Zoey-301

1K 29 21
                                    

"Nabanggit mo na rin namang may asawa ka na, hindi mo siguro mamasamain kung tanungin ko kung may anak ka na?" patuloy na pagtatanong ni nanay Isa.

Sandali akong natigilan sa tanong niya at nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago ko siya hinarap.

"Meron po. Anim na taon na po siguro siya ngayon kung hindi lang siya nawala ng maaga," malungkot kong sagot habang pinipigilan kong maiyak.

"Nawala ng maaga? Kung ganoon--"

"Naagasan po ako, almost seven years ago. Bata pa po kasi ako nabuntis, kaya siguro hindi naging mahigpit ang pagkapit ng baby ko," nangingilid ang mga luhang paliwanag ko.

Hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin kapag naaalala ko ang pagkawala ni Angel. Hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko kung bakit siya namatay.

Kung naging matatag lang siguro ako noon, baka nabuhay siya lumaki ng malusog.

Kaso hindi...

"Alam mo, ang buhay hiram lang natin iyan. Paunahan lang kung sino ang unang mawawala. Siguro, mas magiging komportable ang anak mo sa piling nang nasa Itaas kaya nauna na siya roon. 'Wag mong sisihin ang sarili mo, naniniwala ako na ikaw iyong klase ng tao na gustong maging karapat dapat na magulang sa anak niya," may himig na sinseridad na payo ni nanay habang tinatapik niya ako.

"Saka bata ka pa hija, maaari pa naman kayong bumuo ulit ng bata. Kasal ka naman kaya hindi kita tututulan doon," dagdag pa niya bago tumawa ng bahagya.

"Ako ate, pwede mo akong ituring na anak kung gusto mo," prisinta ni Xayvion habang nakatitig sa akin pero agad ring tumungo noong tignan ko siya.

Hahahahah...  Ang cute-cute niya talaga!

"Waaaaaahhhh! Gustong-gusto kong maging anak-anakan kita!" natutuwang sabi ko habang niyayakap ko siya ng mahigpit.

"Gusto ko po sanang maging asawa mo paglaki ko kaso may asawa ka na po pala, so never mind na lang."

Hindi ko napiglang mapahagalpak ng tawa dahil sa "never mind," niya. Ang cute sobra!

"Huwag kang mag-alala baby boy, paglaki mo tutulungan kitang maghanap ng mapapangasawa mo na kasing ganda ko."

"Promise po?" halatang inosenteng tanong niya.

"Oo, promise!" pangako ko habang nakataas ang kanang kamay.

"Tapos kasing bait ninyo rin po?" inosente pa ring tanong niya.

"Oo, hahanap ako ng babaeng kasing ganda at kasing bait ko para sa'yo."

"Yey! Sige simula po ngayon, mama na rin ang itatawag ko sa'yo. Okay lang po ba iyon, mama Zoey?" nagniningning ang mga matang tanong niya.

Biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko at sa hindi ko malamang dahilan, napiyak ako ng wala sa oras.

"Hala bakit ka po umiiyak? Ayaw mo po bang tawagin kitang mama?"

Sunod-sunod akong umiling sa kanya.

Ang sarap pala pakinggan kapag tinatawag kang mama. Ganito pala kasaya ang pakiramdam ng maging isang tunay na ina.

"Salamat baby boy," umiyak na pasasalamat ko sa kanya habang niyayakap ko siya ng mahigpit.

"Pwede bang mama Abby, na lang ang itawag mo sa akin?" tanong ko habang kumakalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Bakit po Abby? May Abby po ba sa pangalan mo?"

"Meron," tumatangong sagot ko.  "Saka iyong asawa ko kasi, sanay siyang tinatawag akong Abby kaya ang gusto ko sana, Abby din ang itatawag sa akin ng anak namin."

"Ganoon po ba? Sige po, mama Abby!" masiglang sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"I love you mama. 'Wag ka na pong umiyak, okay?" tapos bigla na lang niyang hinalikan ang pisnge ko.

(A/n: Ihanda ninyo na ang mga puso ninyo sa mga susunod na ud dahil siguradong mababaliw kayo. Mwuahahahahah! Enjoy reading!  Ciao!)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now