Zoey-312

955 25 0
                                    

"Ate Zoeeeeeeyyyyy!" nakakarinding sigaw ni Shazsnay habang nakatayo sila ni Fritz at kumakaway sa akin.

Nakasakay sila sa bangka 'di kalayuan sa kintatayuan ko.

Napangiti ako bago kumaway pabalik sa kanila.

"Mga kaibigan mo po ba sila, ate Zoey?" agad na tanong ni Anna.

"Oo. Pinsan ko iyong  nakaupo," sagot ko habang nakaturo kay insan.

"Ang gwapo niya ateeeeeee! Baka naman pwedeng ipakilala mo ako sa kanya!" kinikilig na sabi ni Anna habang titig na titig kay insan.

"Sure. Pwedeng-pwede naman kitang ipakilala sa kanya pero kasi... Ano..." medyo alanganing sabi ko habang nagpapabalik-balik kay Anna at insan ang tingin ko.

"Ngayon lang ulit ako nakakita ng kasing gwapo niya ate! Akala ko iyong asawa lang ni doktora ang makikita kong gwapo dito sa isla pero ngayon dalawa na sila!" kilig na kilig pa ring sabi ni Anna na ngayon ay kasalukuyang namumula ang magkabilang pisnge.

Haist. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ang lalakeng pinagpapantasyahan niya ay pitong taon ng kasal at may anim na buwan ng anak?

"Gwapo rin iyong lalakeng katabi noong babae, ate. Pero mas gwapo pa rin iyong pinsan mo!"

Napangiti na lang ako ng pilit sa kanya. For sure na malalaman din niyang mag-asawa sina insan at Shazsnay kapag nakalapit na sila sa akin.

Noong tumigil ang bangka, naunang bumaba sina Fritz at insan habang si Shazsnay ay halatang hindi alam kung paano siga bababa.

"Maglakad ka diyan sa tulay, aalalayan kita," utos ni insan kay Shazsnay pero dahil likas na clumsy si Shazsnay, ayon na-out balance siya!

Mabuti na lang to the rescue si insan dahil nasalo niya si Shazsnay at ngayon nga ay karga-karga na niya.

"Kahit kailan talaga para kang snail! Ang bagal mo na ngang kumilos ang lampa-lampa mo pa," naririnig naming sermon ni insan pero sabay-sabay kaming nagulat ng biglang hawakan ni Shazsnay ang mukha ni insan at hinalakin sa labi.

"A--ate Zoey... Anong ibig sabihin nang nakikita ko? Bakit sila nagki-kiss nang babaeng iyon?" gulat at nauutal na tanong ni Anna.

Mukhang first time ata ni Anna makakita ng dalawang taong nagto-torrid kiss sa harapan niya kaya napasapo ako sa aking ulo.

Lumalala na ang PDA ng dalawang ito.

"Hoy, tama na iyan! Nasa Pilipinas kayo wala sa America!" pag-aawat ni Fritz kina insan.

"Kailan ka pa naging ganoon ka-naughty Wifey?" ubod ng laking ngiti sa labing tanong ni insan.

Mukhang nahiya si Shazsnay sa ginawa niya kaya inubsob na lang niya ang mukha sa leeg ni insan.

"W--Wifey? Mag-asawa kayo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Anna noong makalapit sina insan sa amin.

"Who are you?" kunot noong tanong ni insan imbes na sagutin ang tanong ni Anna.

"Siya si Anna, anak siya noong mga kumupkop sa akin kagabi," pagpapakilala ko.

"Ahhh... Salamat sa pagpapatuloy sa pinsan ko kagabi ha," nakangiti ng sabi ni insan bago ibinaba si Shazsnay.

"Wala po iyon. Mabait naman po kasi itong si ate Zoey," halatang nahihiyang sagot ni Anna habang nakatungo.

"Zoey hija, mga kaibigan mo ba sila?" tanong ni nanay Isa habang nilalapatan niya kami.

"Opo, nanay Isa. Pinsan ko nga po pala, si Grandy tapos asawa niyang si Shazsnay at tropa naming si Fritz," pakilala ko sa kanila.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now