Elle-286

1.2K 26 3
                                    

Kung nagulat sila sa anunsyo namin ni Fritz na magpapakasal na kami, pwes mas nagulat kami sa anunsyo ni Zac.

"You're kidding us, don't you? Kina Elle at Fritz maniniwala pa akong totoong may plano silang magpakasal, but you? That's a big joke! Halos araw-araw tayong magkasama kaya sigurado ako na wala kang girlfriend at mas lalong wala kang fiancee," halos pabirong sabi ni Ara pero halatang pilit na pilit ang tawa niya at medyo namumutla rin ang mukha niya.

Ngumiti lang si Zac habang patuloy na umiiling.

Gusto kong basahin si Zac kung nagbibiro lang ba siya o seryoso siya sa sinabi niyang engage na rin siya pero ang hirap! There's a part of me na gusto kong maniwala na totoong may fiancee na siya, but there's also a part of me na may doubt ako kasi paano nga mangyayari iyon e lagi silang magkasama ni Ara. Not unless, si Ara pala talaga ang tinutukoy niyang fiancee.

"Umamin nga kayong dalawa sa amin pareng Zac at Ara, are the two of you, officially dating? Baka naman may plano na rin kayong dalawa magpakasal, pa-showbiz lang kayo?" pagbibiro na naman ni Fritz.

Mabuti na lang likas na matalas ang dila nang soon-to-be husband ko, itatanog ko pa lang, naitanong na niya. Hahahah...

"Do you know, Francesca Cruz?" tanong sa amin ni Zac habang may tinitignan sa cellphone niya.

"The youngest Filipina Victoria's Secret model," mabilis na sagot ni Grandy.

"Wow, alam na alam mo ah! Mukhang isa ka rin ata sa fans niya," mataray na reklamo ni Shazsnay habang nakatingin ng matalim kay Grandy.

"Well, I can't help it. She's so famous especially to the boys." kibot balikat na sagot ni Grandy na para bang hindi niya alintana ang nakamamatay na tingin ng asawa niya sa kanya.

"I agree with you pareng Grandy. Minsan na akong naka-attend sa cat walk noong Francesca na iyon and believe me, she have the perfect body that every guy would dream," tumatangong pagsang-ayon ng taksil kong fiancé.

"Alam mo, manyak ka talaga kahit kailan!" nanggigil na sabi ko habang pinipingot ko ang tenga ni Fritz.

Ikakasal na kami, pero kung sino-sino pang babae ang pinangpapantasyahan. Bwiset!

"Ikaw naman bebeh loves ko, selos agad. Ikaw lang ang dream ko, ano ka ba," paglalambing niya sa akin habang niyayakap niya ako pero tinutulak ko siya kasi naiirita ako.

"Bebeh loves ko. Hon... Sweety pie..." patuloy na panunuyo niya sa akin pero nabwibwiset talaga ako kaya tinutulak ko pa rin siya.

"Icing sa ibabaw ng cupcake ko..." bulong niya sa tenga ko habang niyayakap ako ng mahigpit.

Icing sa ibabaw ng cupcake niya?

My gosh!

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kikilabutan dito kay Fritz. Pasalamat siya mahal ko siya.

"Subukan mo lang lumandi sa iba, sinasabi ko sa'yo maghahanap ka ng ibang bride mo," pagbabanta ko sa kanya.

"Ay bet ko iyan ate Elle. Subukan lang din nitong si Grandlolo ko na lumandi sa iba, sinasabi ko rin na mag-aaral na talaga akong gumamit ng baril para babarilin ko ang kabit niya," pagbabanta rin ni Shazsnay kay Grandy.

"That's too violent my wife. Wala akong pakialam kahit gaano pa kaganda at ka-sexy ang maghubad sa harapan ko. For me, the mother of my child and the holder of my last name is the most beautiful woman in earth," sagot ni Grandy na siyang nagpapula ng sobra sa pisnge ni Shazsnay.

Iba rin itong si Grandy. Lumalaban sa ka-sweet-an ni Fritz ko.

"Sobrang tamis ninyo na guys, single ako. Maawa kayo sa akin!" pagbibiro ni Nicolo.

"Going back to the question, totoo ba talagang may fiancée ka na Zac? If yes, then who is she?" tanong ni beshie.

"Francesca Cruz," proud na sagot ni Zac habang pinapakita sa amin ang picture nilang dalawa ni Francesca habang naghahalikan.

Oh

My

Gosh!

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now