Fritz-317

1.2K 36 37
                                    

"Babe, masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?" nag-aalalang tanong ng ni Elle habang natataranta siya kung paano ako aasikasuhin.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa lobby nitong hotel kasi maaliwalas dito.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ang cute-cute talaga ng babe ko. Kung pakasalan ko na kaya siya ngayon? Hahahahah!

Dahil nanggigil ako sa cuteness niya, bigla ko siyang hinatak paupo sa lap ko at niyakap ng sobrang higpit.

"Uy, ano ba? Baka lalo kang mahirapang huminga. Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" patuloy pa rin ang pag-aalala niya sa akin.

Lord, ano bang mabuting bagay ang nagawa ko sa past life ko para i-bless ninyo ako ng sobra at ibigay ang babaeng ito sa buhay ko?

Kung alam ko lang na magiging ganito pala ako kasaya sa piling ni Elle, e di sana hindi ko na pinatagal ang in denial game namin noon. Sana pala noong una pa lang niligawan ko na agad siya at pinakasalan.

Kung nagkataon siguro, mas marami na ang anak namin kaysa kina Shazsnay at Grandy.

"Fritz, naman! Sobra na talaga akong nag-aalala sa'yo. Bigla-bigla ka na lang ngumingiti ng malaki diyan. Nagha-hallucinate ka na ba?"

"Feel ko babe, nababaliw na ako."

"What?! Malala ka na nga! Magpapatawag na ako ng doctor," pagkatapos ay binuksan niya ang cellphone niya at mukhang tototohanin nga ang pagtawag sa doctor.

Awww...  Love na love talaga ako ng babe ko.

Napansin kong nag-ring na iyong number na tinawagan niya kaya bago pa man iyon masagot, inagaw ko na ang cellphone niya inihagis sa kabilang sofa.

"Uy, bakit mo naman tinapon iyong cellphone ko?" reklamo niya habang kumakalas sa pagkakayakap ko pero mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya at ipinatong ko pa ang baba ko sa kanyang balikat.

"I love you, babe. Promise, hinding-hindi kita iiwan at mas lalong hinding-hindi kita lolokohin," sincere kong pangako bago ko siya ninakawan ng halik sa pisnge.

Alam kong medyo nawi-weirdo-han siya ngayon sa akin kaya binigyan ko na lang siya ng matamis na ngiti.

"Okay na ako, babe. 'Wag ka ng mag-alala nakapag-recharge na ako. Samahan mo na muna si Zoey. I'm sure gustong-gusto na noong mag-swimming," pagtataboy ko sa kanya sakto namang napadaan si Zoey sa may labas nitong lobby.

"You, sure?"

"Yes, I'm sure. Enjoy!" paninigurado ko sa kanya habang inihahatid ko siya ng tanaw.

Nakita ko ang mga ngiti sa labi nilang mag-bestfriend habang tumitili ng magkayakap.

How I wish that smile with Zoey's lips will never fade. She's so nice and sweet. She've been through a lot. She doesn't deserve another heartache, most especially by the man she loves.

"Pare, kung si Elle kaya mong lokohin at paniwalain na okay ka lang talaga, pwes ako hindi. I know something was bothering you since you came back. What hapenned ba? Siguro nakita mo na si pareng Xavier kaya ka ganyan 'no?" pabirong tanong ni Zac habang inaabot sa akin ang cellphone ni Elle.

Seryoso kong tinitigan ng diretso sa mga mata si Zac.

Batay sa reaksyon niya, sigurado akong nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig.

(A/n: It actually took me too long to decide if ipa-publish ko ba ang Xavier-316. Feel ko kasi talaga mas dadami ang threats ko ngayon.  😂😂😂 Siya sige, sa comment box ninyo na lang ibuntong lahat ng rants nyo. Hahhahaha. Ang nga puso, pakihanda! Until next update!)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now