Kirby-300

951 22 2
                                    

"She's still out of coverage!" I hissed due to frustration.

"Ano ba iyan? Asan na kaya si ate Zoey? Baka kung napaano na siya," nag-aalalang komento ni Shazsnay habang pabalik-balik siyang naglalakad sa harap namin.

"It's my fault. Hindi ko dapat siya iniwan sa Manila. Dapat talaga sa kanya na lang ako sumabay," nakokonsenyang sabi ni Nicolo.

"No, it's my fault! Ako ang nag-aya sa'yong sumabay sa akin kahapon. I left her in Manila together with our business partners. Dapat kaming dalawa ang nagsabay papunta dito. Hindi ko dapat iniwan sa kanya mag-isa iyong business meeting namin," pag-aako naman ni Pau.

"Beshie ko... Natatakot na ako. The last time it happened, she got lost for 6 years. Baka maulit na naman. Baka iwanan na naman niya tayo ng walang paalam," nagsisimula ng maiyak na sabi ni Elle.

"Don't worry too much guys, matured na si Zoey. I'm sure hindi na siya basta magdedesisyon katulad noon," seryosong sabi ni Zac habang nakatingin kay Ara.

"On the other hand, kung mawala man si Zoey, don't you think guys it's destiny?"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Fritz dahil sa sinabi niya.

"What are you talking about?" kunot noong tanong ni Ara.

"Xavier is missing, Abby Claire is missing too. Mag-asawa na silang nawawala ngayon. Who knows, baka ito na iyong chance na magtagpo ulit ang landas nila!" sagot ni Fritz habang binibigyan kami ng nakakalokong ngiti.

Napailing sa inasta niya, kahit kailan talaga ang lakas makapagbiro nitong si Fritz.

"What?! I'm just trying to think positive here, instead of negativity," pagtatanggol niya sa sarili niya kasi lahat kami nakatingin ng masama sa kanya.

"Stop it Fritz, it's not funny," nagbabantang sabi ni Elle bago umirap.

"Awww... Babe naman, 'wag kang magalit sa akin please!" panunuyo ni Fritz habang tinatadtad ng halik ang buong mukha ni Elle.

Haist, nagagawa pa nilang maglandian sa ganitong sitwasyon.

"I actually, agree with you kuya Fritz," kalmadong komento ni Grandy habang ang atensyon ay nananatili sa librong binabasa.

"Woah! That's my man!" tuwang-tuwang sabi ni kuya Fritz habang nakikipag-apir kay Grandy.

"I think we need to aware the police and ask their help to look for her," suhestyon ko habang sinisimulan kong mag-dial sa phone.

Pipindutin ko na sana ang call button nang may biglang umagaw sa cellphone ko.

"Let's refrain from using our influence and power. We're on vacation, kahit ngayon lang, let's try to live normal," may halong pakiusap na sabi ni Grandy.

Hindi ko napigilang mapatitig sa kanya at mapakurap ng ilang beses.

Seryoso ba itong nakikita, ang aroganteng si Grandy Sebastian nakikiusap sa akin?

"I know my cousin very well, she's not the type of person na bigla na lang mawawala ng walang iniiwang bakas kung saan siya pupunta. Above all, ako ang unang-una niyang sasabihan kung sakali. And speaking of, earlier in the afternoon she messaged me that she'll follow us here. So let's just patiently wait for her. Baka bukas andito na siya."

"One more thing, malay nga natin baka bukas o makalawa, kasama na niya si kuya Xavier pauwi," dagdag niya bago muling umupo at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now