16TH SACRIFICE

Começar do início
                                    

Tumango lang si Lord Wren, pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa laruan nito.

Pumasok naman si Misoo at tumayo sa harap ni Lord Wren. Bumalik ang ngiti at pagkasabik sa mukha ng babae.

Si Syndrone naman, sumandal sa dingding at humalukipkip. Hindi naman siya pinaalis ni Wren, kaya sa palagay naman niya ay hindi gano'n kapribado ang pag-uusapan ng dalawa. Well, he hoped so. Because right now, he was really pissed.

Gah, what have I missed?

"Lord Wren, nanalo ako sa pustahan," masayang pagbabalita ni Misoo. "Kailangan mong tumupad sa usapan natin."

Bumaba ang tingin ni Lord Wren at napako ang tingin kay Misoo. Blangko pa rin ang mukha ng lalaki, pero ang mga mata nito... nagkaro'n ng kaunting buhay.

Hindi siguro mapapansin 'yon ng iba. Pero walong taon nang kasama ni Syndrome ang Crown of Clan Heads kaya hindi siya puwedeng magkamali. Naikuyom niya ang mga kamay niya. At sana lang, hindi siya mukhang papatay ng mga sandaling 'yon.

Dama rin niya ang pagwawala ng hindi nakikitang tali sa dibdib niya.

Ah, shit. I'm starting to hate this visit.

"Ako ang nakakuha ng pinakamataas na score sa Second Trial," nakangiting sabi ni Misoo. "I can stay here, right?"

May usapan sina Misoo at Lord Wren?

And gah, why are you smiling a lot today, princess?

Tumayo si Lord Wren, pagkatapos ay naglakad palapit kay Misoo. Huminto ito sa mismong harap ng dalaga. May dinukot ang Crown mula sa bulsa ng pantalon nito. Then, he handed it to her. It was a small replica of a skyscraper.

"You're giving this to me?" gulat na tanong ni Misoo habang hawak ang maliit na tower.

Tumango lang si Lord Wren.

"Thank you. Pero para saan 'to?"

Nanatili lang blangko ang mukha ni Lord Wren.

"Huhulaan ko," natatawang sabi naman ni Misoo. "This is a congratulatory gift, right?"

Tumango lang uli si Lord Wren.

Lumuwang ang pagkakangiti ni Misoo. "And this is you letting me know that you're allowing me to proceed until the last trial?"

Muli, tumango si Lord Wren.

Misoo giggled. Shit, it was the first time he heard her giggle.

Gah! What's happening?!

Mas nakakagulat ang sunod na ginawa ni Misoo: nag-curtsy ito at talagang nakahawak pa sa magkabilang gilid ng suot nitong pulang plaid skirt. "Thank you, Lord Wren. I'll be taking my leave now. Magkita na lang uli tayo sa Third Trial."

Tumango lang uli si Lord Wren, pagkatapos ay ikiniling nito ang ulo sa direksyon ni Syndrome. Nanatiling sarado ang bibig ng Crown, pero hindi ang robot na ibon. "Sir Rathbone will escort you out, Miss McCollins."

Magalang na yumukod si Syndrome kay Lord Wren, bago niya sinamahan sa paglabas si Misoo na halatang nailang nang silang dalawa na lang ang naiwang magkasama. Nang nasa pasilyo na sila malayo sa kuwarto ng Crown, huminto siya sa paglalakad at hinarap ang dalaga. Binigyan niya ang prinsesa ng matalim na tingin.

Wala namang problema kung do'n sila mag-uusap dahil ang buong palapag na 'yon na nasa pinakaitaas ng main building ay nakalaan lang para kay Lord Wren. Wala itong ibang 'bantay' maliban sa kanya dahil hindi ito komportable sa presensiya ng ibang Guardians.

Napalunok si Misoo. "W-what?"

"Gumawa kayo ng kasunduan ni Lord Wren nang hindi mo sinasabi sa'kin?" paghihinanakit ni Syndrome.

The Fourth Order SeriesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora