Chapter Three

34 2 0
                                    

First Day, First Trouble

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Nakarating na kami sa school. At kagaya nung una kong pagpasok dito, maganda pa rin ito at malawak.

"Babye na. Kitakits sa Break" pagpapaalam nina Quacey at Celosia.

"O sige! Kitakits tayo sa canteen ah" pagpapaalam ko din. Agad kaming pumasok sa first room namin at agad na umupo. Ang mga silya rito ay parang 'yung sa japan na single lang. Naupo ako sa may bintana. Si Eliana naman ay sa likod ko. Ayaw niya raw sa tabi ko dahil gusto niya rin sa may bintana. Kitang kita sa bintana ang soccer field at may mga naglalaro dito. Hahanapin kita dream boy ko. May biglang dumating na isang babae at sa tabi ko siya umupo. Ilang sandali pa ay dumating na rin 'yung teacher namin.

"Good Morning! I'm Miss Perey. I'll be your teacher in Physics. Please introduce your selves" utos nito. Hay naku! Boringggg. Nagpakilala ang bawat isa hanggang 'yung katabi ko na 'yung nagpakilala.

"I'm Jennille Yi. Hello po sa inyo" magalang na pagpapakilala nito. Maganda naman siya at may itsura. Matangos ang ilong niya, maputi, at mahaba ang buhok. Mukha namang mahiyain siya pero palangiti. Whatever. Tumayo ako nung umupo siya.

"Hello everyone. Chrysanthe Marie Landicho. Chrysanthe for short. Thank you" pagpapakilala ko at agad na umupo. Pagkatapos naming magpakilala lahat, ayun first day na first day, discuss agad. Grabe, nakakadugo agad ang unang lesson. Malulutang 'ata ako ah. Natapos naman agad ito at mabilis na lumipas ang oras hanggang Arts ko na. Break time na sunod. Napansin kong lagi kong kaklase si Jennille kaya nakipagclose ako sa kanya.

"Jennille, anong schedule mo?" tanong ko.

"Ahmm. Heto oh" iniabot niya sa akin ang schedule niya at hindi ako nagkamali. Tulad na tulad ang schedule namin.

"Parehas na parehas tayo ah. Gusto mo sabay ka na sa'king kumain?" tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Talaga? O sige. Salamat" masayang sagot niya. At heto si Sir, discuss pa rin. Ang tagal magpalabas. Nagring ang bell kaya sobrang tuwa ko.

"Okay, that's all for today. Dismiss class" pagpapaalam ni Sir Dale.

"Goodbye, Sir Dale" sabay sabay naming pagpapaalam. Inayos ko na ang mga gamit ko sa Arts. Niyaya ko na kaagad si Jennille na umalis. Pero bago pa kami makalabas ay tinawag kami ni Sir Dale. Bwiset.

"Miss Yi at Miss Landicho, can you do me a favor? Pwede niyo bang dalhin 'tong mga books sa library. Salamat" hindi pa nga kami pumapayag di'ba? Bwiset na teacher na 'to. First day na first day eh.

"Yes po, Sir" napipilitan kong sagot. S'yempre dapat maging mabait ako. Ayaw ko namang mapaguidance agad noh. Kawawa naman ang mga magulang ko. Buti na lang 40 books lang 'to at maninipis lang.

"Thank you for your help" saad ng Sir namin atsaka umalis. Aba't 'yun lang 'yon? Bwiset talaga.

"Jennille, tag-20 tayo" saad ko kay Jennille at nag-nod lang siya. Agad din naman naming binuhat 'yung mga libro. Hindi naman sobrang bigat pero mabigat pa rin. Nagsimula na kaming maglakad para naman makakain na rin kami.

"Bwiset si Sir noh?" iritable kong sabi kay Jennille. Umu-oo lang siya at tumawa. Nang malapit na kami sa library ay may nakita akong pamilyar na mukha. Teka 'yun ba 'yung Craige nung first tour ko dito? Papalapit sila nang papalapit sa amin. Apat sila at matatangkad. Masasabi kong may itsura silang lahat. 'Yung isa ay nakaheadphones habang nagpapalobo ng bubblegum. Habang 'yung isa naman ay inaayos ang salamin nito gamit ang kanyang hintuturo. 'Yung isa naman ay mukhang playboy dahil lahat ng babae na nakikita niya nagbibigay siya ng flying kiss. Kilig na kilig naman ang mga haliparot. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil si Jennille at tumabi sa daan.

"Ayyt. Tumigil at tumabi muna tayo Chrysanthe. Dadaan sila eh" napakunot ang noo ko sa dahilan ni Jennille. Huh?

"Ayoko nga! Gusto ko nang kumain. Halika na. Hindi naman kanilang daan 'to" paggigiit ko sa kanya. Tumungo si Jennille at halata ang pag-aalala. Ano bang ikinatatakot niya? Eh mga adik lang 'tong mga 'to eh. Ngayon ko lang napansin na ako lang pala at 'yung apat na 'yun ang nasa daan dahil lahat ay binigyan sila ng daan. Bahala sila. Dinanggi ko 'yung Craige na 'yun. Hindi pa man ako nakakalayo ay hinatak na nung lalake ang kamay ko na dahilan para mahulog ko lahat ng mga librong dala dala ko. Aba't bwiset 'tong mga mokong na 'to ah. Narinig ko ang bulong bulungan sa paligid.

"Dapat lang 'yan sa kanya" sabi nung isa.

"Oo nga. Dinanggi ba naman si Fafa Craige" teka? Bakla ba 'yun?

"Yup! True! Haharang-harang kasi sa daan. Dapat d'yan sa basurahan itinatapon. At dapat pinaparusahan matapos niya lang naman hamakin ang Fafa natin" sabat ng isa pang bakla. Mga matatabil ang dila. Agad akong humarap sa Craige na 'yun at nagsalita.

"Hoy! Ikaw na lalake ka! Nang dahil sa'yo bumagsak tuloy ang mga librong dala dala ko. Walang modo!" inis na sigaw ko dun sa Craige at dinuro duro pa siya. Hindi ako natatakot sa nangangain niyang tingin. DUH! Siya ang mali dito. Narinig ko ang pagkagulat ng lahat at ang biglaang pagtahimik. Ganun pa man ay may ilang bulung bulungan pa rin akong narinig.

"What?! Dinuro niya ba si Fafa Craige?" gulat na saad ng isa niyang supporter. Hindi porke't gwapo, maganda na ugali ha? 'Wag kayong magpapadala sa hitsura, mga Bes. Tiningnan ako ni Craige ng walang expresyon. As in super cold pero wapakels ako. Ang hot ko kaya. Tunaw 'yang cold niyang tingin sa kagandahan ko.

"Dapat lang 'yan sa'yo. Paharang harang ka kasi sa daan. Stupid" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya? Wow ha? Siya ba ang nagpapakain sa'kin para murahin ako? Napakawalang modo talaga ng lalaking 'to. Hindi ko na lang siya pinansin at inumpisahang pulutin ang mga libro ko. Matuto tayong magtimpi.

"Bro, wala ka namang manners niyan eh. Dapat ang babae, tinutulungan" aba mukhang mabait naman ang kasama niya dahil umupo ito at tinulungan akong limutin ang libro. Magpapasalamat na sana ako kaso bigla niyang inihagis sa kung saan ang mga librong napulot niya. Napupuno na ko ha! Hmmp! Tumayo ako at tumingin sa kanya ng masama. Tumayo din ito at nginitian pa 'ko.

"Sorry ha? Hindi ko sinasadya" sarkastikong sabi niya. Ngumiti ako ng peke. At nagtawanan naman ang lahat kasama 'yung iba pa niyang kasamahan bukod kay Jennille.

"Okay lang naman" sarkastiko ko ring sagot. Sa isang iglap parang naactivate ang byakugan ko at ginamitan ko siya ng isang malakas na karate moves. Ayun! Napaaray naman siya. Nagulat ang lahat at napatawa ako ng sandali. Tiningnan ko siyang muli.

"Alam mo, sa susunod kasi 'wag kang badboy ha?! Hindi kasi ako mabait eh. One point para sa'kin" saad ko at nagbigay sa kanya ng isang evil grin. Napangiwi naman siya. Agad kong pinulot ang mga libro at niyaya si Jennille na umalis. Iniwan namin silang nakatulala. Bago kami umalis ay narinig ko na naman ang mga nakakarinding bulungan.

"Omy! Anong ginawa niya kay Fafa Charlestin?"

"Fafa ko! Baka sobrang nahurt siya!"

'Di ko na lang sila pinansin at masayang umalis. Kala n'yo ha?! Hindi kayo ang hari rito!!

Hihi!

...

A.N. Pasensya na kung panget. Sana magustuhan nyo pa din. Salamat sa support.

Enjoy reading.

Please don't forget to Vote, Comment, and Recommend this. Lovelots.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now