Zoey-299

1K 30 45
                                    

"Magandang gabi po, nanay Isa! Maraming salamat po talaga sa pagtanggap sa akin ngayong gabi," taos pusong pasasalamat ko kasi isa siya sa mga pinagtanungan ko kanina kung saan ba matatagpuan ang Heaven Island, at kusang loob niya akong in-offer-an na magpalipas muna ng gabi sa bahay nila.

"Naku, wala iyon hija. Unang kita ko pa lang sa'yo, alam ko na agad na mabait ka. Teka nga muna, ano nga ulit ang pangalan mo? Medyo makakalimutin na rin ako e," kumakamot sa ulong tanong ni nanay habang tumatawa.

"Zoey po," magalang na pakilala ko.

"Napakagandang pangalan naman. Tunog pang mayaman. Siguro anak mayaman ka talaga 'no?"

"Naku hindi naman po. Simpleng tao lang po ako."

"E kung ganoon, sino ang pupuntahan mo sa kabilang isla? Mayayaman lang ang pwedeng makapunta roon."

Ayaw kong magsinungaling pero hindi ko rin pwedeng sabihin basta kung sino-sino ba sila. My friends are not an ordinary people. Mga model, artista, anak ng mga politko at anak sila ng mga kilalang business tycoon.

"Kaibigan ko po! Nagtratrabaho po kasi doon iyong kaibigan ko. Inaaya po niya akong magtrabaho doon," palusot ko habang niyayakap ko si Xayvion para mabaling sa iba ang atensyon ko.

Huhuhuhuh...  Hindi talaga ako sanay magsinungaling.

"Ah, ganoon ba? Siya kung ganoon pagbutihan mong maigi ang pagtratrabaho. Magsipag kang mabuti Zoey. Balita ko pa naman, malaki magpsweldo sa islang iyan."

"Opo, salamat po."

My gosh, nakokonsensya ako. Ang bait-bait pa naman ni nanay Isa tapos nagsisinungaling ako.

"Alam mo Zoey, napakaganda mong bata. Dito sa bayan namin, si Doktora na ata ang maituturing naming pinakamagandang babae. Pero ngayon, mukhang dalawa na kayo."

"Heheheh...  Talaga po ba? Salamat po. Hindi naman po ako ganoon kaganda, sakto lang po," nahihiyang sagot ko.

"Maganda ka kaya ate Zoey! Pero siyempre mas maganda pa rin si mama!" energetic na sabi ni Xayvion.

"Bigla tuloy akong na-curious sa itsura ng mama mo. Naniniwala ako na maganda talaga siya kasi super cute mo!" tapos pinanggigilan ko naman ang pisnge niya.

Hindi pa ako nakuntento sa pagpisil ng magkabilang pisngi ni Xayvion, tinadtad ko pa ng halik ang buong mukha niya.

I can't help it. I can't resist his cuteness.

"Naku, mukhang mahilig ka ata sa bata ah," puna ni nanay sa akin habang pinagmamasdan kami ni Xayvion.

"Hindi lang po mahilig nanay. Sobrang hilig po! Lalo na kapag kasing cute nitong si Xayvion," sagot ko habang niyayakap ko ng mahigpit si Xayvion.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa batang ito. Kung kidnap-in ko kaya siya at iuwi sa bahay? Hahahahah!

"Baka mag-asawa ka niyan ng maaga, 'wag muna! Mukhang bata ka pa!"

Bigla akong napangiti ng alanganin sa sinabi ni nanay.

"Actually po, may asawa na ako," sabi ko habang pinapakita ang wedding ring na suot ko.

"Jusmiyo! Ilang taon ka na ba?!" gulat na tanong ni nanay.

"Mag-twenty seven na po."

"Seryoso?! Hindi halata sa'yo! Mukhang nasa bente ka lang."

"Ay, talaga po? Salamat!"

Nagulat ako noong bigla akong itulak ni Xayvion at pilit na kumalas sa pagkakayakap ko.

"May asawa ka na pala ate! Sabi mo, pakakasalan mo ako paglaki ko?" nakasimangot na tanong niya habang naka-cross arms.

Hala, ito na nga ba ang sinasabi ko.  Joke nga lang kasi iyon.

Pero in fairness, mas lalo siyang nagiging cute kapag nakasimangot.

He reminds me of someone.

He reminds me of my husband--Xavier...

(A/n: Hala sige, magwala na kayo sa comment box!  Hahahahahah!)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon