Chapter 2

188 22 11
                                    


Madison's POV

Unang araw ng pasukan kaya lahat kami gumising ng maaga. Suot ko ang dating uniporme namin sa SJ academy. Di na ako nagpagawa ng bago ayos pa naman kasi. Naglagay rin ang ng pulbo at kunting liptint sa labi. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko na nakalagay sa ibabaw ng higaan ko at sinuot 'yon bago lumabas ng kwarto ko. Habang pababa ay nakasabay ko si Kate.

"Let's go" Sabi niya kina Janine at Rhane na nanonood ng cartoons sa T.V.

Ginamit namin ang sasakyan ni Kate at dahil siya naman ang may-ari siya na rin ang nag-drive.

Pagkapasok pa lang ng kotseng sinasakyan namin ay may iilang napapatigil. Nagtataka siguro sila dahil bago pa lang nila nakita ang sasakyan ni Kate dito sa school.

Pagkaparada ni Kate ng sasakyan ay sabay-sabay na kaming lumabas. Halos lumuwa naman ang mga mata ng mga estudyanteng nakakita sa amin.

Mukhang makalipas ng dalawang taon ay kilala pa rin nila kami.

"OMG! Nagbalik ang Queens!"
"Shit! Mas gumanda sila lalo!"
"I really can't believe it"
"The real Queens are back"

Ang daming nagbubulungan sa paligid. I guess hindi nila inaasahang babalik pa kami sa school na ito. Palipat-lipat kasi kami ng school pagkatapos mag-dalawang taon.

"Guys, you'll go ahead. May bibilhin lang ako sa canteen" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila.

...

"One cup of coffee, please" Sabi ko sa nagbabantay. Nang makuha ko na ang binili ko ay tumalikod na ako.

Maglalakad na sana ako ng biglang may makabangga ako at natapon sa kaniya ang kape na binili ko.

Napamura ito habang nakatingin sa nabasang damit.

"Shit! I'm sorry" Akamang pupunasan ko ng tissue ang parte na natapunan ko nang galit na tinabig niyang ang kamay ko.

"Don't you dare touch me" matigas na sabi nito. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya para sana humingi ng tawad subalit para akong naestatwa ng makilala ko kung sino siya.

Ang taong nagpapaalala sa naging kasalanan ko..

'Jon Dave'

"I'm sorry!" Nasabi ko nalang sabay takbo. ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko pagkakita ko sa kaniya at kahit hindi ako tumingin saa salamin ay alam kong namumutla ako.  Sino bang hindi. After 2 years nagkita ulit kami. Fear is eating my whole system.

"Mabuti naman andito ka na" nasabi agad ni Janine nang makita akong pumasok sa classroom.

"Maddy, bakit namumutla ka?" Takang tanong ni Rhane. Napabuga ako ng hangin at di alam ang gagawing nakatingin sa kanila.

"Nagkita na sila" si Kate na ang nagsabi. Mabibigat ang hakbang nagpunta ako sa aking upuan at umupo doon.

Nag-aalalang nakatingin sa akin si Janine at si Rhane. Habang nagbabasa pa rin ng libro si leader.

Napatingin kami sa pintuan ng magsitilian ang ibang girls na kaklase namin.

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan nang muli ko naman siyang nakita. I instantly avoid my gaze from them. I can't believe we're on the same class.

Kahit di ako nakatingin sa kanila nakikita ko pa rin sila. Walang emosyon siyang naglakad papunta sa upuan niya habang nakasunod sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan. Nang hindi ko na siya makita saka palang ako humarap sa may board at pasimpleng inayos ang nagusot kong damit.

Hindi rin nagtagal dumating na rin ang magtuturo sa'min. Kahit pa nakikinig ako sa guro nararamdaman ko ang titig ni Jon sa likod ko.

'Damn! Kung sana lang nailigtas kita, Ash, sana hindi ko ngayon 'to nararamdaman'

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon