Chapter Sixteen

19 2 0
                                    

His Reasons

A.N. Warning: Grammar errors!!

(Celosia Joy Vidallon's POV)

Uwian na sa school at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari kanina sa school. Hindi ko kasabay si Chrysanthe dahil kanina pa siyang nauna. Kailangan niya daw mag-aral para sa tutorial sessions nila bukas. Si Quacey naman ay ayaw sumabay. May family reasons. Si Eliana naman ay may gagawin pa daw kaya mauna na daw ako. Bumuntong hininga na lang ako.

"Hey" halos mapatalon ako sa gulat nung may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino at nakita ko 'yung lalaking naka-earphone kanina. Si Ethan! Anong ginagawa niya dito? Ang cool niya namang tingnan. Hands in his jacket's pocket. Chewing bubblegum while waiting.

"Hello. Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"No other than. Waiting for someone" sagot niya atsaka pinalobo ang bubble gum niya. Napatango-tango ako.

"Ahhh. Sige, una na 'ko. Sana dumating na siya" pagpapaalam ko. Aalis na sana ako nung may biglang humawak sa kamay ko. Nilingon ko kung sino at si Ethan pala. Nakatingin ito sa akin ng diretso. Nakakapagtaka naman.

"Bakit? I thought you're waiting for someone?" takang tanong ko.

"Silly you! I'm referring to you" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ako? Ako 'yung iniintay mo? Bakit mo naman ako iniintay?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I have something to asked on you" napakunot na naman ang noo ko sa sagot niya.

"Ano naman 'yun?" tanong kong muli.

"Later. Give me first your things" maawtoridad na utos niya. Sino ba siya sa akala niya?

"Bakit—" 'di pa ako nakakapagsalita ng buo ay pinutol na niya agad.

"Just give me your things. NOW!" sigaw niya. Sa takot ko ay ibinigay ko sa kanya ang bag ko. Kinuha niya ito at isinukbit sa balikat niya. Medyo nahiya naman ako nang makita ang mga taong nakatingin sa amin lalo na ang mga kababaihan. 'Yung mga tingin nila sa akin, mapanghusga at mangangain. Jusko naman po! Namilog ang mga mata ko nung akbayan niya ako. Agad akong napatingin sa kanya at nakatingin lang siya sa akin.

"Anong ginagawa mo?" takang takang tanong ko.

"Don't move and just go with the flow. Or else..." utos niya na parang walang pakialam. Sumandali siyang tumigil.

"Or else what?" tanong ko. Kinakabahan ako sa mga ganitong bagay.

"Or else I'll chew your lips like a strawberry-flavored bubblegum" nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang 'yon. Agad kong tinanggal ang kamay niya at tumakbo ng mabilis. Tumigil ako nung masiguro kong malayo na ako.

"*Inhale* *Exhale* *Inhale* *Exhale* Sira ulo 'ata 'yung lalaking 'yun. Lakas ng tama eh. Manyak" hinihingal na naibulaslas ko. Naupo ako sa damuhan at nagpahinga. Hawak ko pa rin ang dibdib ko sa paghahabol ng hininga. Nakakapagod talaga.

"Bakit mo ako tinakbuhan?" napatalon ako sa gulat nung marinig ang boses na 'yun. Sobrang cold ng boses niya. Nanigas ako sa sobrang kaba. Hindi ako makagalaw. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Don't worry. Hindi ko talaga gagawin 'yon. As if naman na gusto ko 'yon" natauhan ako nung magsalita siya. Napakunot pa nga ng kaunti ang noo ko eh. Agad akong napatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa langit na parang may sobrang lalim na iniisip. Namangha ako sa kagwapuhan niya. Hindi ko na itatanggi ang bagay na 'yun. Inilagay niya ang kamay niya sa noo niya para pigilan ang buhok niya na liparin ng malakas na hangin. Makikita mo rin ang matangos na ilong niya. Nakakatulala ang kagwapuhan niya.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now