Zoey-281

1.5K 39 10
                                    

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako agad at nagmadali na sa pagbaba. Baka kasi nagugutom na sina mama at papa sa paghihintay sa akin.

Mama at papa ang tawag ko sa tunay kong mga magulang. Kahit naman kasi nalaman ko na hindi pala ako totoong Sebastian, hindi ko kayang itakwil ang pamilyang nag-alaga at nag-mahal sa akin simula noong baby pa lang ako. At para hindi ako malito sa dalawang pares ng mga magulang ko, magkaiba ang itinatawag ko sa kanila.

Ayon kay daddy Armand, hindi daw niya intensyon na ilayo ako kina mama at papa. Wala din daw kasi siyang alam kung kanino ba akong anak. Basta ang nasa isip lang niya noong mga panahong iyon, gusto niya akong iligtas.

Nagkataon lang na kasabay ng pagligtas niya sa akin ay ang pagkamatay ni Abby Claire. Naisip niya na kaysa dalhin ako sa bahay ampunan at mapunta sa kung sinong magulang, sila na lang ni mommy ang mag-aalalga at magpapalaki sa akin.

Sabi pa ni daddy, noong maghiwalay sila ni mommy dati, alam na ni mommy na hindi ako ang totoo nilang anak. Pero napamahal na ako sa kanya kaya isinima niya ako noon sa Canada. Noong magkaayos sila ni daddy at bumalik kami sa Pilipinas, napagkasunduan nila na itago na lang sa akin habambuhay ang sikretong iyon.  Ayaw daw kasi nila akong masaktan kapag nalaman kong ampon lang akong.

Si ate Andy at kuya Kaizer ay nagulat din noong malaman na hindi pala nila ako tunay na kapatid at sister-in-law.  Pero gaya nila mommy at daddy, hindi nagbago ang trato nila sa akin.  Para sa kanila, little sister pa rin nila ako kahit na ako na ngayon si Zoey Lopez.

Iyon nga lang, nalilito pa rin si baby Kurt sa pagtawag ng pangalan ko. Hanggang ngayon, tita Claire pa rin ang tawag niya sa akin kahit ilang beses na naming sinabi na tita Zoey na dapat.

But legally speaking, I'm still Abby Claire Sebastian. Hanggang salita pa lang ang pagiging Zoey Lopez ko. Pero gusto kasi nila mama at papa na masanay na akong tawaging Zoey.

Hindi namin masimulan ang pag-aayos ng mga papeles ko kasi nga nawawala si Xavier. May posibilidad na mawalan ng bisa ang kasal namin kapag nagpapalit ako ng pangalan. Kailangan naming magpagawa ng bagong marriage certificate kapag nagkataon.

Kaso asan siya?

"Haist..." buntong hininga ko bago tumungo at muling napatingin sa suot kong wedding ring.

I badly miss him. Kailan ba kasi siya uuwi?

"Ang aga-aga, 'wag ka ngang malungkot diyan. Cheer up!  Mahal ka noon. Uuwi din iyon," nakakagulat na sabi ni Fritz mula sa likuran ko habang tinatapik ako.

"Teka, anong---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla ring sumulpot si Elle.

"Surprise, beshie!" masiglang bati niya sa akin habang sinasalubong ako ng yakap.

By the way, matagal na kaming nagkaayos ni beshie. Yes, nagkaroon kami ng tampuhan at isang buwan din niya akong hindi kinausap, pero sabi nga nila, a true friend will always stay on your side no matter what.

"Actually may rason talaga kung bakit kami biglang napasugod sa'yo ng ganito kaaga. Ito kasing si Elle, sobrang excited. Gusto ka niya agad i-inform."

Biglang hinampas ni beshie si Fritz at pinandilatan ng mga mata.

"Ano ba iyon?" curious na tanong ko kasi para silang mga batang nagtutulukan kung sino ang sasagot sa tanong ko.

Kahit kailan, aso't pusa talaga sila.

"We're getting married!"



(A/n: Let me give you all again, an another roller coaster ride! Enjoy! 😂😂😂

Ps. Super busy sa work kaya ang hirap maghanap ng time for updates.)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ