Zoey-324

980 18 2
                                    

Naiwan kaming nakatanaw sa daang tinahak nang tricycle na sinakyan nila at ang tanging hiling ay maging ligtas si Shazsnay.

"Guys, what do you think hapenned with Shazsnay? Okay pa naman siya kanina, 'di ba?  Meron kaya siyang sakit, like ovary cancer na naging dahilan ng pagdudugo niya?" panghuhula ni Ara  pero agad rin siyang nakatikim ng masamang tingin mula sa aming lahat.

"What? I'm just guessing!" matary na naman niyang palusot.

"Hindi mo ba alam na masamang nagbibiro nang ganyan? Baka mamaya, magkatotoo," sermon ni Elle sa kanya.

"Whatever!" pagkatapos ay inirapan niya kami.

"A--ate Zoey, artista rin ba siya?" nauutal na tanong ni Anna habang nakaturo kay Ara.

Oh, geez! I almost forgot, Anna!

"Para kasing kamukha niya iyong leading lady ni oppa Kirby sa bago niyang palabas," dagdag pa niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Ara.

Wala naman kaming nababalitaan na may bagong palabas si Kirby at si Ara ang leading lady niya. Magkakaibigan kami, things like that would be announce right away.

At dahil likas na mataray si Ara, sinamaan niya ng tingin si Anna dahilan para magtago ang huli sa likuran ko.

"And who is that noisy lady?" nakataas ang kilay na tanong ni Ara.

"Anak siya noong mga kumupkop sa akin kagabi," I explain.

"Nakapirma na kami ng kontrata but we're not yet starting the shoot. Confidential pa ang identity ko. How come na nalaman mo na ako ang bagong leading lady niya?" naka-cross arms na tanong ni Ara.

"Nabasa ko lang po sa blind item tapos nabanggit na iyon daw iyong kasama ni oppa Kirby sa commercial niyang Coca-Cola," paliwanag ni Anna na ang tinutukoy ang ang pinakasikat na commercial ngayon nang coke.

In fairness ha, aminado ako na may spark sina Kirby at Ara sa commercial na iyon kaya nga biglang nag-trending. Sigurodong isa iyon sa dahilan kung bakit sila naisipang gawing love team.

"So, totoo nga? Magiging artista ka na talaga?!" hindi makapaniwalang tanong ni Pauline.

"O, bakit parang diskumpyado ka?"

Okay,  magsisimula na naman ata silang dalawa ng gera.

"Medyo lang naman. Maganda ka, no doubt of that. Pero hindi pwedeng maganda lang kapag artista. Dapat may talent talaga. Saka kilala natin si Kirby, he's a good artists. Nakakalungkot naman kung bumaba ang ratings ng palabas niya dahil sa kanyang leading lady."

Akmang susugurin na ni Ara si Pau pero mabuti na lang at agad na nailayo ni Nicolo si Pau.

"Stop it, okay? Sinabihan na kita 'di ba,  hindi  bagay sa'yong nagtataray," sermon ni Nicolo kay Pau.

"Awww... Concerned ka talaga sa akin baby Nicolo? I'm so in love with you na talaga!" pagkatapos ay bigla na lang hinalikan ni Pau ang pisnge ni Nicolo.

Dahil sa ginawa ni Pau, pinamulhan ng pisnge si Nicolo.

"Oh, fuck these people. Uuwi na talaga ako sa Manila," pabulong na reklamo ni Ara pero sapat na para marining namin.

Napalingon ako kay Anna at nakita kong nakatulala lang siya sa mga kaibigan ko, mukhang nasho-shock siya sa mga pangyayari.

"Ate Zoey,  anong klaseng tao ka ba talaga? Bakit puro artista at mukhang artista ang mga kaibigan mo?" patuloy pa ring tanong ni Anna.

"Ah e... Kasi ano..." kagat labing sabi ko kasi hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-e-explain sa kanya.

We are honestly not an ordinary people.

Magulo, maingay at nasa lime light ang mga pamilyang pinanggalingan namin.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The Husbandحيث تعيش القصص. اكتشف الآن