Chapter 4

122 19 6
                                    

Madison's POV

Plano kong paunti-unti ang paghingi ko ng kapatawaran. Alam kong kulang yun para mapatawad niya ako pero gagawin ko ito para kahit papaano makabawi ako.

"Sigurado ka na ba sa plano mo?" Tanong sa'kin ni Kate.

"Oo." Sagot ko.

"Ayaw niyang pinakikialaman siya" di pa rin kombinsidong sabi niya

"Hindi pa rin ako titigil" determinadong namang sabi ko sa kaniya.

"Pa'no kung malaman niyang ikaw si Black? Ikaw ang sinasisi niya, Madison. Nakita mo naman na kaya ka niyang patayin nang makita ka niya" puno ng pag-aalalang sambit niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya, sa nangyari kahapon hindi imposibleng patayin ako ni Jon kapag nalaman niyang ako si Black.

Napabuntong hininga ako.
"Bahala na,"

"Okay, we'll support you." nakangiting sabi niya sa'kin kaya di makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"A-Ano?"

"Don't worry andiyan si Light. I know he can help us" Childhood friend ni Kate si Light. Kate is the only person na nakakapasunod kay Light except sa leader nila. "And I don't want something bad happen to you. We're here to back you up" Sabi niya.

Napangiti ako sinabi niya. Akala ko hahayaan lang niya akong mamatay.

..

"Light!" Tawag ni Kate nang makita namin ito. Lumapit naman kami sa kinaroroonan nito.

"Ano yun, my ketty?" Nakangiting tanong ni Light.

"I want to talk to you privately" seryosong saad ni Kate.

"Sure, I will never say no to, my Ketty" napairap na lang si Kate sa sinabi ni Light. Naunang umalis si Kate at sinundan naman ni Light. Habang naiwan naman akong mag-isa.

...

Kanina pa ako sketch ng sketch pero di ako makapagfocus. Pinunit ko ito, sakto namang may basurahan sa malapit. Mga pitong lakad lang simula dito sa pwesto namin kaso tinatamad ako. Kaya naman napagdesisyonan kong ihagis ito sa ere sa direksyon ng basurahan.

Kaso kung minamalas ka nga naman hindi sa basurahan nag-landing kundi sa mukha.

Sa mukha ni Jon Dave na ngayon galit na galit na nakatingin sa'kin. Bakit ba kasi dumaan pa siya diyan?

"What's your problem? Huh?" sigaw niya. I keep myself calm kahit kinakabahan ako.

"Sorry, I wasn't really want to throw that to you that was supposed to went inside the trash bin" Paliwanag ko.

Nanlilisik ang matang tinignan niya ako bago naglakad paalis. Tinabig pa nito ang ilang estudyanteng nakakasalubong niya.

"Sorry about that hindi lang maganda umaga ng isang yun" napatingin sa nagsalita. It's Samboy- kaibigan at gangmate rin ni Jon.

"It's okay, kasalanan ko rin naman"

"I'm Sam by the way" pakilala nito Sabay lahad ng kamay nito sa'kin. Inabot ko ito at nakipagkamay.

"Madison," pakilala ko naman.

"I know, magkaklase tayo two years ago" nakangiting sabi nito. Nginitian ko naman siya pabalik.

"It's nice to see you again, Madison but I have to go" paalam nito. "See you later" tinanguan na lamang ito nang magsimula na itong lumakad.

"Maddy?" Napatingin naman ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Rhane. Nasa may damuhan siya nakahiga. Kanina ko pa alam na andiyan siya di ko lang pinansin. Malay ko ba kung anong ginagawa niya diyan.

"Bakit?"

"Handa ka na ba?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Handa saan?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Kausapin si Jon" natahimik naman ako sa sinabi niya.

Ewan ko parang mahirap siyang makausap. He's hurting and I felt guilty. Kahit wala akong kasalanan.

"I wish it could be easy, but I know it won't" nahihirapang sabi ko.

"You should fight for yourself, Maddy" napatingin kami sa bagong dating, si Janine. Bakas ngayon sa mukha niya ang kaseryusohan "He's not the only one hurting, Maddy. Pati ikaw, he wants to kill you even we all know that it's not your entire fault she's dead. Huwag mong akoin ang bagay na hindi mo ginawa. Huwag kang makonsensya dahil hindi ikaw ang pumatay sa kaniya" nagulat ako sa sinabi ni Janine. Ngayon ko lang kasi nakitang ganito kaseryoso 'to.

Bumaling ang tingin namin ni Janine kay Rhane ng biglang pumalakpak ito.
"Wow! Jan, ikaw ba yan? Nakakain ka ba ng tae ngayon?" Tanong ni Rhane na nagpakunot sa noo ni Janine.

"Taena mo ka, Rhane" at ayun na nga naghabulan ang dalawa na parang mga bata.

Napaisip ako sa sinabi niya. She's right, it was never my fault. Biktima rin lang ako. Pero kahit na. May parte pa din ako sa nangyari kay Ash. Kung hindi sa akin hindi siya mapupunta sa sitwasyong 'yon.

Jon's POV

Kanina pa ako nakakaramdam na may sumusunod sa'kin pero sa tuwing lilingon ako sa likod wala naman akong nakikita. Kaya ng papaliko na ang dadaanan ko ay nagtago ko at hinintay ang sumusunod sa'kin.

Nang may makita akong papalapit ay agad ko itong hinila saka sinandal sa pader at sinakal.

"Shit!" Rinig kong mura nito. Napakunot noo ako at pinakawalan siya ng makikilala ko kung sino siya.

"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko sa kaniya. Nakita kong hinagod niya ang parte ng leeg niyang nasakal ko. Parang nakarandam ako ng konsensya but no it's her fault.

"I just want to say sorry" sabi niya.

"I don't want your sorry" sabi ko at tinalikuran siya. Alam kong nakasunod pa rin siya at wala akong pakialam doon. Nagpunta ako sa rooftop.

"Di ka uusad sa buhay kung palagi kang nag-iisa" sabi niya.

"Hell I care" inis kong sabi. Bakit ba nakasunod 'tong babaeng ito sa'kin.

"Huwag mong sarilihin ang problema. Nakakapagod, nakakapanghina. Masakit mawalan pero mas masakit na pagkaisahan ka ng lahat kahit wala ka namang ginawang kasalanan" Sabi niya. Nagtataka ako sa sinabi niya. Napatawa ako ng mapait.

"Mas masakit mawalan ng bagay na naging buhay mo" makahulugan kong sabi. Pero hindi ko nagustuhan ang sinagot niya sa'kin.

"Huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo dahil lang mas pinaiiral mo ang galit at sakit. Maraming nagkakamali sa maling akala. Kaya siguraduhin mo munang tama ka baka pagsisihan mo sa huli" sabi niya na parang may gusto siyang tumbukin. Napansin kong kanina pa pala siya nakaalis. Masyado ko yatang inisip ang mga sinabi niya.

"Tss"

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon