Fritz-313

1K 30 35
                                    

"Magandang umaga po," magalang na bati ko habang nagmamano.

"Magandang umaga rin hijo, napakagalang mo namang bata at gwapo pa."

Agad akong pinamulahan ng pisnge dahil sa papuri ni nanay.

Kahit may edad na siya, malinaw pa rin ang mga mata. May taste siya sa lalake. Hahahah...

"Naku, salamat po," medyo nahihiya kong sabi habang kumakapit sa batok ko.

"Alam mo hijo, may kamukha kang artista. Hindi ko lang maalala kung saang palabas."

Mas lalo akong kinilig sa sinabi niya. Ganoon talaga siguro ako kagwapo para mapagkamalang artista. Heheheh...

"Naku Nanay, wala pong kamukhang artista itong si kuya Fritz. Kaya po siguro siya pamilyar sa'yo ay dahil isa siyang news anch---" hindi natapos ni Shazsnay ang kanyang sasabihin dahil agad na pinisil ni Zoey ang pisnge niya.

"Ang cute-cute mo talaga, cuz in-law! Manang-mana sa'yo ang pamangkin kong si Gavin. Sobra kitang na-miss. Na-miss mo ba ako?" tanong ni Zoey habang niyayakap ng mahigpit si Shazsnay.

"Common lang po talaga ang mukha ni Fritz kaya marami po talaga siyang kamukha," sabat naman ni Grandy sa usapan kaya bigla ko siyang sinamaan ng tingin.

Ako, common ang mukha? No way! Aware ako na gwapo ako at sikat na news anchor dahil bukod sa magaling akong magbalita, marami ring viewers ang nagkakagusto sa akin. Asset kaya ako ng network namin, laging tumataas ang ratings namin kapag ako ang nagre-report.

"Ganoon ba? Siguro nga, ngayon ko lang napansin na kamukha rin niya iyong magtataho na si Pedro," pag-sang ayon ni nanay bago sila sabay-sabay na nagsitawanan.

Binabawi ko na pala iyong sinabi ko kanina, hindi malinaw ang mata ni nanay Isa!

"Mama, Abby!" sabay-sabay kaming napalingon sa boses noong batang lalake na tumawag kay Zoey.

Ngayon na lang ulit may tumawag na Abby kay Zoey kaya hindi ko naiwasang titigang mabuti iyong batang tumatakbo palapit sa amin.

Para akong mawawalan ng balanse dahil sa matinding gulat noong mapagmasdan kong maigi ang mukha niya.

"Xayvion!" tawag sa kanya ni Zoey habang sinasalubong siya ng yakap.

Totoo ba itong nakikita ko?

May batang lalake dito sa harap ko na kamukhang-kamukha ni Xavier noong mga bata pa kami at katunog pa niya ng pangalan?!

"I miss you, mama Abby! Look, I have mango cake for you. Pasalubong po ito nila papa sa akin pero gusto ko share tayo," ubod ng laking ngiting sabi noong bata habang inaabot kay Zoey ang dalang tupperware.

"A--anak mo, ate Zoey?" halata ring gulat at medyo nauutal pang tanong Shazsnay.

"Ah, oo. Anak-anak ko. Pero anak talaga siya nang doktora nila dito sa bayan ng San Roque."

"Doktora? Doctor ang mommy mo?" hindi nakatiis na tanong ko habang titig na titig pa rin ako sa kanya.

Shit! Kahit saang anggulo ko tignan, Xavier na Xavier ang mukha niya. Ganitong-ganito ang itsura ni Xavier noong magkakilala kaming tatlo nila Zac at magsimulang maging magkakaibigan. Kung andito lang si Zac sa tabi ko ngayon, malamang na ganito rin ang sasabihin niya.

Sandali akong nagbilang sa daliri ko.

"Eight years old ka na ba?" medyo kinakabahang tanong ko.

Malaking gulo ito kung tama ang lahat ng hinala ko.

Sunod-sunod siyang umiling sa akin kaya agad akong napahinga ng maluwag. Para akong nabunutan ng tinik doon.

Imposible iyong mga iniisip ko.

Imposibleng maging anak siya nila Xavier at Ynggrid.

Imposibleng sa bayan na ito nagtatago si Xavier.

At mas imposibleng isipin na nagbabahay-bahayan dito si Xavier kasama si Ynggrid.

Muli kong pinasadahan ng tingin itong bata at napansin kong medyo may kaliitan nga siya para sa eight years old. Baka masyado lang akong nag-o-over think.

"Seven years old pa lang po ako ngayon pero mag-eight years old na po ako next month," biglang paliwanag niya na siyang tuluyang nagpawala sa balanse ko.

(A/n: It's Good Friday kaya wala sana akong balak mag-ud. Pero ito iyong araw na kauna-unahang beses akong nakapag-leave during holiday. At dahil feel ko normal na tao ako ngayon, sige mawindang muna kayo sa ud ko.  😂😂😂)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon