Shazsnay-296

949 26 3
                                    

"Oh my gooooossssssshhhhh! Sobrang ganda dito bhestie!" tumatalon sa tuwang sigaw ko habang niyayakap ko ang bestfriend kong si Kirby.

Kirby was the one who planed everything. Siya lang naman kasi ang may access sa amin na makarating dito sa Heaven Island. Promise, literal na heaven ang pakiramdam sa lugar na ito.

"I told you, mag-e-enjoy tayong lahat dito," malaki ang ngiting sabi niya habang ginagantihan ako ng yakap.

"Wow Kirby! Ibang klase talaga ang pagiging anak mayaman mo. Kung nasa panahon lang siguro tayo ng mga hari at reyna, malamang na ikaw iyong prinsepe ng bansa namin," sabi naman ni kuya Fritz na ngayon ay naka-holding hands kay ate Elle.

"Bhestie, magkano binayad mo dito?" bulong na tanong ko sa tenga niya kasi nacu-curious ako.

Balita ko hindi bababa sa isang bilyon ang membership dito. Inarkila lang naman niya ang buong isla para sa amin kaya siguradong humigit kumulang ng isang bilyon itong magagastos niya sa bakasyon namin.

"It's free," ganting bulong niya sa tenga ko.

"Seriously?!" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa aking bibig.

Agad naman niya akong hinatak para bulungan ulit.

"Oo pero secret lang natin. 'Wag kang maingay."

"Pero paano muna nangyari iyon?" hindi pa rin umaawat na tanong ko.

"Business partner and good friend ng family ko ang may-ari nitong island. Actually, he's also my ninong."

"Eh?!" I said out of amusement.

Iba talaga ang level nitong bestfriend ko. I agree with kuya Fritz, Kirby was a living prince.

"Alam kong mag-bestfriend kayo pero konting distansya, asawa ko iyan," iritadong sabi ni Grandlolo ko habang hinahatak niya ako palayo kay bhestie.

"Ikaw naman Grandlolo, obvious ka masyado na nagseselos. Aruy, in love na in love ka talaga sa akin 'no?" pang-aasar ko sa arogante pero saksakan ng pagka-possessive kong asawa.

"Stop it. Ayaw kong nakikita kang lumalandi sa ibang lalake. Ako lang pwede mong landiin," pagkatapos ay kinaladkad niya ako sa parteng malayo kay Kirby.

I told you guys, my husband is so possessive. But it's okay. Maganda kasi ako. At kapag magaganda, dapat talagang iniingatan. Chos!

"Ang aga-aga ang lalandi ninyo!" mataray na namang reklamo ni Ara habang iniirapan kami.

Handa na akong sumugod at barahin siya kaso pinigilan ni Grandlolo ang braso ko.

"Hayaan mo na lang siya. Mukhang may pinagdadaanan," pabulong na sabi ni Grandlolo habang sinesenyasan ako na bumalik na lang sa tabi niya.

Haist. Kahit kailan talaga ang init-init ng dugo ko sa babaeng ito. Mukhang hindi na ata talaga kami magkakasundo ni Ara. Lagi na lang kaming kontra tyempo.

Saksakan kasi ng arte, kainis!

"Alam mo Ara, nakakapanget iyang pagsimangot, ikaw rin," kantyaw ni ate Pau sa kanya.

Itong si ate Pau, bet ko ito. Hahahah...

"Isa ka pa! Pinaiwan mo lang ata talaga si ate Zoey sa Manila para landiin ang body guard niya," patuloy na pagtataray ni Ara.

Napailing na lang kaming lahat sa kanya kasi daig pa niya ang babaeng nagme-menopose. Hahahah...

"And so what kung landiin ko si Nicolo? I'm single, he's single. Not like you. You're single, Zac is not!" biglang bwelta ni ate Pau na siyang nagpagulat sa aming lahat.

Burn! Hahahah!

Akmang susugurin na ni Ara si ate Pau ng biglang pumagitna si Nicolo sa kanila. Si Kirby naman mabilis na hinatak si Ara palayo.

Yeah, cat fight na this! Hahahah...

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now