삼십일

86 8 0
                                    

CHAPTER 31●

Na sa veranda ako ngayon. Siguro mga 6 am pa lang ng umaga. Kahit hindi pa sumisikat ang araw ay maalinsanagan na ang panahon.

Nandito ako ngayon dahil nahirapan ako matulog sa pag iisip kung anong mga bagay na gusto kong gawin kung may boyfriend.

Mark ask me this question yesterday habang na sa ilog kami and I have no idea kung anong isusulat sa dala kong papel.

"Hays ano ilalagay ko!" Sigaw ko dahil sa frustration.

"Ilagay mo ang pangalan ko" Napatingin ako sa pintuan ng veranda kung saan ng gagaling ang boses. "Baka sa kaling maging kasing gwapo ko ang susulatan mo." Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Jin. "Yah! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?" Napahinto ako sa pagtawa ng makita seryoso ang mukha niya.

"Kala ko nag bibiro ka lang."

"Dibale na. Isipin mo na lang na di nangyari yon." Nagsimulang maglakad si Jin papunta sa kina uupuan ko. Umupo siya sa harapan ko.

"Sino bang sinusulatan mo?" Tanong niya habang nakatingin sa papel at ballpen na hawak ko.

"Actually wala akong sinusulatan."

"Eh para saan yan?"

"Kasi. . . Tinanong ako ni Mark kung. . . May boyfriend daw ako ano daw ang mga gusto kong gawin kasama ang boyfriend ko."

"Hindi ba masyado namang halata yang tanong niya."

"Huh?" Tanong ko dahil di ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya halata.

"Ang ganda mo sana kaso slow ka minsan." Nag pout ako sa sinabi niya. "Joke lang!"

"Anyways. . . Baka matulungan kita diyan."

"Bakit? Naranasan mo na bang makipag date?" Parang biglang nabulunan si Jin sa sinabi ko at umubo.

"Hindi pa. Pa pero baka matulungan kita."

"Pano mo ko matutulungan kung wala kang experience sa pakikipag date?"

"Hindi ko naman kailangan ng experience para lang matulungan kitang maliwanagan sa mga bagay na gusto mong gawin kasama si Mark- este yung boyfriend mo."

"Sige na nga."

"Mukhang napipilitan ka lang na kasama ako. So aalis na lang ako." Aalis na san si Jin ng pigilan ko siya.

"Kailangan ko ng tulong mo wag kang umalis."

"Mag aegyo (act cute) ka muna."

"Jin oppa~" Pagkatapos kong gawin yon pinatong ko ang noo ko sa lamesa sa kahihiyan.

"Gawin mo namang sincere ano bang kalaseng aegyo yan?"

Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya.

"Ano bang klaseng aegyo ang kaylangan mo?"

"Ganto kasi dapat." Bumutong hininga siya tapos tiningnan ako sa mata. "Soyeon Noona~ 밥 사주세요[Buy me some food]- 너무 너무 배고파~ [I'm so hungry] 제발~ [Please]"

Muntikan na kong masuka sa ginawa niyang aegyo. Pinigilan ko lang ang sarili ko.

"YAH~ Hindi ba yon cute?" Umiling ako.

"Hindi yon nangyari. Mag simula na nga tayo. Nagugutom na ko."

˙ ˙ ˙

"So ano ba yung mga bagay na madalas mong gawin?" Tanong niya.

"Magmasid ng lugar. Wala naman akong masyadong hilig gawin. Madalas nanunuod ako ng kdrama pag bored o kaya kpop survival show." Sagot ko sa tanong niya.

"Kung sa kaling may gusto kang puntahan kasama ang boyfriend anong lugar yon?"

"Park. . ."

"Park lang. . . Ayaw mo ba sa amusement park?" Natatawa niyang sabi.

"Mas gusto ko ang garden park. Mahilig kasi ako sa halaman. Hindi lang talaga ako makapagtanim sa bahay gawa ng busy ako." Tumango tango si Jin

"Kung mag dedate kayo sa isang garden park. Anong gusto mong gawin kasama siya?"

"Gusto kong-"

"Isulat mo na lang wag mo ng sabihin." Nang didiring sabi ni Jin.

Katulad ng sinabi ni Jin sinulat ko na lang ang gusto kong gawin.

'A day with my boyfriend'. Ang nilagay kong title sa taas.

Nilagay ko sa number one ay date sa isang garden at nilagay ko kung anong gusto kong gawin kasama ang boyfriend ko.

"Mahilig ka bang manuod ng movie sa sinehan?" Umiling ako.

"Hindi pa nga ako nakakanuod ng sine sa sinehan."

"Talaga?" Gulat na tanong ni Jin. "Well. . .  Maganda yan at least makakasama mo yung boyfriend mo sa first movie mo."

"Wala akong boyfriend?"

"Anong tawag mo kay Mark?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi kaagad ako na kasagot.

"Huh?"

"Anong tawag mo kay Mark kung hindi mo siya boyfriend?" Di pa rin ako sumagot sa tanong niya.

"Friends with benefits?" Bigla akong naging uncomfortable sa tanong niya.

"Joke lang. He he." Nag peace sign siya.

"Anyways. . . Ayaw mo ba ilagay sa listahan mo ang movie day with your boyfriend?"

"Pag iisipan ko pa."

"Di ba hindi ka pa nakakapunta sa concert?" Tumango si ako.

"Sayang ticket na binigay niyo sakin. Lagi ako hindi nakakapunta."

Binibigyan ako ng ticket ng bts sa concert nila pero hindi ako nakakapunta dahil laging napapataon na busy ako sa tuwing may concert sila.

"Ilagay mo kaya yon."

"Pupunta ako sa isang kpop concert kasama ang boyfriend ko?" Tumango si Jin. "Hindi ba parang ang weird?"

"Kung mahal ka talaga ng boyfriend mo. Gagawin niya ang lahat para sayo. Kahit na manuod pa kayo ng concert ng all boys kpop group."

May point naman si Jin sa sinabi niya.

Nagsulat na ulit ako sa papel.

"So. . . I hope nakatulong ako sa problema mo. Sana  lahat magawa mo yan kasama si Mark-" Napakunot ang noo ko. "Kung magiging official boyfriend mo si Mark." Tumayo si Jin sa kina uupuan niya. "Bumaba ka na lang pag nasulat mo nang lahat."

Ngumiti ako at nag pasalamat sa kanya. Ang laking tulong ni Jin sakin.

˙ ˙ ˙
COMEBACK NI KIM DONGHAN♡
»FOCUS«

Your Idol Is My Bestfriend | P.JM√ Where stories live. Discover now