Chapter 31: Revelation I

47 5 0
                                    

Revelation I

Jon's POV

We went to the location given to us. As usual we wore  something dark red and black with a mask of course.

When we arrive we saw 4 cars parked outside the building.

"They're already here" sabi ko.

Pumasok kami sa gusali, sinuyod namin ang bawat floor, pero wala hanggang makaabot kami sa rooftop.

"You're 24 minutes and 11 seconds late" sabi ni Devil Queen, ang leader ng GR gang, nang makarating kami. "Mukhang kulang yata kayo" ngisi niya pa.

"Magkukwentuhan na lang ba tayo o tatapusin natin ang laban na 'to?" Tanong ko sa kanila.

"Excited to have injuries? Okay, let's start this!"

We run towards each other.

Fighting in combat battle.

"S.D is mine" sabi ko.

I know she's good in every fighting skill but with my anger and determination nothing can stop me from killing her!

..

..
..
"Fight back, bitch!" Naiinis na sabi ko sa kaniya. Pansin ko kanina niya pa ako iniilagan paminsan-minsan niya lang ako patamaan ng suntok.

Kinuha ko ang kunai na nakatago sa damit ko at hinagis ito sa kaniya ngunit nailagan niya lang itong lahat.

May nakita akong lungkot at sakit sa kaniya pero agad din itong naglaho at bumalik sa walang emosyon.

This time umaatake na siya pero hindi niya ako pinatatamaan ng sandatang hawak niya.

I became more aggressive this time, nasugatan ko siya kaliwang braso niya at nakita kong dumudugo iyon.

"Argh!" Daing ko ng patamaan niya ako ng sipa sa sikmura.

F*ck!

Aatakihin ko na sana siya ng sipain ako ni Devil Queen kaya napahiga ako.

Napatingin ako paligid and saw Light lying on the floor unconscious.

"Get out of here, S.D" utos ni Devil Queen. Tumayo agad ako.

"No! You're not going anywhere!" Sigaw ko.

"Go! Now!" Tumakbo na si S.D. akmang susundan ko siya ng sumugod ng sunod-sunod na suntok sa'kin si Devil Queen. "Ako muna makakalaban mo" malamig niyang sabi na may kaakibat na pagbabanta.

I won't let S.D escape again.

Never!

Kinuha ko sa aking bulsa ang karayom na may pangpatulog at itinarak ito sa kaniyang leeg.

"F*ck! Anong nilagay mo sa'kin?" tanong niya habang sapo ang kaniyang leeg.

Di ko na siya sinagot at mabalis na bumaba. Nakita kong di pa nakakalayo ang sasakyan niyang ginamit.

Sumakay na rin ako sa kotseng dala namin. Pinaharurot ko ito hanggang sa makalapit na ako sa kaniya. Sinadya kong banggain ang likurang bahagi ng sasakyan.

Nakita ko ang gulat sa kaniyang mata ng mapatingin siya sa bumangga sa kaniya. Mas pinabilis niya ang pagpapatakbo.

F*ck!

Hindi na kita hahayaang makatakas pa!

Tatapusin na kita ngayon!

Madison's POV

F*ck!

My arm is bleeding dahil sa hiwa na nagawa ni Jon at ang nadaplisan ng bala ay nagdurugo na rin.

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon