Xavier-287

1.4K 31 37
                                    

"Magkano po dito sa bangus ninyo?" tanong ko habang namimili ako ng medyo sariwa pa.

"Ay ikaw pala iyan hijo. Para sa'yo, 150 na lang ang kilo niyan," nakangiting sagot ni nanay habang nilalagay niya sa kilohan ang mga napili kong isda.

"Naku Nay, 'wag mo na po akong bigyan ng discount. Babayaran ko po sa totoong presyo," nahihiya kong sabi habang inaabutan ko si nanay ng limang daan.

"Ano ka ba hijo, hindi ka na iba sa akin. Parang anak na kita. Hala sige, pumili ka pa ng ibang isda. Dagdagan mo pa ito, alam kong paborito ito ni Xayvion," tapos ipinili niya ako ng malalaking isda.

"Hindi po Nay, sakto lang po iyan. Hindi naman po iyan mauubos ni Xayvion. Siya lang naman po ang mahilig sa isda sa amin," pagpigil ko kay nanay dahil ang dami niyang nilalagay na isda sa supot ko.

May seafood allergy ako kaya kahit isda, iniiwasan kong kainin. Pero si Xayvion, kahit sobrang tinik ng bangus, paboritong-paborito niyang ulamin. Sa totoo nga niyan, pang-tatlong araw na siyang nagpapabili ng bangus sa akin.

"Siyempre si Doktora pa. Alangan namang kayo lang dalawa ni Xayvion ang bigyan ko 'di ba? Paborito ko kayang doktora ang asawa mo," sobrang laki ng ngiting sabi ni nanay habang kung ano-ano ang nilalagay niya sa supot ng mga pinamili ko.

Napakamot na lang ako sa ulo ko habang naiiling.  Sabi ko na e, dapat talaga hindi na lang ako dito dumaan. Mukhang imbes na mabentahan ko si nanay Isa, malulugi pa siya sa akin.

"O, ayan Xavier hijo. Ipagluto mo ng masarap ang mag-ina mo ha," bilin ni nanay habang inaabot sa akin ang tatlong supot na puno ng isda at pang-rekado na rin.

Pilit ko siyang inabutan ng limang daan dahil sigurado ako na labis-labis ang sukli niya sa akin pero pilit rin niyang tinanggihan.

"Itabi mo na iyang pera mo hijo, makita lang naming masaya kayo nila Doktora, masaya na rin kami," may halong awtoridad na sabi ng isang boses ng lalake mula sa likuran ko.

Agad akong napalingon dahil doon at nakita ko si tatay David, ang asawa ni nanay Isa.

"Maraming salamat po nanay at tatay.  Pero sa susunod po, hindi na po talaga ako papayag na libre ito. Sobrang dami ninyo na pong binibigay sa amin. Malulugi na po ang negosyo ninyo niyan."

"O siya sige, hijo. Pero bago iyon, sarapan mo muna ang luto mo para sa mag-ina mo ha. Balitang-balita pa naman dito sa bayan natin na masarap ka raw magluto. Lagi kang pinagmamalaki ni doktora sa amin."

Pakiramdam ko mas lalo akong nahiya sa narining ko kaya hindi ko na naiwasang mamula.

"Papa! Papa!" malakas na tawag ni Xayvion habang tumatakbo siya palapit sa akin.

Agad ko naman siyang sinalubong at kinarga.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Wala naman po papa. Gusto ko lang magpabuhat," tapos bigla niya akong hinalikan sa pisnge.

"Sobrang lambing ni Xayvion tapos sobrang alaga mo naman sa kanya. Napakaswerte talaga ni Doktora sa inyong mag-ama," halos sabay at nakangiting papuri nila nanay at tatay sa amin.

Hindi ko na alam kung paano magre-react kaya ngumiti na lang ako.

"Papa,  may ibubulong po ako sa'yo," pangungulit ni Xayvion habang lumalapit siya sa may tenga ko.

"Ano iyon?"

"I love you papa," tapos bigla siyang tumawa ng malakas.

Sobrang kulit at hyper niyang bata kaya kapag tumawa siya, lagi akong nadadala. Pero seryoso, malambing talaga siyang bata. Kahit sino hindi mahihirapang mahalin siya.

(A/n: So ano, nagsisimula na ba kayong mabaliw sa mga pangyayari? Pwes, ihanda ninyo na ang sarili ninyo dahil mas babaliwin ko pa kayo. Bwuhahahah... But seriously speaking, I'm such a very busy person right now. Sobrang halaga ng bawat oras ko guys. Ang hirap maghanap ng time para magsulat so please bear with me. Happy holidays!  Love lots always!  😘😘😘)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandWhere stories live. Discover now