Fritz-325

1.3K 31 75
                                    

Pagbaba namin ng tricycle ay agad na itinakbo nila Grandy at Kirby si Shaznay palapit sa pintuan ng bahay. Samantalang kami ni Zac ay nagpaiwan saglit sa upang makapag-isip ng plano.

"Pare, paano nga kung tama ka ng hinala? Paano kung andyan nga sa loob si pareng Xavier? Sobrang laking gulo nito. Andyan pa naman sina Grandy at Kirby. Knowing their history, kayang-kaya nilang itumba si pareng Xavier or worst baka pati tayo idamay," halatang kinakabahang paalala sa akin ni pareng Zac.

He is right. Napakalaking gulo talaga nito kapag nagkataon. Sigurado ako na magwawala si Grandy at Kirby kapag nalaman nilang ginago ni Xavier si Zoey. And we are well aware na dating assassin si Grandy at galing sa lahi ng mga yakuza si Kirby.

Ang gago naman kasi ni pareng Xavier e. Masasapak ko talaga iyon kapag nakita ko siya.

"Ganito pare, samahan mo sila. Do everything para wag mabaling sa iba ang atensyon nila. I'll look for Xavier," utos ko sa kanya habang hinahatak ko siya papasok sa loob bago kami mahalata nila Grandy.

"Doktora!  Doktora! Pabukas po!" malakas na sigaw noong tricycle driver na kasama namin.

Makalipas ang ilang sandali ay may nagbukas na nang pintuan at hindi ko napabilang mapamura ng mahina noong makita ko si Ynggrid.

Tangina, confirm! Gago ka talaga pareng, Xavier!

"A--anong ginagawa ninyo dito?" nauutal na tanong ni Ynggrid pero halatang iwas na iwas ang tingin niya sa amin ni Zac.

"My wife is in danger. Can you check her?" natataranta pa ring sabi ni Grandy na parang hindi niya napansin kung sino ang babaeng nasa harapan namin.

I'm so sure Grandy knew Ynggrid.

Ilang beses na kaming nagkasama-sama sa mga gatherings noon kaya imposibleng hindi maalala ni Grandy si Ynggrid. Anyway, this is not the right time to catch up with each other.

Kailangang, matignan agad si Shanzsnay habang kailangan ko namang hanapin ang gago kong kaibigan.

Fuck you Xavier, napakalaking gulo nitong ginagawa mo!

"Doon tayo sa clinic ko sa may basement," anyaya ni Ynggrid habang nagpapatiuna sya sa daan patungong basement.

Sinenyasan ako ni Zac na siya na ang bahala kina Grandy kaya naman palihim akong lumayo sa kanila para hanapin si Xavier.

In fairness, the house was quiet good.

Noon pa man alam ko nang magaling na engineer si pareng Xavier.

Makapagpagawa nga ng ganitong bahay bakasyunan kapag naikasal na kami ni baby Elle ko.

Napansin kong may mga kwarto sa taas kaya agad ko iyong inakyat.

Nasa may pinto pa lang ako noong isang kwarto, naririnig ko na ang boses ni pareng Xavier na para bang may kinakausap siya.

Para makasiguro, dahan-dahan kong pinihit ang doork knob, and there I saw my asshole friend, talking with Xayvion.

I stood for awhile and silently watch them.

They looks like a perfect portrait of father and son.

Mukhang pinatutulog nya na ata si Xayvion kasi kinumutan nya ito at pinatay na ang ilaw sa lampshade.

Gumilid muna ako saglit sa may pintuan upang bigyan siya ng daan.

Saktong pagkasara niya nang pintuan ay agad ko syang sinalubong ng malakas na suntok sa mukha.

"What the fu---" hindi na niya naituloy ang sasabihin nya noong makita ako at mababakasan ang matinding gulat sa buong mukha nya.

"Long time no see pare," sarkastikong bati ko bago ko siya hinawakan sa kwelyo at pilit na kinaladkad palabas ng bahay.

(A/n: I miss you so much guuuuuuuyyyyyysssss!!!  Waaaaaaahhhhhhhh!!!! After 9999999 years nakapag-ud rin sa wakas.  😂😂😂 Sorry na kung ang tagal kong nawala. Super busy lang talaga these days. Pero never ko kayong iiwan, always remember that. Magpapagod ako. Magpapahinga. Pero hindi bibitaw. 😘😘😘 See you all on my next UD. Ciao!)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now