You Are

200 10 0
                                    

A/N: Play the song hanggang matapos ang chapter na to.

1 week later. . .


Kakatapos ko lang mag ayos ng gamit ko sa bago kong kwarto. Kakalipat lang namin ni Eomma sa isang appartment dito sa Busan. Matapos kasing malaman ni Eomma ang nangyari sa aming dalawa ni Mark. Nagpagdesisyonan niyang dito nalang ulit kami manirahan sa Busan kung saan malayo ako sa gulo at malayo ako kay Mark.

Isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko pa rin  maiwasang malungkot sa tuwing maaalala ko ang nangyari.

Hows my life became up side down beacause of guy.

Bumuntong hininga ako at nahiga sa kama at tumingala sa kisamse.

"Makakalimutan ko rin siya."

"Soyeon?" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang nakangiti mukha ni Eomma. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Tumayo ako sa kinahihigaan ko.

"Kung tapos ka na sa pag aayos ng gamit mo. Mag gala ka muna. Ilang taon na rin ang lumipas simula ng nakapag gala ka sa Busan." Nag labas siya ng pera sa wallet niya. "Ito ang pera bumili ka ng kahit anong gusto mo. Hindi kita masasamahan anak may pupuntahan ako." Nilagay niya sa palad ko ang pera. Tinitigan niya ako at ngumiti na parang sinasabing magiging ayos rin ang lahat. Niyakap ko siya.

"Salamat Eomma." Ang tangi kong na sabi kahit ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya. Kulang ang isang araw para sabihin sa kanyan kung gaano ako nag papasalamat sa kanya. Na kahit magsolo lang niya ako pinalaki dahil maaga namantay si Appa hindi niya pinaramdam ng may kulang sa sa buhay ko. Kaya sobrang thankful ako sa kanya.

"Tama na nga tong drama natin." Humiwalay siya sa pagkakayakap ko. "Ang drama drama na nga ng buhay natin." Natatawa niyang sabi. "Sige na. Umalis ka na anak. Mag enjoy ka." Ginulo niya ang buhok ko at umalis.

Huminga ako ng malalim at tumayo sa kama ko para maghanap ng maisusuot. Pinili ko ang blue oversize turtle neck sweater ko at white shorts. Matapos kong magbihis tinali ko ang buhok ko sa isang messy bun at naglagay ako ng light make up and I'm ready to go.

Pagkalabas ko ng kwarto hindi ko mahanap si Eomma sa loob ng bahay, mukhang wala na siya. Mukhang nagmamabilis siya sa pag alis dahil na iwan niyang bukas ang pinto.

Saan kaya siya pupunta?

Na pailing na lang ako at kinuha ang isang pares ng sapatos mula sa maliit na  cabinet sa gilid ng pinto. Pagkasuot ko nito ay lumabas ako at nagsimulang maglakad papunta sa malapit na park.

Wala kasi akong ganang pumunta sa mall o kung saan mang lugar. Mas kumakalma ako at pag na sa isang lugar na napapaligiran ng halaman.

Nang makarating ako sa Park wala masaydong tao. Usually maraming tao sa lugar na to. Pero siguro gawa ng medyo malamig ang panahon ngayon kaya wala masyadong tao. Malapit na kasing magsimula ang winter.

Naglibot libot muna ako sa paligid ng park. Napangiti ako ng makita wala masyadong nagbago sa Park na ito. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang playground kung saan kami nag lalaro ni Jimin noon.

Biglang bumalik ang masasayang childhood memories namin ni Jimin sa utak ko.

"Kamusta ka na Jiminie? Miss na kita." Ang tangi kong na sabi habang pinag mamasdan ito. Nagawi ang tingin ko sa may kanan ng playground. May malaking puno doon. Lumapit ako doon at hinap ang mga markang iniwan namin ni Jimin every year para makita kung gaano kataas ang itinangtangkad namin.

Your Idol Is My Bestfriend | P.JM√ Where stories live. Discover now