Inangat ni Misoo ang dagger bilang paghahanda sa depensa. Kumilos na si Nigel at mukhang nawawala na ito sa sarili dahil sa matindi nitong galit. " 'Namin' ? Sino ba ang sinasabi mo d'yan? At paano niyo naman maililigtas ang kaluluwa ng taong namatay na?"

Umangil uli si Nigel. Naging pula na ang mga mata nito ngayon. Dalawang kamay na rin nito ang may hawak sa hilt sa pagkakataong 'yon. Nasa mukha nito ang determinasyong patayin siya. "Dahil mamamatay ka rin naman sa gabing 'to, sasabihin ko sa 'yo kung paano nagsimula ang lahat ng ito."

Napalunok si Misoo. Dahil sa mga sinabi ni Nigel na 'yon, naantala ang plano niyang paghahagis dito ng bomba. Gusto niyang marinig mula rito kung ano ba talaga ang nangyayari. "Simulan mo na ang pagpapaliwanag."

"I was a Guardian who had the ability to hypnotize people. My sister, on the other hand, could see visions," pagsisimula ni Nigel sa boses na para bang naglalakbay na sa nakaraan ang diwa. "Nakita niya ang kamatayan ko. Nang sabihin namin kay Maestro ang kinatatakutan namin. Sinabi niyang hindi namin mapipigilan ang nakatakda nang mangyari. Pero binigyan niya kami ng pag-asa."

Napaderetso ng tayo si Misoo sa mahalagang impormasyon na 'yon. Maestro? Kung gano'n, 'yon ang tawag sa mastermind ng lahat ng 'to!

"Sinabi ni Maestro na may isang babae na may kakayahang bumuhay ng mga patay," pagpapatuloy ni Nigel at binigyan siya ng makahulugang tingin. "Ikaw 'yon, Misoo McCollins. Inutusan ako ng Maestro na habang buhay pa ko, makipaglapit ako sa'yo at gamitin ang hipnotismo ko para isipin mong mahal na mahal mo ko. Ng sa gano'n, kapag namatay na ko, mapuwersa kang buhayin ako. 'Yon din ang dahilan kung bakit nakipagkaibigan sa'yo si Daye. Siniguro ng kapatid ko na kahit namatay na ko, hindi pa rin mawawala ang epekto ng hipnotismo ko sa'yo."

"Hindi ko kayang bumuhay ng patay!" giit naman ni Misoo.

"Apparently, you can't," mapait na sagot naman ni Nigel. "Unti-unti kong na-realize na ginamit lang kami ng Maestro para malaman niya kung may abilidad ka ngang bumuhay ng patay. No'ng panahong dahan-dahan kong kinakain ang piraso ng spirit force mo sa tuwing hinahalikan kita, wala akong naramdamang pagbabago sa kaluluwa ko.

"Nang i-exorcise ako ng Questors' Clan Head, akala ko eh katapusan ko na talaga. Pero nagulat ako nang matagpuan kong buo pa ang kaluluwa ko at nasa evolution na ko ng pagiging Undertaker sa kung saang parte ng Underworld. Do you know what it means?"

Napaatras si Misoo at napalunok. Alam na niya kung ano ang iniisip ni Nigel, pero natatakot siyang kumpirmahin 'yon sa sarili.

"Oo, Misoo," nakangising sagot ni Nigel. "Lumakas ang kaluluwa ko dahil sa piraso ng spirit force mo na nakain ko. Ibig sabihin, kung makakakin ko ngayon ang buo mong kaluluwa, puwede akong mabuhay uli."

Nanlamig bigla si Misoo. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bagong rebelasyon na 'yon tungkol sa abilidad niya. Alam ba ng mga magulang niya na hindi niya lang kayang manggamot kundi may kakayahan din siyang bumuhay ng mga patay? Kung iisipin, 'yon siguro ang totoong dahilan kung bakit may mga humahabol sa kanya at kung bakit may nagtatangkang dumukot sa kanya.

"Pero paano nalaman ng Maestro na 'to ang abilidad na hindi ko alam na meron ako?" nagtatakang tanong ni Misoo.

Tumawa si Nigel. Tawang nakakapunit ng tahimik na gabi at lalong tumakot sa kanya. "Iniisip siguro ng mga kinilala mong magulang na naitago nilang mabuti ang pagkatao mo, Misoo McCollins. Ang hindi nila alam, 'yon lang ang gusto naming isipin nila. May mga nilalang na naghihintay na magising ang tunay mong kapangyarihan." Iwinasiwas nito ang hawak na scythe. "Nakita na nila ang paggising mo, Mahal na Prinsesa. Ngayon, kumikilos na sila para kuhanin ka. 'Yon sana ang misyon ko, pero pagkatapos mamatay ng kapatid ko, naisip kong wala nang saysay ang maging sunud-sunuran sa Maestro. Uunahan ko na lang sila at ako ang makikinabang sa abilidad mo. Mabubuhay uli ako bilang tao na mas malakas na ang kapangyarihan sa oras na makain ko ang kaluluwa mo."

The Fourth Order SeriesWhere stories live. Discover now