Chapter 12: Party

55 13 3
                                    

Party

Madison's POV

"Lil bro!!" Sabay kami napalingon sa babaeng nakagown at nakangiting papalapit samin.

"Tss, how many times do I have to tell you I'm not little anymore" nakabusangot na sabi ni Jon sa babae.

"I don't care you're still my lil bro" tatawang balik naman nito sa kapatid at mahinang sinuntok ang braso nito. Naptingin naman ito sa gawi ko." So, lil bro who is this pretty girl right here?"

"This is Maddy my classmate and obviously my date, ate. Maddy this is my sister Elaine" pakilala ni Jon samin ng ate niya.

"Nice to meet you" nakipagkamay ito na akin namang tinanggap.

"Likewise" sabi ko naman.

"Please excuse me, ientertain ko pa yung mga bagong dating. Enjoy guys" paalam nito kaya napatango naman kaming dalawa ni Jon.

Naupo kami sa table ng may birthday which is si Elaine.

"Dad!" Tawag ni Elaine kay napalingon kami sa taong tinawag niyang dad. There I saw a man wearing a suit parang kagagaling pa lang sa trabaho.

Tumayo si Elaine at yinakap ang bagong dating.

"Mabuti naman nakarating ka" sabi ni Elaine dito.

"Of course, I don't want to miss my daughter's birthday" nakangiting sabi nito saka kumalas sa pagyakap. Tumingin ito sa gawi namin. Mukhang nagulat ito ng makita ako, na ikinapagtaka ko. Pero agad rin itong naglaho at tumingin sa tabi ko.

"Jon" bati nito sa anak.

"Hey, dad" parang bagot na sabi lang ni Jon.

"Ahh, dad si Maddy pala date ni Jon" si ate Elaine na ang kusang nagpakilala sa'kin sa tatay niya. Tumayo naman ako at nakipagkamay.

"Nice to meet you, Mr. Villafuerte" magalang na sabi ko.

"Likewise, Maddy" nginitian ako nito pero di ko maintindihan parang nakaramdam ako ng kilabot sa ngiti niyang 'yun.

Ilang oras na akong bagot na bagot dito. Sino naman kasi ang hindi mabobore kung simula ng dumating ka hanggang papatapos na ang party ay nakaupo ka lang. Tss.

Ito namang kasama ko di umiimik kapag tinatanong tango at iling lang isinasagot.

Haist!

Someone's POV

"Karen, anong oras ang party ng anak ko?" Tanong ko sekretarya ko.

"7:00 p.m, sir" sagot naman niya.

"Okay, you may now go home"

"Yes, sir. Thank you" pagkatapos makaalis ni Karen ay inayos ko na ang gamit ko para umuwi.

"Dad!" Yinakap ako agad ng anak ko nang hustong nakalapit na ako "mabuti naman nakarating kayo"

"Syempre naman princess di pweding hindi makadalo sa party mo si daddy" nakangiting sabi ko. "Here's my gift to my princess" abot ko sa kaniya ang isang kahon.

"Thank you, dad!!" Tili niya. Tumakbo siya papasok sa bahay kung saan idinadaos ang kaniyang kaarawan.

Kung sana lang nandito ang mag-ina ko.

"Dad, tara na po magsisimula na ang party!"

"Yes, I'm coming princess" napangiti na lang ako sa pagkakulit niya.

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon