A Night on a Convenience Store

Magsimula sa umpisa
                                    

"I don't talk to strangers." Pagsusungit ko. At sa wakas hindi na ako nag-hi-hiccup.

Tumawa na naman siya. Pisti! Ang gwapo kase nung tawa! Pati yung mukha nung tumawa! Lalaking lalaki shet!

"Di na ako stranger sayo. Nasabi ko na pangalan ko sayo dati-- este kanina lang pala." Sabay ngiti. Eh? Shit! Sumasakit nanaman ulo ko! Hindi na ako lasing at alam ko yun!

"Ayos ka lang ba?"

Bigla na lang parang may lumitaw sa isip ko.

"Mahal na mahal kita Krisella. Alam mo yon at hindi mababago yon."

"Aaahhhh!!!" Sigaw ko dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit ng ulo ko.

"Jhomar. Ako si Jhomar. Naaalala mo? Pilitin mo. Please. Love." Pilit kong inintindi ang sinabi ni Kuyang Gwapo kahit na masakit talaga ang ulo ko. Halos wala na akong marinig.

Hindi ko rin alam kung pano patitigilin ang sakit ng ulo ko! "Aaaaahh! Ang sakit ng ulo ko! Ayoko na!!!" Patuloy kong sigaw.

Tsaka lang ako natigil nang may maramdamang malambot na bagay sa labi ko. Hinalikan ako. Hinalikan? Putangina! Hinalikan!!!

Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Jhomar na mas kilala bilang Kuyang Gwapo na nakapikit at hinahalikan ako. Marahan lang ang mga halik niya. Parang mga balahibo lang na dumidikit sa labi.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya tinutulak. Hanggang sa parang nahilo nanaman ako at may maalala.

"Alam mo love, ang gaganda talaga ng stars noh?" Tanong ng babae sa lalaki.

Nakatalikod sila sakin at nasa rooftop sila.

"Oo nga. Sobra." Eto namang lalaking to ay nakatitig lang sa babae at hindi iyon alam ng babae.

Tumingin naman ang babae sa lalaki at nakipagtitigan din.

"Love. I love you." I realized that the boy was Jhomar.

And the girl...

"I love you too love."

It was me. That's me.

Maglalapit na ang mga mukha nila at magkikiss na sana nang mag-iba ang takbo ng isip ko at parang napunta sa ibang alaala.

"Will you marry me love?" Jhomar asked me or not? Basta yung nasa alaala.

"Yes I do." Myself started to cry because of happiness.

Ako rin. Malapit nakong maiyak. Parang naipoproseso ko na sa utak ko ang nangyayari. Lahat ng ito ay mga ala ala ko, namin to be exact. Namin ni Jhomar.

Niyakap ni Jhomar yung self ko. "I love you so much. God only knows how much I love you."

Pagkatapos niyang sabihin yon. Nalipat nanaman ako sa ibang alaala. Nasa bar naman kami--ako lang pala. Nasa entrance palang ako ng bar. Tapos pumasok na si self, pagpasok niya. Oh shit! Si Jhomar! May kahalikan!

Binalikan ko ng tingin yung sarili ko at nagsisimula na siyang umiyak. Naaawa ako sa kanya--I mean sa sarili ko. Isipin mo ikakasal na kami ni Jhomar tapos may kahalikan siyang iba? Tangena masakit yun sobra.

Habang pinapanood ko kung paano ako umiyak ay parang nakaramdan din ako ng kirot sa puso.

Nagsimula nang tumakbo si self palabas ng bar. Sumakay ng kotse ko--kotse naming dalawa pala. Buset! Eto na ba yung time na na-aksidente ako?

Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si self habang umiiyak.

"Sabi ko na nga ba. Kaya pala hindi siya nagpa-alam sakin na magpupunta siya dito. Kase... kase..."

Lalo pang humagulgol ang sarili ko. Pisti! Nangingilid na rin ang luha ko.
Dahil sa pagmamaneho ng sobrang bilis, hindi niya--ko hindi ko napansin na may trak palang papaliko. Bago pa kami tumama sa trak ay bumalik na ako sa kasalukuyan.

Nakatulala lang ako habang nakaharap sakin si Jhomar. Ngayon, ngayon naaalala ko na.

Isang malutong na sampal ang binigay ko kay Jhomar. Halos mapasandal siya sa sandalan sa lakas no'n.

"Love? B-bakit?" Nag-aalala niyang tanong

"Don't you ever call me love! Naaalala ko na ang lahat!" Nangingilid na ang luha kong traydor.

"Love no, please let me explain. Please." Pagmamakaawa niya.

"For what?! Naalala ko! Yung araw na hindi ka nagpaalam sakin! Yung araw na nagpunta kayo sa bar! Yung araw na may kahalikan ka. Nandon ako. Nakita ko. Lahat." At tsaka na bumagsak ang mga luha ko. Oo hindi ko pa siya kilala dito ng lubusan. Pero ramdam kong kinamumuhian ko siya.

"That night...it was her birthday, Andrea's birthday. Hindi na ako nagpaalam sayo dahil baka hindi mo rin ako payagan dahil nga bar yun. You hate night outs. Nag truth or dare kaming lahat. Tapos nalaman kong may gusto pala sa akin si Andrea. Inasar nila kami. Pinaliwanag ko sa kanilang ikaw lang ang mahal ko. Wala nang iba. Engaged na ko sayo. Mahal na mahal na mahal kita. Pero ayaw nilang maniwala. Nagdare sila kay Andrea at sakin. Kailangan daw halikan ako ni Andrea..." patuloy akong nakinig sa dahilan niya. Nag-angat ako ng tingin at nabigla ako nang makitang umiiyak na siya. "Aalis na sana ako no'n. Tatayo na ako para umalis pero hinatak ako ni Andrea at saktong pagtingin ko sa kanya ay hinalikan niya ko. Sa sobrang pagkabigla ko, hindi ako nakagalaw." Pagpapatuloy niya.

"Mahal na mahal kita, Krisella. Love. Hindi ko yon gagawin. Hindi ko sinadya. Wala akong kasalanan. Pakiusap. Maniwala ka."

Parehas kaming umiiyak dito sa kotse. Para kaming tanga. Lumiliwanag na din. Hindi ko alam pero hindi ko napansin na ilang oras na pala kami dito.

"Nang mabalitaan kong naaksidente ka, nadurog ako. Nagpasalamat ako sa panginoon dahil hindi ka pa niya kinuha samin. Pero no'ng binisita kita sa ospital. Halos gumuho ang mundo ko--no gumuho na pala talaga nang marinig kong tinanong mo ko kung sino ako. Sabi ng doctor, may parte daw sa mga alaala mo ay nawala. At hindi ako makapaniwala na sa lahat ng alaala mo ay satin pa ang nawala. Masakit. Sobra."

Sa hindi malaman na dahilan ay bigla ko siyang niyakap. Pakiramdam ko nagsasabi siya ng totoo. Malakas ang pakiramdam ko.

"I love you hindi ka nawala sa puso ko kahit na nakalimutan mo na ako. Mahal kita. Ikaw lang." He said.

"Mahal din kita."






Novelettes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon