong ng lalaki.

Mabilis na humiwalay si Misoo sa lalaki habang pigil na pigil ang pag-iinit ng mga pisngi. Tiningnan niya ito nang masamapara i-distract ang sarili. "Are you stalking me?"

Tumaas ang kilay nito at tiningnan siya na parang naaaliw sa kanya. "Ooh. Is that how you fantasize about me? As your stalker?"

Okay, tuluyan nang nag-init ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. "I'm not fantasizing about you, you self-absorbed jerk!"

"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa pagkamatay ng boyfriend mo?"

Napakurap-kurap siya dahil sa out of the blue na tanong ng lalaki. "Excuse me?"

"Misoo McCollins," maingat na pagbigkas nito sa kanyang pangalan. "According to my research, your boyfriend died several weeks ago. Nigel Dolores, right?"

Napasimangot si Misoo. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis: ang nagustuhan niya ang pagbigkas ng lalaki sa kanyang pangalan, o ang pag-iimbestiga nito tungkol sa kanila ni Nigel.

"But apparently, you're still seeing your dead boyfriend," pagpapatuloy ng lalaki sa nang-iinsultong tono, pinakadiinan ang salitang 'dead' na para bang ipinapamukha sa kanya na patay na ang boyfriend niya. "'Yon ang dahilan kung bakit pinoprotektahan mo siya, 'di ba?"

Napalunok siya. Bumaba ang tingin niya sa braso ng lalaki kung saan naroon ang tattoo. Espada na nakatali ng kadena ang tattoo. Bagay na bagay iyon dito dahil sa mapanganib nitong aura. "Bumalik ka ba para itaboy si Nigel?"

He scoffed. And in an obviously offended tone, he said, "That's not my job, babe. At least, not until he still has control over himself. Nandito lang ako para warning-an ka. You know what? Makakasama sa isang buhay na tao na tulad mo ang pakikipagrelasyon sa isang kaluluwa. Lalo na sa mga Stray, just like your dead boyfriend."

"Stray?" nakakunot-noong tanong ni Misoo. Pamilyar sa kanya ang salitang iyon pero hindi niya maalala kung saan niya narinig. "What's that?"

"An overstaying ghost with a dark agenda, just like your little dead boyfriend."

Ikinuyom niya ang mga kamay para kalmahin ang sarili. Kaunti na lang at lilipad na ang kamao niya sa mukha ng kaharap. Marunong siya ng self-defense at hindi siya magdadalawang-isip na ipaalam iyon sa aroganteng lalaki kapag hindi pa ito tumigil. "Hindi masamang multo si Nigel. Gusto lang niya akong makasama nang mas matagal."

"Yeah, keep believing that bullshit. That's really good for your health," sarkastikong sabi nito. "Just don't forget that I warned you when you breathe your last, babe," mayabang na sabi nito, saka siya nilayasan.

Naiwan si Misoo na parang naestatwa hanggang sa nawala na ang aroganteng lalaki sa paningin niya. Hindi niya nasagot ang mayabang. Napapadyak tuloy siya sa sobrang inis. "It's an 'if,' not a 'when,' you jerk!"

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now