Chapter 20: The truth

59 14 7
                                    

The Truth

Madison's POV

"Di mo ba talaga tatanggalin 'yang maskara mo?" Tanong ko kay Dark Angel. Kanina ko pa kasi siya tinitignan. Curious lang ako kung bakit nakamaskara pa rin siya e kami nga kilala na niya.

"What does love mean to you?" Sa halip na sagutin ang tanong ko iyon ang tinanong niya. I smiled.

"Kahit di mo sinagot ang tanong ko sasagutin kita" sabi ko " para sa akin ang pag-ibig ay hindi pinag-aaralan dahil kusa itong darating at mararamdaman." Nakangiting sabi ko.

"Nainlove ka na ba, Maddy?" Saglit akong napatigil at napatingin sa malayo.

"Oo" sagot ko. Napabuga ako ng hangin " but he hates me" malungkot na sabi ko.

"Why?"

"Cause he believe that I killed her girlfriend"

"Maddy, when you feel in love there's always a consequence but don't quit loving him. You only found true love once if you found true love for a second time it's a miracle. Kung hindi ikaw ang may kasalanan sa nangyari sa girlfriend niya, you must prove him that. Kapag nagmahal ka hindi puro saya lang kailangan mo rin masaktan para mas tumibay ka. Kailangan mong magtake risk minsan. Fight for him, fight for your love" sabi niya saka nagpaalam na papasok sa bahay. Naiwan naman akong nag-iisip.

Should I take the risk?

Maybe after this.

Kailangan ko na siyang makausap ngayon.

Dialing cat woman...

"Hey, baby girl. Watsup?" Bati sa'kin ni Elaine.

"I need the answer" deritsyahan kong sagot.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

"Yes"

"Okay, meet me at the same place na sinabi ni Cass, Now" seryosong sabi nito.

"Okay" saka pinatay ang tawag.

Kailangan kong tapusin muna ang problemang 'to bago ako umamin at ipaglaban ang nararamdaman ko.

After an hour nakarating ako sa lugar. Halos sabay lang kami ni Elaine na dumating.

"Before I tell you who is he, ikekwento ko muna kung anong buhay mayroon kami ni Jon" nagulahan naman ako sa sinabi niya pero tumango na lamang ako." I was only 6 years old back then nang ibalita sa'kin ni daddy na patay na si mama. Nasaktan ako noong sinabi niyang 'yun. Lumaki akong laging may sigawan sa bahay. Alam ko na noon na hindi maganda ang pakikitungo ni dad kay mommy. I always see how he hurt my mom physically and emotionally. I hate my father to the core for doing that to mom. After 1 year nagtaka ako kung bakit siya may dalang bata. That kid is Jon. Ampon si Jon, Maddy. " nagulat ako sa ikekwento niya. I saw tears falling but her eyes shows anger " Noong una pa lang alam ko ng may mali. Ilang araw ko ring napansin ang pagkabalisa ni Jon. Galit siya sa lahat ng taong makita niya hanggang sa ipinasuri siya ni dad psychiatrist. After 1 year ng treatment niya nakita kong bumuti na ang kalagayan niya. Nakikipag-usap na siya samin maliban kay dad. Nang tumuntong kami lagpas sampong taong gulang sinanay kami sa pakikipaglaban. Hindi ko alam kung para saan. Hanggang sa di ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ni dad sa katawagan niya sa telepono. Sabi niya handa na daw si Jon para sa nalalapit na pagpatay nito sa sariling ama. Nalaman kong ang tatay ni jon ang kaaway ni daddy sa negosyo, ayaw ni dad na may mas nakakaangat sa kaniya kaya pinatay niya ang asawa nito at kinuha si Jon. Pagkatapos noon akala ko tapos na siya sa mga sasabihin niya pero di ko inasahang malalaman ko mula mismo sa bibig niya na buhay si mommy. And worse he made her his slave." Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa narinig ko mula sa kaniya. Nahagulgol na siya habang patuloy na nagkwekwento." After hearing that from him. Sinabi ko sarili ko na gagawin ko ang lahat makalaya lang si mommy at si Jon kay daddy. I work hard earning his trust and train hard para pabagsakin siya. 2 years ago handa na sana ang lahat pero di ko akalaing may bibiktimahin na naman siya, at ikaw yun Maddy. Nadamay si Ash, alam kung magkasintahan sila ni Jon at natakot ako sa maaring gawin ni dad kay Ash. Ako at ang best friend kong si Lila ang tumulong kay Ash bago pa tuluyang masunog ang building na yun. Kaso" she pauses. Sumagap ito ng hangin na tila nauubusan saka nagpatuloy. Dahil sa sinabi niya parang alam ko na kong sino ang may pakana ng lahat. Nakakuyom ako ng kamao dahil unti-unting nilalamon ng galit ang puso ko" naiwan siya. Babalik pa sana ako kaso masyado ng malakas ang apoy. Dumating si Eros at tinulungan niya ako sa pagbuhat kay Ashley. Sinabi ko rin sa kaniya ang nangyari sa kapatid niya. Hindi siya nakapagsalita pero nakita ko ang sunod-sunod na luhang umaalpas sa mga mata niya." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Buhay si Ash?" nanginginig na tanong ko sa kaniya.

"Oo, Maddy. Buhay si Ash." Pag-aamin niya. Napaluha ako dahil sa sayang buhay pa rin ang kaibigan ko.

"At siya si Dark Angel"

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon