Chapter 27

53 10 4
                                    


Madison's POV

Nakatitig lang ako sa kaniya, di alam kung anong sasabihin. Gulat pa rin ako. Siya nakatitig lang rin sa'kin.

"I'm not asking you to love me back kaya ko sinabi yun" nagbuntong hininga muna siya bago magsalita ulit. "Hindi ko na kasi mapigilang itago pa yung nararamdaman ko. Alam ko parang ang bilis, pero sa nakalipas na dalawang buwan nagawa mo ulit patibukin ang puso ko. Mahal na kita, Maddy" kay daming emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal doon.

Di ako makapagsalita nakatitig lang ako sa mga mata niya. Maraming pumapasok sa isip ko na mga scenario.

Inaalala ko si Ash.

Ang pagmamahal ni Jon kay Ash.

At ang galit niya sa'kin bilang si Silent Death.

"Mahal din kita" mahina kong sabi. Nakita ko ang pagliwanag ng kaniyang mata at pagkislap ng mga iyon.

"But we can't-" malungkot na sabi ko. Napuno naman ng pagtataka ang mga mata niya. "We can't be together"

"Why?" Naguguluhan niyang tanong. Umiling-iling ako.

"Mali, may mali" nakayukong sabi ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Ano ang mali? Kasi sa paningin ko wala namang mali e" hinawakan niya ako sa baba at iniangat niya ang mukha ko hanggang magkapantay na ang mga mukha namin.

"May mga bagay na tungkol sa'kin na di mo matatanggap"

"Kung ano man yan alam kung sapat ang pagmamahal ko para tanggapin kita"

"Di mo naiintindihan" umiwas uli akong makipag-titigan sa kaniya.

"Then make me, make me understand" naghahamong sabi niya. Kumalas ako sa pagkakahawak niya.

"Gabi na, I think we should go home" sabi ko na lang sa kaniya. Nang di siya nagsalita at nakatitig lang sa'kin ay nauna na ako sa kaniya sa kotse.

Ilang minuto bago siya pumasok sa kotse mukhang kinausap niya sina manang.

Walang imik na pinaandar niya ang sasakyan.

Buong byahe nakaharap lang ako sa bintana.

Ilang sandali pa ay tumigil ang kotse. Na sa harap na pala kami ng mansyon. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay naunahan na niya ako. Pagkababa ko at humarap ako sa kaniya.

"Jon-" bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko pinutol na iyon niya.

"Wala akong pakialam kung ano man ang mali na maging tayo, I'll still pursue you. Hindi ako titigil hangga't di nagiging tayo" sabi niya saka lumapit sa'kin at hinalikan ako sa noo saka bumulong "good night, I love you"

Nakatanaw lang ako sa papalayong sasakyan ni Jon.

Hindi ako pumasok sa may pinto ng mansyon kundi umakyat ako hanggang makarating ako teresa ng kwarto ko.

Alam ko kasing hindi ako titigilan ng mga kasama ko sa bahay ng tanong.

I lay in my bed feeling tired kahit wala naman akong ginawang nakakapagod.

I guess dahil sa pag-ibig na di naman pwede.

Jon's POV

Hindi ako titigil, minsan lang ako makaramdam ng ganito at gagawin ko lahat maging kami lang.

What Jon wants, he gets.

Madison's POV

Kinabukasan mabuti naman hindi ako kinulit ng mga kaibigan ko. Ayaw ko lang kasi mag-kwento.

"Ms. Madison!" Sigaw ng isang lalaking estudyante na patakbong lumapit sa'kin."pinabibigay po sayo" tukoy sa bulaklak na hawak niya.

"Sigurado ka sa'kin 'to?" Paninigurado ko.

"Opo, sayo po talaga yan" tumango-tango pang sabi niya. "Sige po, sibat na ako" saka patakbong umalis.

"Teka! Sandali!" Ano ba yan, ang bilis namang tumakbo noon.

"Uyy, kanino galing?" Usyoso ni Rhane.

"Di ko na natanong, tumakbo e" sagot ko naman.

"Uyy, may card basahin mo dali" excited niyang turan. Binasa ko ang nakalagay sa card habang ang tatlo na sa likod ko nakikibasa rin.

Fresh flower for a fresh new day, wish you a very beautiful day, babe.
-J

Kinikilig na tumili naman si Rhane at inalog-alog ako.

"OMEE!! May nagkamali rin sa wakas!" Sabi pa niya kaya nabatukan ko siya.

"O.A ha! Anong tingin mo sa'kin di kagusto-gusto?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"Ahm, parang ganun na nga" sabi niya saka tumawa siya. Akmang hahambalusin ko siya ng bag ko ng nagmamadaling umalis na ito.

Naiiling-iling na lamang ang dalawa ko pang kasama.

Na sa classroom na kami, itong si Rhane sige ang kwento ng kung ano-ano. Di naman kasi ako nakikinig.

Tahimik lang akong nakaupo ng biglang may bulto ng isang lalaki ang nakatayo sa harap ko at may bulaklak na hawak na parang inaabot sa'kin. Pag-angat ko ng tingin sa mukha niya.

Mukha ni Jon ang sumalubong sa'kin. He's smiling.

"For you" sabi niya sabay kindat sa'kin. I sigh before accepting the flower. Naglakad na ito papunta sa upuan niya, which is yung na sa likod ko. "And good morning by the way" bulong niya sa bandang kanang tenga ko. Natuod naman ako at yung puso ko ang lakas na naman ng kabog.

"Jon, anong ginagawa mo? Please stop it" sabi ko.

"I won't stop not until you become mine. And what I'm doing right now is called pursuing you, babe" bulong ulit nito." By the way, I won't easily give up" dagdag pa niya.

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon