Chapter 22

51 11 4
                                    

Jon's POV

It's been what? 1 f*cking week!!!? Hindi pa rin pumapasok sa school ang Queens. Nagpunta ako sa mansyon nila sarado rin at talagang walang tao.

F*ck!

Napabaling naman ako sa relong suot ko. Tumunog kasi iyon.

Tss, ngayon na pala magsisimula ang tournament.

Red Fire VS Knights
Location:Dark Forest

Yan ang nakalagay sa screen ng relo ko. Katabi ng pangalan ng gang sa picture namin lahat kami roon ay nakamaskara.

"Meet you up at *****"
Text ko sa kanila(gangmates)

Nagsuot na ako ng damit na kadalasang suot ko kapag na sa GW ako. Inilabas ko lahat ng mga armas na gagamitin ko mamaya.

Nang makarating ako sa lugar na sinabi ko sa kanila at sakto namang dumating rin sila. Isinuot ko na ang maskara ko pati na rin sila bago kami sumakay sa iisang sasakyan.

Madison's POV

1 week kaming na sa isang beach resort na pagmamay-ari ng magulang ni Rhane.

Kasama namin si Ash pero hindi pa rin pweding tanggalin ang maskara niya kapag na sa labas kami.

Masayang-masaya kaming naglalaro ng volleyball just like the old times.

Wala na akong nararamdamang sakit dahil andito na siya, ang kaibigan kong akala kong nawala na sa akin. Habang pinagmamasdan ko siya biglang pumasok sa isip ko si Jon.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.

Ngayong andito na si Ash sigurado akong kapag nalaman niya ito magiging masaya ito dahil nagbalik ang mahal niya. Nasasaktan ako dahil alam kong kahit kailan di niya ako mamahalin ng kagaya ng nararamdaman ko para sa kaniya.

I should be happy dahil magiging masaya na ang dalawang taong mahal ko. I should be contented of what I have right now.

Kaya simula ngayon iiwasan ko na si Jon, ayoko ko ng mas masaktan. Ayos na saking matanaw ko siya sa malayo habang nakikitang masaya.

Kailangan ko na SIYANG pagbayarin at patigilin sa lahat ng mga bagay na gusto niyang sirain at angkinin.

If I have to sacrifice myself for them to live in peace walang pag-aalinlangan na gagawin ko iyon. Para sa mga taong mahalaga sa akin.

Matapos ang isang linggo simula ng makauwi kami ay naging sunod-sunod ang laban namin. Malapit na kami sa final level ng tournament. Katulad namin wala pa ring talo ang Red Fire.

Wala ng nakakagulat doon.

"Maddy!" Tawag sa'kin at alam na alam ko kung kanino galing ang boses na yun.

Andito kami sa hallway ng school, kahit naman medyo nagiging abala kami nitong nakaraang araw nakakapasok pa rin naman kami. Si Ash bumalik na sa poder ni Eros dahil bumalik na ito galing sa I bang bansa.

Bumaling ako sa kaniya.

"Bakit?" Hindi na niya ako sinagot at hinila na lang ako. "T-teka saan mo ako dadalhin?" Walang sagot.

"Jon, bitaw ka muna uy" sinusubukan kong makawala sa pagkakahawak niya pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya. To the point na nasasaktan na ako.

Shit!

"Jon, may gagawin pa akong importante" palusot ko baka naman kasi bitawan niya ako.

Huminto siya at galit na humarap sa'kin.

"Pwede ba Maddy tigil-tigilan mo na ako sa mga dahilan mong walang katutuhanan!?!?" Galit na sigaw niya. Pansin kong pati mga nakakasalubong namin at mga nagtatambay sa gilid ay napahinto sa pagsigaw niya. "Iniiwasan mo ba ako ha?!?!" Oo, iniiwasan ko siya ilang araw na. Ang dami kong palusot di lang siya makasama.

That's my own way to move on.

"H-hindi" shit! ba't ba ako nauutal!

"Shete naman, Maddy!? Bakit ka nagsisinungaling sa'kin! Akala mo nakakatuwa itong ginagawa mo?!?" Sigaw ulit niya. " F*uck!? Nakakapraning 'to alam mo ba iyon?! I hate this feeling!? Darn it!? Alam mo bang araw-araw kitang gustong makasama at nasasaktan ako sa pag-iwas mo sa'kin!? Masakit! Masakit dahil gusto na kita! Gustong-gusto na kita, Maddy!" Napatanga ako sa huling sinabi niya. Alam kong nagbubulung-bulungan na ang mga na sa paligid dahil sa narinig pero wala akong marinig. Nakatulala lang ako sa kaniya.

Gusto niya ako? Parang tangang paulit-ulit kong tanong sa isip ko.

"I-"

"Shit!" Di na ako nakasagot ng I love you sa kaniya ng hinila niya ako ng biglang may sumabog.

Nagtatakbuhan ang mga tao dahil sa takot. Hawak pa rin ni Jon ang kamay ko at hila-hila ako.

F*ck! Sino na naman may gawa nito?

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon