Fritz-311

1K 27 17
                                    

"Tama ba iyong narinig ko, susunduin ninyo si Zoey sa kabilang isla?" mabilis na tanong ko kina Grandy habang sinusundan ko sila papunta sa bangkero.

"Kuya Fritz, 'wag ka ng sumama. Kaya na namin ito. Dito ka na lang. Samahan mo si ate Elle, baka hanapin ka noon!" pagtataboy ni Grandy sa akin.

"Asus, gusto mo lang masolo itong si Shazsnay e," pang-aasar ko na siyang naging dahilan ng pamumula ng pisnge ni Shazsnay.

"Obvious ba kuya? Kaya chupi. Kami na lang ang pupunta sa kabilang isla," patuloy na pagtataboy niya.

"No! Sasama ako! Baka mamaya dito pa kayo sa bangka gumawa ng kababalaghan. Mahiya kayo sa bangkero 'no," pang-aasar ko ulit bago ako nagpatiuna sa pagsakay sa bangka.

Gusto ko ring makita kung ano bang meron sa kabilang isla kaya gusto kong sumama. Baka pati may mabili akong pasalubong kay Elle. I want to surprise her.

"Haist. Ang kulit mo talaga," kumakamot sa ulo ng reklamo ni Grandy habang inaalalayan si Shazsnay.

"Alam ba nila Kirby na susunduin ninyo si Zoey?" tanong ko noong magsimula ng umaandar ang bangka.

"No. He does not need to know for now. Ayaw ring ipaalam ni insan sa kanya kasi baka magpumilit siyang sumama. Malaking gulo iyon kapag nagkataon."

Tahimik akong napatango. Tama si Grandy, sikat na artista si Kirby kaya hindi imposibleng may makakilala sa kanya dito.

"Siya nga pala, asan si Gavin? Bakit hindi ninyo isinama?"

"Nasa in-laws ko. Hiniram muna nila," mabilis na sagot ni Grandy.

"Ahhh... Limang buwan na rin si Gavin. Kailan ninyo balak sundan?" pabirong tanong ko.

"Baka mamayang gabi," mabilis ulit na sagot ni Grandy.

Pakiramdam ko masasamid ako kahit walang iniinom.

Kakaiba din itong si Grandy, walang pasakalye sa pagsagot parang si Xavier!

"Bawiin mo ang sinabi mo Gandlolo, baka maniwala sa'yo si kuya," agad namang reklamo ni Shazsnay habang pinapalo ang asawa.

"Ayaw ko," parang batang sagot ni Grandy dahil may pag-belat pa.

Hindi ko napigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila.

Parang kailan lang mga bata pa sila. Boyfriend pa noon ni Ara si Grandy at lagi namin siyang nakakasama sa mga family gatherings nila Xavier.

Si Shazsnay naman, sinubukang ligawan ni Zac noong first year college kami, kaso basted agad.

Looking at them now, they are indeed a beautiful set of couple. Mas bata sila sa amin ng dalawang taon pero 7 years na silang kasal at may 5 months old ng anak. Maaga man silang nag-asawa, hindi iyon naging hadlang upang tuparin muna nila ang mga pangarap bago tuluyang bumuo ng pamilya.

"Siya nga pala kuya, kailan ang kasal ninyo ni ate Elle?" tanong ni Shazsnay habang nakahilig ang ulo sa balikat ni Grandy.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila kasi sobrang sweet nila. Parang nagsisisi akong hindi ko sinama si baby Elle ko.

Ilang minuto pa lang kaming nagkakahiwalay miss ko na siya agad. Ganito ata talaga kapag in-love! Hahahahah!

"Sinisimulan na naming planuhin ang mga gagamitin sa kasal pero tentative pa ang date. Napagkasunduan namin ni Elle na hindi kami magpapakasal kung kulang ang barkada namin," sagot ko habang nakatanaw sa magandang bahay sa taas ng bundok.

Kanino kayang bahay iyon? Ang ganda!

"You mean to say, hanggat hindi bumabalik si kuya Xavier, walang kasalan na magaganap?!"

Malungkot akong napatango.

"Kaya gusto ko sanang hingiin ang tulong ninyo. Let's all find Xavier and bring him back to Zoey."

(A/n: Wews! I'm really busy at it's finest! Idagdag ninyo pa ang napakaalinsangang panahon. Summer is real na real na talaga! At dahil holy week na, pasting muna kayo sa #XABBY. 😂😂😂)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now