Chapter Twenty

25 1 0
                                    

The Soccer Fight

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Chrysanthe!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

Si.....

Si.......

Si............

Si...................

"Chrysler" naibulong ko. Nginitian niya ako at nilapitan.

"Anong ginagawa mo dito?" napakurap kurap ako sa kanya. Ano nga bang ginagawa ko dito sa soccer field?

"Ahmm. Wala. Nagpapahangin lang" nahihiyang sagot ko.

"Kumain ka na ba?" kinilig ako sa tanong niya. Tumango ako sa kanya.

"Oo. Ikaw?" tanong ko pabalik. Ngumiti siya at nagkamot batok.

"HAHAHA. Hindi pa nga eh. Gusto mo bang kumain kasama ko?" nagulat ako sa sinabi niya.

"EH?!! AKO?!!" napasigaw ako sa sobrang gulat. Tumango tango siya sakin.

"Ah. Eh. Kasi. Ano. Ahmm—" hindi ko alam ang isasagot ko nang bigla niya akong putilin sa pagsasalita.

"'Wag kang mag-alala, libre ko!" masayang sabi niya. Hindi ko pa rin alam kung papayag ba ako o hindi.

"Malulungkot ako kung tatanggihan mo ko" malungkot na saad niya. Napatingin ako sa kanya at ang mga mata nito ay tila nangungusap.

"O-o-okay" utal utal at nahihiya kong pagsang-ayon. Hindi ko matatanggihan ang crush ko noh. Lalo pa't ang gwapo gwapo niya. Nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko at hatakin ako. Eh?!!! Magkaholding hands kami?!!! Omy!!! Pakiramdam ko ay namumula ako. Nakarating kami sa canteen at agad kong napansin ang mga uda kong kaibigan. Hindi ako sumabay sa kanila sa pagtatanghalian pero mukhang makakasabay naman ako kay Chrysler. Ayaw kong sumabay sa kanila dahil kailangan ko munang mag-isip tungkol sa gang na 'yon at lalong lalo na sa lalaking 'yun.

"Okay ka lang ba?" nagising ako sa katotohanan nung marinig ang boses ni Chrysler. Tiningnan ko siya at halata ang pag-aalala sa mukha niya. Tumango ako sa kanya.

"Oo. Okay lang ako" tanging naisagot ko. Sinamahan ko siyang umorder at take note, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Nahihiya na ako.

>^<

"Ate, paorder nga ng fries, tubig, burger at shake. Tagdalwang-order" sabi niya dun sa nagtitinda dito sa canteen. Tumango si Ate at maya maya pa'y ibinigay na ang order. Dun niya lang binitawan ang kamay ko at kumuha ng pera sa bulsa ng jersey short niya. Kinuha niya ang mga order at naglakad kami. Wala nang bakanteng upuan bukod sa tabi ng tropa ko. Ayaw ko dun kasi nandun ang mga badboy. At mukhang si Craige, kanina pa naghihintay. Patay ako.

"Pa'no 'yan? Wala na tayong mauupuan?" tanong niya. Nagkibit balikat ako.

"Ewan. Sa iba na lang nating kainin" suhestiyon ko. Namilog ang mata ko nung marinig ang mga usap-usapan.

"Oh my god! Kita mo siya? 'Di ba siya 'yung kasama ni Fafa Craige kahapon? Ang landi niya naman dahil ngayon nilalandi niya ang sikat na si Fafa Chrysler" nag-init ang ulo ko sa sinabi nung babae pero im-in-anage ko ang sarili ko at pilit na pinakalma.

"Tama ka d'yan! Alam ba 'yan ni Fafa Craige?" pakiramdam ko ay kinabahan ako dun sa hindi malamang dahilan kaya agad akong napatingin sa direksyon nina Craige. Kumalabog ang puso ko sa kaba nung lumingon ito sa side namin. Nanigas ako sa mga tingin niya. Nabigla ako nung may humawak sa kamay ko. Agad kong tiningnan si Chrysler.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon