10TH SACRIFICE

520 28 0
                                    

NAAALIW si Syndrome habang nararamdaman ang desperadong pag-atake ng mga Guardian sa mga crystal form ng spirit force niya na ginawa niya para protektahan ang mga itim na flag na sumisimbolo sa kanya. Bukod kay Lord Wren, siya ang may pinakamataas na puntos kaya inasahan na niyang siya ang unang 'aatakihin' ng mga estudyante.

It was a sensible move, but also futile.

Dahil simula nang naging Clan Head siya, wala pa ni isang Guardian ang nakabasag sa crystall ball niya at nakakuha ng flag niya. Si Colette nga ay dalawang beses pa lang nakuhanan ng flag. Sa madaling salita, hindi gano'n kasimple ang misyon na 'yon.

Will you also come after me, Misoo?

Pinigil ni Syndrome ang mapangiti isipin pa lang na ang flag niya ang tatangkain ni Misoo na kuhanin. Hindi man niya nakikita, nararamdaman naman niya kung sino-sino ang umaatake sa mga crystal form ng spirit force niya na nagkalat sa buong main building. Siguradong malalaman din niya kapag ang prinsesa na ang nagtatangkang bumasag sa ginawa niyang bola.

Tumingin siya sa itim na flag na nakalutang sa harap niya ngayon. Nakapaloob iyon sa crystal ball na gawa sa spirit force niya. Bawat isang Clan Head ay may ginawang tig-labinlimang flag na pinrotektahan nila ng mga kapangyarihan nila.

Sana ang isang ito na kasama niya ngayon ang maramdaman ni Misoo at tangkaing kuhanin. Gusto niya kasing makita ang dalaga.

Napuno ang isipan ni Syndrome ng imahen ng namumulang mukha ni Misoo.

Okay, hindi na niya napigilan ang mapangiti. Lalo na't naalala niya ang tagpo nila no'ng isang araw kung kailan 'binisita' siya nito sa condo niya. Hindi niya inaasahang magiging matapat siya sa damdamin niya ng mga sandaling 'yon, pero hindi naman niya 'yon pinagsisisihan.

Kung meron man, 'yon ay ang hindi natuloy ang paghalik niya kay Misoo.

Alam niyang kalapastanganan 'yon, pero hindi niya mapigilan. Isa pa, kung sakaling kinikilala pa rin ito bilang si Moonkiss Espiritu na prinsesa ng Monarkiya, sigurado siyang walang tututol kung magiging malapit man sila sa isa't isa.

Stop, saway niya sa sarili. Hindi na siya si Moonkiss Espiritu. Siya na si Misoo McCollins ngayon.

Naputol na ng tuluyan ang pagmumuni-muni ni Syndrome nang biglang sumabog ang liwanag sa paligid, kasabay ng pagkabuhay ng kung anong tunog-makina na 'yon.

Sumalubong sa harap niya ang isang kulay pilak na laruang tren na umiikot-ikot sa malaking pabilog na riles. Sa gitna niyon ay may replica pa ng mga skyscraper na sa totoo lang, maganda ang pagkakagawa. May mga matataas ding puno sa paligid ng mga gusali na 'yon. Sa itaas ng lahat ng 'yon ay nakalutang sa ere ang kulay pilak na flag na nakapaloob sa crystal ball na napapaligiran ng napakalakas na spirit force.

Sinakop ng 'laruan' na 'yon ang malaking bahagi ng kuwarto ni Lord Wren. Oo, naroon siya sa silid ng Crown of Clan Heads dahil obligasyon niya na protektahan ang lalaki sa lahat ng oras.

Kind of ironic, actually. How would you protect someone who was stronger than you?

Nah, you don't really protect them to keep them from harm. Kailangan mo lang tapusin lahat ng magtatangka ng masama sa kanila para hindi na nila kailanganing lumaban. Because you know, their spirit force is too precious to be used to fight small insects.

Dumako ang tingin ni Syndrome kay Lord Wren na parang bata na naka-indian seat sa sahig habang seryosong pinapanood ang pag-ikot-ikot ng laruang tren. Gaya ng madalas, nakapatong sa balikat nito ang robot na uwak. "Wren, bakit nagbago ang desisyon mo tungkol sa pagpapaalis kay Misoo McCollins dito sa Academy?"

Bumukas-sara ang bibig ng robot na uwak. Pero si Lord Wren, ni hindi man siya binalingan. "You practically begged me to let her stay."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Syndrome. Hindi naman siya nagpakita ng reaksyon dahil hindi naman niya pinagsisisihan na halos nagmakaawa siya kay Lord Wren na huwag paalisin si Misoo sa Academy. Naaalala pa niya ang naging usapan nila ng gabing 'yon.

"She might get killed at the next Trials, Syndrome. Are you willing to take that risk?"

"Yes," sagot ni Syndrome bilang Hunters' Clan Head. "Misoo McCollins is a Guardian and she has a high potential to be a great Hunter. Pero alam ko rin na kumpara sa ibang kalahok sa Trials, siya ang may pinakakaunting kaalaman tungkol sa Spirit Guild. Even her spirit force is unstable. However, I believe that's exactly the reason why she needs to stay here. Heck, that's the sole reason the Academy was established. We are supposed to train Guardians to fight and slay demons."

"Do you have that much faith in her?" walang emosyon pa rin na tanong ni Lord Wren.

Tumango si Syndrome, pagkatapos ay yumukod siya sa harap ni Lord Wren. "Let her stay in the Academy, Wren. Malaking kawalan kung paaalisin natin siya nang dahil lang sa isang pagkakamali. Isa pa..." Nag-angat siya ng tingin sa Crown of Clan Heads. "I don't think she'd let us kick her out that easily. Malakas ang kutob ko na gagawa at gagawa siya ng paraan para makumbinsi kang hayaan siyang manatili sa Academy. Kapag nangyari 'yon, tandaan mo sana na bilang Hunters' Clan Head, susuportahan ko siya. Even if it meant insubordination on my part."

Inangat ni Lord Wren ang kanang kamay nito. Mula sa hintuturo nito ay may lumabas na spirit force na sing nipis ng sinulid na animo'y kulay asul. Gamit ang kapangyarihan nito ay pinagalaw nito ang laruang tren at sinindihan ang mga ilaw sa mga maliliit na gusali. Maging ang mga puno ay gumalaw na para bang nakikipagsayaw ang mga pekeng dahon niyon sa hangin.

Nagsalita uli ang Crown of Clan Heads gamit ang metal na robot nito. Gaya ng madalas, hindi pa rin lumingon ang lalaki sa kanya.

"If she fails the Second Trial, I will assign you to a different base camp, Syndrome."

Which also meant demotion.

Nagtagis ang mga bagang ni Syndrome. Pero dahil nagdesisyon na siyang magtiwala ng buo kay Misoo, tinanggap niya ang kompromiso. Tumango siya. "I accept."

Ang totoo niyan, pagkatapos maatake si Misoo ay sinubukan niyang tawagan ang mga magulang nito gamit ang isipan niya. Pero hindi niya naabot sina Lady Mirasol. Sa palagay niya, itinatago ng mag-asawa ang spirit force ng mga ito para masigurong hindi mahahabol o marahil ay masundan ang mga ito ng mga kalaban.

Sinimulan na niya ang sarili niyang imbestigasyon pero wala siya ni katiting na ideya kung paano nakapasok ang Undertaker sa Academy. Wala siyang maramdamang spirit force na sumira sa depensa nilang mga Clan Heads. Kung sinuman ang may gawa niyon, napakalinis nitong magtrabaho.

Siyempre, kinonsidera na rin niya ang posibilidad na aksidente lang ang nangyari. Na sadyang naging pabaya lang silang mga Clan Head kaya nangyari 'yon.

Nah, impossible.

So, yeah. He wouldn't stop looking for any trace that would lead him to the traitor.

Napaderetso ng tayo ni Syndrome nang may maramdaman siyang presensiya ng iba. Pero mabilis din siyang kumalma nang makilala ang mahinang spirit force na 'yon. Sinubukan niyang huwag ngumiti, pero hindi niya nagawa.

Hi there, babe.

Hindi na siya nagulat nang tumagos mula sa pintuan si Misoo na gaya no'ng nakaraan, ay nasa spirit form nito. Naniniwala na talaga siya na nararamdaman din ng dalaga ang kakaibang hindi nakikitang tali na nag-uugnay sa kanila dahil nahanap siya nito.

Dumako ang tingin ni Misoo sa kanya, pero mabilis din 'yong lumagpas sa kanya at napako kay Lord Wren. She actually smiled at the Crown of Clan Heads, as if she was really happy to see him. "Hello, Lord Wren."

Wait, what?

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now