Chapter 3

145 23 5
                                    


Jon's POV

Tapos na ang bakasyon, oras na naman para bumalik sa school. Nawalan na ako ng ganang pumasok simula ng mawala siya. Siya lang naman kasi ang dahilan kaya ako pumapasok, sa tuwing nakikita ko siya nakukumpleto ang araw ko. Mahal na mahal ko siya hindi ko alam kung matututunan ko pa bang magmahal ng higit sa kaniya.

She's my life but now she's gone and I don't know how to live again.

"Ashley, bat kailangan mo pang mawala? Bakit mo ako iniwan? Sinama mo na lang kasi dapat ako" I can feel my tears falling continuously. But I don't give a damn about it. All I care about is me hurting up 'til now.

I remember those times that we're together. The best days I have. Namimiss ko siya. I miss her smiles, I miss her laugh, damn I miss everything about her. Two years. Dalawang taon na pero andito pa rin ang sakit at paghihimagsik sa isang taong dahilan ng pagluluksa ko.

Ilang oras din akong nakatulala at tahimik na nagluluksa nang may magsalita mula sa likuran ko.

"Here" nakita ko sa gilid ng aking mata ang isang kamay na may hawak na panyo. "Leave" Tinabig ko ang kamay niya at pinunasan ng sarili kong kamay ang luha sa pisnge ko. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis.

"I'm sorry" she whispered pero narinig ko pa rin. Di ko alam kung bakit siya nagso-sorry. Pinabayaan ko na lang siya at tuluyang umalis.

Nakasalubong ko si Light sa hallway na may kasamang dalawang babae at ngingiti-ngiti at kinawayan pa ako ng loko.

'Tss, playboy."

Tinignan ko ang cellphone ko mag-ingay ito.

From: unknown
"Black is Back"

Muntikan ko ng masira ang cellphone ko sa diin ng pagkakahawak ko nito ng mabasa ko ang mensahing iyon.

'So, you're back again huh! Wait 'til I get my revenge'

...

"Hi, lil bro!" Bati sa'kin ni ate Elaine nang makauwi ako ng bahay.

"Tss, I'm not little anymore, ate" Naiinis na sabi ko.

Tumawa siya.
"Kahit ano pang sabihin mo you're still my little brother" Sabi niya saka ginulo ang buhok ko. Naiinis na inalis ko naman Ang kamay niya sa buhok ko saka naglakad paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Nang makarating ako sa kwarto ay ibinagsak ko agad ang sarili ko sa kama nang tumunog na naman ang cellphone ko.

From: unknown
"Black is at the ******* street"

Dali-dali akong kumuha ng damit nang makatanggap ako ng mensahe. Pumunta ako sa garahe at pinaandar ang motor ko.

"Humanda ka sa'kin Black. I'll make sure you're going to die"

Madison's POV

Andito ako ngayon sa pinangyarihan ng naganap 2 years ago. The place looks gloomy at narito pa rin ang mga palatandaan ng pagkakasunog nito.

Ilang oras na ako narito nang may narinig akong paparating na motor at putok ng baril. Dali-dali akong lumuhod at tinakpan ang mukha ko ng maskara ko bilang Black. Kinuha ko agad ang baril sa thigh holster. Nakipagpalitan ako ng bala sa kung sino mang bumabaril sa'kin ngayon.

"May gana ka pang bumalik sa lugar na ito pagkatapos mong pumatay ng inosenteng tao!" Galit na sabi nito. Sa boses pa lang alam ko na kung sino ito.

Shit! Pa'no niya nalamang nandito ako?

"I didn't kill anyone" I said in a cold voice. Nagpaputok ulit siya.

"Huh! You're a monster! And I will kill you for killing her!" Pagkasabi niya ay sunod-sunod siya nagpaputok sa aking direksyon. Tumakbo sa pinakamalapit na pwede kong pagtaguan. I can hear his footsteps at alam kung malapit na siya sa kinaroroonan ko. Bago pa niya maitutok sa akin ang baril niya sa akin ay mabilis na sinipa ko ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang hawak niyang baril. Hinabol niya ako ng suntok na nailagan ko naman. Ilag lang ako ng ilag at mas lalo niyang ikinagalit iyon. Nang matamaan niya ako sa tiyan ay napaatras ako.

'Shit!'

"Time to say goodbye, Black." nakangising sabi niya habang itinututok ang baril niya sa ulo ko.

'Shit! Is this my end?'

Pero bago pa niya makalabit ang gantilyo ay bigla na lang siya nabuwal sa kaniyang kinatatayuan at humandusay sa sahig. Nasa likod niya si Kate na may hawak na parang syringe.

"You shouldn't come here in the first place" sabi niya. Bumuga ako ng hangin at tinignan ang nakahandusay na si Jon"Don't worry tranquilizer lang yan. Let's go"

Liningon ako kay Kate.
"Paano siya?"

"Nae-text ko na ang mga kaibigan niya at parating na sila. So, we better go now" sabi pa niya saka sumakay sa kotse niya. Sumakay na rin ako sa kotse ko at sumunod sa kaniya.

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon