Chapter 11 part ll

53 14 4
                                    

Madison's POV

Napagdesisyonan naming apat na bumisita mamaya sa GW, para doon sa nagtatangkang magnakaw sa ari-arian namin.

I wear my trade mark attire. The Silent Death style. Black tube, black ripped jeans,a black boots at ang di nawawala na accessory ay ang maskara namin.

"Ready?" Tanong ni Kate samin. Lahat kami nakablack. Of course to give our gang name a justice. The Grim Reapers.

"Ready" sagot naman namin sa kaniya.

Nang makarating kami sa GW maraming mga mata agad ang nakatutok samin. Lahat dito nakamaskara para di makilala. Yun ang isa sa mga rule na pinagkasunduan ng lahat.

Ang GW ay isang ordinaryong gusali o hotel kung titignan pero ito ang lugar kung saan nagkikita ang iba't ibang grupo ng gangster dito sa Pilipinas. Dito rin ang nagsisilbing arena kapag naglalaban ang lahat para sa titulo ng pinakamalakas na gang.

Agad kami nagtungo sa opisina ng gang namin dito. Secure lahat wala naman kaming iniwang mahalaga dito kaya ayos lang. Pero hindi ibig sabihin na papabayaan na lang namin ang nangyari ng nakaraan. We put something in our office na sigurado kapag bumalik pa siya ay sigurado siyang tigok.

Napagpasyahan naming manood ng laban sa baba (underground).

"Oh, everyone our rank 1 gang The Grim Reapers had return. Let's give them around of applause" pagkatapak pa lang namin dito ay agad na na sa amin ang spotlight. We remain impassive while walking.

Uupo na sana kami sa dating pwesto namin noon nang may biglang sumigaw.

"We want to challenge The Grim Reaper!" Sigaw ng leader ng Red Fire, si Uno.

Shit! Andito rin pala sila.

I saw the death glare of Jon right through my direction. Napabuntong hininga ako.

"We accept their challenge" walang pagalinlangang sagot ni Kate. Sinenyasan niya sina Janine at Rhane.

Nakapasok na sa ring ang Red Fire. Kita sa kanilang mukha ang pagtataka ng dalawa lang samin ang pumasok, pati ang mga nanonood ay nagtataka rin.

"Naduduwag na ba ang leader at second in command ng Grim Reaper?" Nang-uuyam na tanong samin ni Dos (Sam). Ngumisi kami ni Kate.

"No, we're just want you all to meet our colleagues. Don't worry they're better than ever" kampanteng sagot ni Kate.

Nakita ko ang pagtagis ng panga ni Uno habang nakatingin sa'kin.

He wants me to fight. That, I will not let happen.

The fight ended. As usual nanalo pa rin ang gang namin. Pantay pantay kaming lahat sa lakas, liksi, at talino. Sa istilo lang kami ng pakikipaglaban nagkakaiba.

Malakas ang Red Fire, but we're the Rank 1 sila Rank 2. We're still the best of all the best.

Kinabukasan, ayun may benda ang ibang bahagi ng katawan ng Red Fire.

"Taena, sakit pa rin ng tiyan ko" reklamo ni Janine ng masuntok siya sa tiyan ni Tres(Jameson).

"Ako rin ang sakit ng pagkasipa sa'kin" reklamo naman ni Rhane.

"Makapagreklamo kayo parang kayo ang napuruhan ah" sabi ko naman.

"Tao rin lang kami Maddy, nasasaktan" drama ni Janine.

"Tado! Di bagay sayo" tinawanan ko lang siya.

"Madison!" Napabaling naman ako kay Jon ng tinawag niya ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Susunduin kita mamayang 7. Don't keep me waiting" sabi lang nito saka ako nilagpasan.

"Uyy, ano yun ?" Parang kinikilig na ewang tanong niya sa'kin.

"Utak mo hoy! Isasama lang ako noon sa birthday party ng kapatid niya." Sagot ko.

"Tapos di mo man lang sinabi sa amin?" Si Janine yan.

"Chill, guys. Sasabihin ko naman talaga nakalimutan ko lang" paliwanag ko sa kanila.

"Okay! Ako sa face" sabi ni Rhane na mukhang excited.

"Ako naman sa buhok" si Janine pareho sila mukhang excited. Napakamot na lang ako sa batok.

Hindi pa naga-alasyete tapos na silang ayusan ako. Kaya naman pagdating na pagdating ni Jon alis agad kami. E sabi niya 'don't keep him waiting' di ba.

Pagkapasok pa lang namin sa gate ay marami na agad ang bisita.

I'm busy looking around kaya nagulat na lang ako bigla ng hawakan niya ako sa bewang at hapitin palapit sa kaniya.

Dugdugdugdug

Shit! Ito na naman ang puso ko parang nakikipagkarera. Damn! Heart, will you calm down?

"Stick with me. Ayoko ng may kahati" seryosong sabi niya habang masama ang tingin sa mga college boys na bisitang nakatingin sa amin.

Shocks! Ansabi?

Stick with me. Ayoko ng may kahati

Stick with me. Ayoko ng may kahati

Ayoko ng may kahati

Shit!

Pwede bang kiligin?

Mali 'to di ba?

Pero...

The hell! I'm really in trouble.

The Love of Thorns |Completed| Where stories live. Discover now