Chapter Thirty

20 3 0
                                    

Surprised Visit

(Quacey Elizabeth Novicio's POV)

"Hoy, Gunggung! Ano pa bang hinihila-hilata mo diyan ah?! Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Tita?! Darating daw 'yung investigator kaya dapat daw ay mag-ready tayo. Tumayo ka na nga d'yan ngayon din!!" sigaw ko sa aking napakapasaway na asawa. Nakakairita talaga 'to. Parang walang naririnig eh. Ang malala pa ay nagtakip pa talaga siya ng tenga. Agad akong lumapit sa kanya at piningot siya ng todo. Napa-aray naman siya at napangiwi.

"Ouch! Damn you, woman! Stop it!!" reklamo niya habang hawak-hawak ang tenga niya. Parang wala akong naririnig at piningot lang siya at kinaladkad papuntang kwarto namin. Nang makarating kami do'n ay inalpasan ko na ang tenga niya at pumaywang pa. Siya naman ay parang batang hawak hawak ang tenga niya.

"MAGBIHIS KA NG MAAYOS KUNG AYAW MONG SA LABAS KA MATUTULOG MAMAYANG GABI!!" pananakot ko sa kanya at sa sigaw kong 'yon ay para bang mapapatid na ang litid ko sa sobrang inis sa kanya. Nagpout lang siya na parang bata at padabog na pumasok sa C.R. Napataas na lang ang kilay ko at napailing iling na lang din ako. Nasapo ko ang noo ko sa sobrang stress na nararamdaman ko. Hay naku po!

Kung siya ang asawa mo, natitiyak akong mamamatay kang maaga. Agad akong bumaba at napasapo ulit ako sa noo ko nang makita ang sobrang kalat na paligid. Hay naku po. Parang nagkaroon ng giyera rito. Kung saan saan nakalagay ang mga damit ng gunggung na 'yun at lahat ng mga kinain niya, nasa sahig na 'atang lahat. Sobrang dami pang ligpitin. Napalamukos ako sa mukha ko bago kumilos. Isa isa kong dinampot ang mga damit ni Charlestin at inilagay sa basket na dala dala ko. Isinunod ko naman ang mga kalat. Agad kong kinuha ang vacuum at nilinis ito. Luminis naman ang sala. Napadako ako ng tingin sa kusina. Wala na akong magagawa kundi ang makipaglaban sa mga hugasan. Katamad tamad kasi ng ogag na 'yun eh. Kanina ko pa pinaghuhugas ng plato pero parang hindi naiingli. Naku talaga. Sinumulan ko ng maghugas ng plato. Mga 20 minutes siguro ako bago matapos eh. Mangiyak ngiyak na nga ako habang nagliligpit ng plato eh. Pinunasan ko ang lababo at ang lamesa para maging malinis. Nagmop din ako ng sahig para maging malinis. Naglaba na rin ako ng damit namin. Idinryer ko 'yon at isinampay. After 125679194667 years of cleaning ay natapos din ako. Makakapagpahinga na din ako sa wakas. Dumiretso ako sa kwarto para maligo at magpahinga kahit kaunti.

••••••••••••••••••••••••••••••

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising ako mga quarter to 11 ng tanghali. Walang pasok ngayon eh. Nag-unat unat muna ako atsaka lumabas ng kwarto. Kulong kulo ang dugo ko sa nakita ko. Arghhhhhh!!!!!!! KALAT ULIT!!!!! At isang lalaki lang ang may kagagawan nito ay walang iba kundi ang butihin kong asawa. Nakita ko siyang nakahilata na naman sa sofa. Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Sumugod ako sa kanya at piningot siya ng sobrang lakas.

"HOY!!! IKAW NA GUNGGUNG KA! WALA KA NA TALAGANG GINAWANG TAMA EH NOH?!! ALAM MO BANG PAGOD NA PAGOD AKONG MAGLINIS SA BAHAY NA 'TO DAHIL SA MGA KABURARAAN MO!!! TAPOS ANO? WALA KA NG IBANG ALAM KUNDI ANG MAGING PABIGAT AT MAGKALAT NANG MAGKALAT. NAKAKAINIS KA NA!! HINDI MO NAAAPPRECIATE  LAHAT NG HIRAP KO DITO!!! NI WALA KA MAN LANG GINAGAWANG PARAAN PARA MAKATULONG!!! JUSKO PO!!! WALA NA TALAGA AKONG MASABI SA'YO!!!! NAKAKAINIS KA NA!!!!" gigil na gigil na sigaw ko sa kanya. Nakita ko naman ang takot sa mukha niya pero hindi ako natinag. Kinakain ako ngayon ng inis at sama ng loob ko. Binitawan ko siya at pinagduduro.

"IKAW ANG MAGLINIS SA BAHAY NA 'TO NGAYON DIN! KAPAG HINDI KO NAABUTANG MALINIS ANG BAHAY NA 'TO, HINDI KA NA MAKAKAPASOK ULIT DITO AT DOON KA SA LABAS MAMALIMOS!!!!" sigaw ko at sabay walk out. Padabog kong sinara ang pinto at umalis kahit nakapambahay lang ako. Naglakad lakad ako habang patuloy ang paghihimutok. Nakakainis naman talaga kasi siya. Kung kayo rin ang nasa posisyon ko? Jusko! Baka naheart attack na kayo. Mabuti na nga lang at wala akong sakit sa puso. Naupo ako sa isang bench at nagpahinga. Pinakalma ko ng ilang ulit ang sarili ko. Nung kumalma ako ay kaagad akong naglakad pabalik. Kahit naiinis ako sa kanya, naaawa din naman ako na hindi niya kayanin 'yon.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora